"Ayelle, look at me, young lady" mariing utos ni daddy sa akin, nagmatigas ako at patuloy pa ring nakaharap sa bintana ng kotse.
Daddy was driving me to school. Nasa bakasyon kasi ang drayber ko at gusto ni dad na ihatid ako pansamantala habang wala pa si Kuya Hernan.
I was so mad dahil bantay sarado ako mula pa nun nakaraang linggo. My god! Hindi na nga kami makagala ni Stacylyn dahil pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng school ay nasa labas na agad ang sasakyan ni daddy.
"Ayelle I said look at me!"
Hindi ko pa rin siya pinansin at nagmatigas na tumitig sa bintana ng kotse, muli ay tinawag na naman ako ni daddy kaya this time ay hinugot ko na ang ear piece ko at sinalpak ito sa cellphone ko para magpatugtog.
Hindi ko na naririnig si daddy pero alam kong tinatawag niya pa rin ako. Mukhang hindi niya napansin na may nakasalpak sa tenga ko dahil dakdak pa rin siya ng dakdak sa akin na para bang pinangangaralan ako sa kung ano man.
I just rolled my eyes.
"Whatever!"
"Ayelle!"Hindi ko siya pinansin at bumaba ng kotse. Narito na kasi kami sa school, tuloy tuloy akong dumiretso maglakad papunta sa school.
Bahagya ko pang nilingon ang kotse kung san ako bumaba at nakita ko na bukas pa rin ang pintuan ng kotse sa may passenger seat kung san ako lumabas kanina.
Nakita ko si daddy. Malungkot na nakatingin sa akin.
Umiling ako at dumiretso sa papasok sa paaralan.
"Shine!"
Bumalik ang kaluluwa ko sa reyalidad ng may humampas sa likuran ko. Tinanggal ko ang ear piece ko at tinignan ang pangahas.
"Stacylyn!"
Ngumisi naman siya sa akin.
"Sorry naman" she apologised "Hindi naman malakas palo ko nu ka ba?"
I shake my head in disbelief. Malala na talaga siya.
"So what's the catch?" I asked. "Anything that can make me amaze?"
Ngumisi naman siya sa akin.
"Well"
I grinned.
"Ano?"
"Remember Gilbert?"
"Uh huh" pagtango ko sa kanya "What about him?"Chismis time!
"Yun! Dedibells na ang gago"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gosh! True ba?!
"Dead? As in dead na patay talaga?!"
Umiling naman siya sa akin.
"No silly!" She said. "Dedibells as in kick out na sa school friendship"
My mouth form 'o'
"Why?"
"Eh k-kasi---" damn! She's stammering, don't tell me! "His the one that I pay for the" tumingin tingin pa siya sa paligid, napatingin tingin din ako, kinakabahan. "For the fake fire alarm" she whispered.Napalunok naman ako sa takot.
"But what happened?" Bulong ko rin sa kanya "Nilaglag ba niya tayo?"
Umiling naman sa akin si Stacy kaya nakahinga ako ng maluwag, goodness! We're safe!
"Binayaran ko na siya ng seventy thousand enough para sa pananahimik niya but that's not the catch friendship" she grinned.
Napakunot naman ako ng noo.
BINABASA MO ANG
LIBRO (SLOW UPDATE)
Fiksi SejarahSi Sunshine Ayelle Sandoval ay isang modern princess ngayong 21st century, lahat lahat ng luho at kagustuhan niya ay sa isang kisap mata ay nakukuha niya ngunit ang kanyang maganda at tahimik na buhay at magbabago ng dahil sa isang pamanang libro. ©...