Chapter 9

9 0 0
                                    

"Class, dahil malapit na matapos ang semester, I will require you to make a time series research that will be submitted before your finals. You have a month to do that. In addition, kumuha na kayo ng partner nyo para mas madali ang paggawa. Okay ba class?"

"Opo ma'am!"

Nako. Pano na naman ako? Panigurado kasi si Alexa at Patty na ang magkapartner. To think na sa'ming tatlo ay sila talaga ang close na close at magkapit.bahay pa sila. Hay.

"Patty, alam na ha? Tayo na magkapartner sa RP. Hahaha!" Banat ni Alexa kay Patty.

"Oo na. Pero pano kaya si Nathalie? Hmm."

Lumingon.lingon si Patty para hanapan ako ng partner. Pero mukhang wala na atang available.

"Nathalie. Mukhang solo ka gagawa ng research mo. Kaya mo naman yan eh. Tali.talino mo kaya." Banat ni Alexa.

"Tumigil ka nga Alex, ikaw talaga kahit kailan." Pagtatanggol sa'kin ni Patty.

"Okay lang Patty."

"Class, lahat na ba may partner? Magtaas ng kamay ang wala pang partner." Tanong ng professor namin.

At tinaas ko ang kamay ko. Laking gulat ko ng nakita ko si Nath na nakataas din ng kamay. Kaming dalawa na lang pala ang naiwan. Hay.

"Mr. Marin and Ms. Villafuerte, kayo na ang research partners ha?" Tanong ng prof namin.

"Opo ma'am." At sabay pa kami sumagot.

*Kkkkkkrrrrriiiinggggg*

"Okay class. Pag.usapan nyo na yung topic nyo. Okay? Research topic will be submitted on Monday. Class dismiss!"

Natapos na din ang last subject at pede ng umuwi. Walang practice sila Alexa at Patty kaya sabay.sabay kami pumunta sa campus exit.

"Ang swerte mo naman Nathalie at partner mo si Nath. Hay. Sana pala ako na lang naiwang walang partner." Panghihinayang sabi ni Alexa sa'min ni Patty.

"Ambisyosa ka talaga Alexa. Baka naman talagang nakatadhana na si Nathalie at Nath ang magiging magpartner. Bahahahahaha!" Pang.aasar ni Patty sa'kin

Forever is just a WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon