Prologue

2.1K 29 12
                                    

PROLOGUE

Nang ikaw ay aking makilala,

Akala ko ika'y isang tala.

Ngiti sa 'yong labi ay nakita.

Nasilayan kislap ng 'yong mata.

Ako at ika'y naging malapit

Na para bang tunay na kapatid.

Araw na magdaan ay aanhin

Kung sa tabi'y ikaw wala sa 'kin.

Kung ika'y kailangan, ika'y nandyan.

Sa hirap man o sa kasiyahan

Bawat araw na pinagsaluhan

Simple lang. Labis ang katuwaan.

Araw ay mabilis na nagdaan.

Sabay ng tag-araw at tag-ulan

Kagaya ng sa ating samahan

Tunay na dahilan, 'di malaman.

'Pag nandyan ka, puso'y tumatalon.

Pakiramdam ko'y gustong bumaon.

Ito'y nalaman nang 'di naglaon.

Pagtingin ko, sa 'yo ay natuon.

Tanda ko, Disyembre, ika-walo,

Panaginip ko'y nagkatotoo.

Ngunit 'di rin madaling gaano.

Sa pagsubok ay 'di papatalo.

Sa harap ng matang nangungutya,

Kamay ko'y mahigpit na hawak nya.

Takot sa 'kin nawalang bahagya,

Sapagkat sa tabi ko'y nandyan sya.

Malagpasan kaya lahat ng 'to

O ligaya'y 'di na matatamo?

Takbo ng istorya'y sa'n tutungo?

Pangarap kaya'y magkatotoo?

Yan ang pakaabaangan natin sa istorya nina Melody at Duane ^o^

- SunnyMoonie

[Updated: 11:40 pm, September 05, 2014]

When You're In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon