Chapter 7

10 0 0
                                    

Patapos na yung last subject namin. Tumingin ako sa labas at mukhang uulan pa ata. Tiningnan ko yung payong ko kung nasa bag. Pero shiz wala. Takbo mode ako nito mamaya.

"Bakit Nathalie? May problema ba?" Tanong ni Patty sa'kin.

"Ay wala. Yung payong ko kasi di ko nadala eh mukhang uulan pa."

"Aww. Oo nga. Mukhang malakas pa naman yung ulan." Pagsang-ayon ni Alexa na nakikinig pala sa usapan namin ni Patty. 

*kkkkrrrrrinng*

"Class, dismissed"

Lumabas na agad kami at as usual nagkahiwalay na kami sa may gym. Hay. Bumuhos na yung ulan kaya tumakbo na ko palabas ng campus para sumakay ng taxi pauwi. 

Basang-basa na ko dahil wala akong dalang payong. Nilalamig na rin ako at mukhang magkakasakit pa. Kung ano naman yung ikinaganda ng bungad ng umaga ko ganito naman binawi ni Papa God. 

Lumipas na ang 1584184481673676657631761654 years ay may nakita na kong taxi. Pinara ko agad at akmang pagbukas ko ng pinto ay may lalaking nakisabay na buksan din yung pinto. Basang-basa na din sya.

"Excuse me. Ako nauna dito. Kumuha ka ng sarili mong taxi." Medyo nagtaray ako pero nung nakita kong si Nath ay biglang nag-shift mood ko.

"Ano? Sasakay ba kayo?" Tanong ni Mamang diver

Sumakay na kami. Sobrang lamig na lamig na kami at basang-basa.

"Saan kayo?" Tanong ni masungit na driver

"NORTHPINE EXECUTIVE VILLAGE PO!"

Sabay pa kaming nagsabi. Patay! Alam na nyang  pareho kami ng subdivision. Tumingin na lang sya sa'kin at nagtanong.

"Taga-Northpine ka din pala?" 

"Oo."

"Saan kayo dun? Anong street nyo?"

"Cattleya St."

Mukhang gulat na gulat sya sa sinabi ko. At mukhang confuse sa mga nalaman nya. 

"Is this coincidence? Dun din kami nakatira eh."

"Really?"

"Oo. naglipat lang kami kagabi dun."

Sa sobrang daming tanong ni Nath ay di na namin namalayan na nasa village na pala kami. 

"Anong street kayo?" Tanong ni mamang driver

"Cattleya po."

"Okay. Sir, Ma'am, Di naman po sa nanghihimasok ha? Pero bagay po kayo. Kanina ko pa po kayo tinitignan sa rear mirror ko at bagay na bagay kayo." Big;ang banat ni mamang driver

Dahil sa sinabi ng taxi driver na yun ay natahimik na lang kami. 

"Kuya, dyan na lang sa may black na gate. Eto po bayad ko oh." Sabay abot kay mamang driver ng bayad ko.

"Wag ka na magbayad. Ako na lang. I insist. Eto po oh. Salamat!" Sambit ni Nath

Nagkahiwalay na kami ng daan. Papasok na ko sa bahay at pumasok na din sya. Medyo parang nag-iba yung mood nya pagkatapos sabihin ni mamang driver na bagay daw kami. 

Nakaramdam ako ng kilig nung sinabi ni mamang driver yun pero bigla naman to nawala nung nakita ko si Nath na naging seryoso at iwas sa'kin. Hay. This was all your fault manong driver. Bakit mo pa kasi brining up yang speculations na yan? Hay.

Pumasok na ko sa loob ng bahay at agad agad naman akong inabutan ni Yaya Rosing ng tuwalya.

"Nako. Basang-basa ka Nathalie. Ika'y maligo na't magpalit na ng damit. Kakain na tayo pagkaligo mo." Bilin ni Yaya Rosing

"Okay po." Sagot ko naman

Umakyat ako sa kwarto ko, naligo, at nagpalit ng damit. Mukhang di ko trip kumaen ngayon dahil sa nangyari sa taxi kanina Di pa rin maalis sa isip ko yung reaksyon ni Nath dun sa sinabi nung taxi driver. 

Bakit kaya naging ganun na lang sya? May mali bang nasabi yung diver? Na-offend ba sya? Hay. Badtrip! Baka umiwas na sya sa'kin. Hay. Bakit? :( 

Forever is just a WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon