Chapter 6Umaga
Bahay ni JamieMaagang nagising ang dalaga. Matapos niyang gawin ang kaniyang mga morning rituals. Sinilip niya ang kaniyang pasyente na kaniyang pinatulog sa isang sofa sa kanyang sala.
Mahimbing parin ang tulog ng binata. Tila ito walang buhay sa posisyon ng pagkakatulog nito. Nakaunat ang mga braso nito sa tagiliran at tuwid din ang mga binti nitong nakaunat sa sofa.
Ang sandaling iyon ay isang pagkakataon kay jamie upang mapagmasdang maigi ang binta mula sa mukha nito hanggang sa dibdib nitong nakalantad dahil ilang butones din ang nakabukas sa maong na longsleeve nitong suot.
Pinagmasdang maigi ni jamie ang sugat sa dibdib ng binata. Napansin niyang tuluyan nang naghilom ang sugat. Malapit na itong maging peklat. Takang taka siya dahil naalala niyang tatlong araw pa lamangbang nakakalipas pero ang nasabing sugat ay nasa ganung itsura na.
Nag sasalita siya sa isip niya sa mga oras na iyon.Jamie : Grabe.. Kakaiba talaga ang taong ito. Hindi kaya alien ang taong ito. Nagpanggap lang na tao. Naku, pano nga pala kung ganun, mahihirapan nakong makuha yung bagay sa puso niya. Pero mainam din kung alien nga talaga siya kase, puwede ko na siyang patayin at kunin nang puwersahan yung cherubim. Kaso malalakas nga pala yung mga alien. Pano kung gamitan niya ako ng powers. Pano kung ako ang mapatay niya. Naku!!! Diyos ko. Anong gagawin ko pag ganun nga. Kailangan ko makatiyak kung totoong tao nga ba siya o isang alien.
Maya mayay may sumagi sa isip niya, inisip niyang baka puwede niyang malaman kung alien ba talaga ang binata kung bubuhusan niya ito ng tubig.
Jamie : tamaa.. Kung galing siya sa ibang planeta, posibleng walang tubig dun. Puwedeng may maging chemical reactions sa katawan niya ang tubig pag dumampi sa balat niya. Pero kailangan kong makasiguro, baka pag buhos ko sa kanya ng tubig bigla siyang mag ibang anyo at kainin niya ako. Ahh alam ko na...
Kumuha ng isang basong tubig si jamie.niready din niya ang isang baseball bat sa gilid ng sofa kung sakali nga namang magtransform sa pagiging alien ang binata eh kahit papano may armas kaagad siyang pandepensa.
Sa unay dahan dahan niyang winisikan ang mukha nito ng tubig na tila nagdidilig lang ng bulaklak. Halata sa mukha ni jamie ang takot at paghahanda sa kung anuman ang posibleng maganap. Ilang wisik pa, wala pa ring reaction ang binata. Kayat dinamihan niya ang pagwisik ng tubig, sa pagkakataong iyon, bigla na lang napapikit nang todo ang binata na halatang nagising ito sa kakaibang epekto ng malamig na tubig sa mukha niya.
Nagulat na lang si jamie nang bigla na lang dumilat ito at sumigaw dahil sa itoy naalimpungatan.Sa gulat ni Jamie, naisaboy niya ang lahat ng lamang tubig ng hawak niyang baso sa mukha ni bryan. Kapwa sila nagsigawan sa pagkagulat.
Nataranta na sa sobrang takot at gulat si jamie kaya kinuha niya agad ang baseball bat para ipanghambalos kay bryan.
Nang akmang tatayo na si bryan, agad hinambalos siya ni jamie ng hawak nitong baseball bat habang itoy nagsisisgaw.
Buti na lang alisto si bryan at agad itong gumulong pabagsak sa flooring palayo kay jamie.Kung hindi pa siya nagsisigaw hindi kakalma si Jamie.
Doctora!!! Doctora!!!
Sandali lang ano bang problema?
Bakit niyo ko hinahambalos niyan?Napatigil si jamie at tinitigan niya na lang si bryan nang ilang segundo habang humihingal. Maya mayay ibiningsak niya ang baseball bat sa flooring.
Jamie: may kailangan tayong pag usapan. Pasensiya kna.
Maya mayay, magkaharap na ang dalawa sa terasa ng bahay. Humihigop ng kape. Maaliwalas ang panahon sa umagang iyon. Maririnig ang mga huni ng mga ibon at lawiswis ng mga dahon ng mga puno dahil sa hanging malamig.
Ryan: doc pasensiya kana kung nagdudulot ako sayo ng problema ha. At ginugulo ko ang isip mo. Marahil iniisip mo na masama akong tao. Base kase sa nakita ko sayo kanina, wala kapa talagang tiwala sa akin. Sino nga ba naman ang agad agad magtitiwala sa isang taong halos wala sa sarili niya. Burado ang memorya at di alam kung saan pupunta.
YOU ARE READING
The Devil Has Amnesia
Science FictionSabi nila ang lahat ng masasamang tao ay may pag asa pang magbago at mabigyan ng kapatawaran ng langit. Paano kung mismong si Lucifer ang biglang magbago sa di inaasahang panahon at pagkakataon. Na ang tala sa umagang itinapon sa lupa at nakilala bi...