Chapter 6

10 0 0
                                    

*tok tok tok*

"Nathalie, gising na. Tanghali ka na naman."

Binuksan ko yung pinto at biglang nagulat si Yaya Rosing

"Ang aga mong nakapag-ayos ha? May nakain ka bang kakaiba? Himala ata to Nathalie. Haha! Nakangiting sabi ni Yaya Rosing

"Wala naman po akong nakaing kakaiba eh. Parang nagkusa lang po talaga yung katawan ko para mag-ayos ng maaga." Sagot ko kay Yaya.

"Osya. May nakain man o wala. Tara na. Kumain ka na dun at papaayos ko na kay Kuya Tony mo yung sasakyan." Biglang banat ni Yaya Rosing.

"Pero yaya di ba coding yung sasakyan ngayon? Mag-tataxi na lang po ako."

"Ay! oo nga pala. Sige. Papahatid na lang kita sa gate ng subdivision."

"Okay po. :)" 

Bumaba na ko at kumain ng agahan. Grabe. Parang nanibago din ako sa mga nangyari ngayon. Maaga akong nagising at nakapag-ayos bago pa man ako gisingin ni Yaya. Dahil ba to sa kagabe? Hay. Iba nga talaga ang nagagwa ng kilig. Chos! XD

"Ma'am Nathalie, handa na po yung sasakyan. Labas na lang daw po kayo pag tapos na kayo kumain." Bilin ni Kasambahay 2

"Okay! Salamat!"

Nagpaalam na ko kay Yaya at lumabas na ng bahay. Pero bago ako pumasok ng sasakyan, sinilip ko muna kung nandoon pa si Nath. Pero mukhang tulog pa yung mga tao.

Nagpahatid na ko sa gate ng subdivision at nakasakay na din agad ng taxi. 

Walang katraffic-traffic kaya mabilis akong nakarating sa school. Dahil sa sobrang aga ko, mukhang ako pa lang ata yung tao doon except sa mga janitor. 

Nakarating na ang sinasakyan kong taxi sa school. Nagbayad na ko ng fare at bumaba na. 

"Ano kayang gagawin ko dito? Ang aga ko naman kasi masyado. -_- Makapaglakad na nga muna sa campus"

Ngayon ko na lang ulit to magagawa. Matagal na din kasi yung huling pagkakataong nagawa ko to. 

Habang naglalakad papasok, may naririnig akong nagddribble ng bola sa gym.

"Grabe namang aga magpractice ng mga varsity."

Pero hindi eh. Parang isa lang yung naglalaro. Kaya sinilip ko kung sino yung naglalaro. Nakiusyoso lang. At nakita ko si Nath. Mag-isa. 

Sinubukan kong puntahan sya pero nagpatuloy na lang akong maglakad sa hallway. 

"Nathalie!"

Shiz! Nakita pa ko. Hay! Nagkunwari na lang akong di ko sya narinig at nagpatuloy na ko sa paglalakad. Pero nagulat ako ng paglingon ko nasa likod ko na sya. 

"Nathalie! Bakit ang aga mo ata? Mamaya pa klase natin ha?"  Tanong ni Nath

"Ewan ko ba. Maaga kasi akong nagising eh. Kaya naisipan ko na lang pumasok ng maaga para di na malate at tumakbo at madapa. Hahahaha! Just kiddin'" Biglang banat ko sa kanya.

"Ahh. Hahahaha! Eh ano ng gagawin mo ngayon?" Tanong nya sa'kin.

"Wala. Maglalakad-lakad na lang muna siguro. Matagal na kasi nung huli kong nagawa to." Sagot ko sa kanaya.

"Ahh. Okay. Pwede ba kitang samahan?" Biglang tanong nya sa'kin

Di ko alam ang isasagot ko! Sh*t! Papayag ba ko? O wag na lang. Waaaaaah! Badtrip naman kasi eh. Bakit mo pa ko tinawag? Moment ko na to eh. Emote mode on na nga eh. Tinawag mo pa ko.

"Nathalie?"

"A-a-a Sige."

Wala na kong nagawa. Nauna si kilig eh at oportunistang si Nathalie eh. Bahahahahaha! XD

"Ikaw Nath? Bakit ang aga mo dito?"

"Ahh. Wala lang. Gusto ko lang mag-unwind sa pamamagitan ng basketball. Kakalipat lang kasi namain ng bahay kagabi."

Shocks! Na-open yang topic na yan. Pano ako mag-rereact? tatanungin ko ba kung saan sya lumipat at icocome up ko na we're at the same subdivision? Waaaah! Help me Papa God. >.<

"Ahh. Saan kayo lumipat?"

"Sa may Northpine Executive Village"

"Oh? Okay."

Di ko masabi na pareho lang kami ng subdivision. nakakahiya naman kasi eh. So I change the topic na lang.

"Bakit pala kayo nag-migrate dito sa Pilipinas? Mukhang maganda naman na ata yung buhay nyo dun."

"Eh kasi may kailangan ayusin si Daddy dito. Eh mukhang matatagalan pa yun para matapos nya. So he decided na isama na kami dito sa Pinas if we're feel to stay here for good."

Lumipas na ang maraming oras at marami ng estudyante ang pumapasok sa campus. Walang puknat sa pagkkwento tong si Nath sa'kin at natutuwa ako dahil sa'kin nya naibabahagi yung mga kwento ng buhay nya. Parang ang saya naman yung bungad ng araw na to. Sobrang saya lang talaga.

*Kkkkkrrrrrinnnggg*

"Uy! Bell na pala. Di ko napansin na time na eh. Sobrang namiss kong makipagkwentuhan. sana maulit to. Sorry kung di ka na nakalibot sa campus. Hayaan mo next time sasamahan kita. :)" Banat niya sa'kin.

"Hahahaha! Okay lang yun. Madami pa namang next time. Thank you din kasi sinamahan mo ko ngayon. Naistorbo ko pa tuloy yung paglalaro mo kanina." 

"Nako! Hindi nuh. Hahaha! Osya tara na. Sabay na tayo pumunta sa room. :)"

"Sige. :)"

At inalalayan nya kong tumayo sa bleachers na pinagupuan namin. Hay. Thank you Papa God. Sana talaga tuloy.tuloy na tong mga ganitong moments. :) 

Forever is just a WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon