Chapter 3

33 0 0
                                    

CHAPTER 3

6:00 am Anyang Road, South Korea

Malamig ang simoy ng hangin ng umagang iyon na bumagay naman sa kumakantang kalsada o "singing road" ng Anyang.
Isang binata na nasa late twenties ang edad ang may hawak ng manibela ng isang 6 wheeler truck na may kargang mga nakaboteng soju.
Halata sa mukha at pungay ng mga mata ng driver ng truck, na itoy inaantok, ilang beses ding halos gumewang sa kalsada ang minamaneho niyang truck dahil sa di mapigilang antok. Maraming mga sasakyan na ang bumusina ng malakas sa kanya dahil sa muntikan na niyang mabunggo ang mga ito.
Kaya para mawala ang nararamdamang antok, sinabayan niya ang kanta ng kalsadang iyon sa pagkanta habang panay halik niya sa isang pendant na cherubim ng suot niyang kuwintas.
Pero sa kalagitnaan ng kanyang pagkanta bigla na Lang siyang nasilaw sa isang napakaliwanag na bagay na humarang sa gitna ng singing highway ng anyang, bigla niyang inapakan ang preno subalit huli na.
Ang kumakantang kalsada sa umagang iyon ay binulabog ng isang napaka lakas na pagsabog ng dalawang nagsalpukang bagay.
Ang truck na minamaneho ng binata at ang misteryosong makina na biglang sumulpot sa highway na iyon.

Sa sobrang lakas ng impact, natumba at umikot pabalabag ang truck sa gitna ng kalsada. Samantala, ang misteryosong makina naman ay nagpira piraso.
Nagliliyab na parehas ang dalawang nagbanggaan kaya ang mga taong nasa Kani kanilang mga sasakyan ay nagsipagbabaan na rin at napilitang umusyoso, lumikha ng malaking trapik ang asidenteng iyon. May isang ale ang nakapansin sa driver ng truck na humihinga pa kayat nagsisigaw ito sa mga tao na hatakin na daw palabas ng truck ang driver. Agad namang kumilos ang ilang lalaki. Ang binata ay sugatan at walang malay.
Samantala sa di Kalayuan sa labas ng kalsadang iyon ay nakahandusay ang isa pang binata.
Siya si lucifer. Walang malay at punit punit ang suot nitong Damit.Subalit mapapansin ni isang galos ay wala itong natamo sa asidenteng iyon.
Maya mayay umatungal na ang sirena ng ambulansiya na siyang kumuha sa driver ng truck.
Sa mga sandali ding iyon, nagliwanag bigla ang katawan ni lucifero. Mula sa malamlam na kulay pulang liwanag unti unti itong naging asul hanggang sa lumiwang ito nang husto na ikinasilaw namn ng mga mata ng mga taong nagsipagbalikan na sa kanilang mga sasakyan sa dakong iyon.

Ilang saglit pay, nag sulputan na ang mga media sa highway na iyon ka sabay naman ng biglang paglaho ng katawan ni Lucifero na tila sumama na sa pagkawala ng nakakasilaw na liwanag.

Samantala,
Sa loob ng ospital ng
Hallym University Medical Center
Anyang-si, Gyeonggi-do, South Korea

"Doc, responsive na po ang pasyente, eto nga po pala yun results ng body x ray niya Pati CT scan.

Ang nag abot ng result ng findings sa binata ay isang dalagang batang doctor na nasa early twenties pa lang ang edad. Siya si Dr. Jamie Park

Kinuha ng Doctor at binasa ang findings.

"hmmmm...? So far, wala namn palang Tama ang skull at brain niya. Intact din ang lahat ng mga bones niya. Aside sa mga bruises ng katawan niya noh? So I guess, Baka the next day puwede na to I discharge."

Sumagot si Dr. Jamie sa sinabing iyon ng kanyang superior.

" eh doc, may isa po kasing problema, hindi po Natin siya puwede pa i discharge. Eto po o. "

Sabay turo sa parteng dibdib ng xray ng katawan ng pasyente.

Inayos ng matanda doctor ang suot nitong salamin.

"teka ano ba Yan? Let see. Hmmm? Pano na punta yan diyan?"

Siguro po doc, kumalas yan na pendant ng suot niyang kuwintas, Kase kung inyo pong mapapansin, yung dulo po ng bagay nayan may maliit na circular metal which is I'm sure dito po nakakabit Yan.

Sabay turo naman ni Jamie sa metal chain necklace na suot ng binata.

Ow.. Tama ka nga. Pero ang nakapagtataka, bakit normal naman ang impulse niya.Dapat nahihirapan na yang huminga Kase sa mismong puso niya nakatarak yang foreign object na yan. Tingnan ko nga Yung dibdib niya. Pakibukas nga Jamie.

The Devil Has AmnesiaWhere stories live. Discover now