Chapter 1(2/2): Meeting of Friends
++ Melody's POV ++
Pagkapasok namin ni Matt sa bahay, nadatnan naming nakabihis na si Lammie ng pambahay at hinahalungkat ang refrigerator namin. Suot nya mismo yung damit ko. 'Di na bago sa 'kin yun. Ganyan na sya magmula pa nung unang tuntong nya dito sa bahay namin.
Nang tumuloy na kami ni Matt sa loob, sinalubong naman ako ni Lammie na naka-teary eyed at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Melo, ba't walang burger dito? Gusto kong kumain ng burger!"
"Wag kang baliw jan. Dati pa kaming hindi nagi-store ng burger dito sa bahay. 'Di ko favorite ang burger. At isa pa, diba sabi ko sa 'yo na delikado yang mga burgers? Maaaring makadulot yun ng cancer. Manahimik ka jan. May mga prutas jan. Yan ang kainin mo." nilagpasan ko sya pagkatapos ko syang sermonan.
Hindi na umangal si Lammie. Pero nakita kong naluluha sya. Sus! Baka drama lang yan. Eh ang galing kayang umarte nyan. Mabibiktima lang ako ng mga ganyan-ganyan nya. Ilang ulit na kaya syang nakatanggap ng "Best Actress Award" sa dating school na pinapasukan nya. Tsk! Ayun. Hinayaan ko nalang sya at saka nagpaalam kay Matt na magbibihis muna ako. Umakyat na ako sa taas at nadatnan ko dun ang mga nakakalat na gamit ni Lammie.
"Burara!" Yun nalang ang nasambit ko at pinulot ko isa-isa yung mga gamit nya. Niligpit ko yun na parang yaya nya. Tsk! Ano nalang ang sasabihin ng mga fans nya 'pag nalaman nilang burara ang idolo nila? Talaga naman!
Matapos kong magpalit ng damit ay agad naman akong bumaba para asikasuhin yung mga bisita ko. Actually, isa lang yung bisita ko. Yung isa ay BWISITA. Oops! Sorry for the word.
"Melody!" Pababa palang ako nun ng tawagin ako ni Matt mula sa baba. "Yung bestfriend mo parang baliw." Sabi nya.
"Ha? 'Di mo pa pala alam?"
"Ang alin?"
"Na baliw sya." Tsk! Gwapo sana, slow lang =.=
"Haaa? Wag mo nga 'kong biruin ng ganyan." Sabi nya sa 'kin.
"'Di ako joker." I said with a blank face.
"Naman! Kaya ba sya nagkakaganyan?" Sabi nya tas sabay turo kay Lammie na pinapapak yung burger pillow ko.
"Melo, ba't lasang downy yung burger nyo? Hmmm, 'di bale na. Okay na 'to sa 'kin. Homnomnomnom."
"YUCK! LAMMIE! BITAWAN MO YAN!" Pinigilan ko yung ulo nya habang hinihila ko naman yung burger pillow ko. Kadiri kasi 'tong babaeng 'to. Naaabsorb na nung unan yung laway nya. Tas any time masisira na yung unan sa kakakagat nya.
"ANO BA?!! Matt! Tulungan mo naman ako dito." Natatarantang tumulong naman si Matt sa pagpigil dun sa ulo ni Lammie. Naawa naman ako sa ginagawa namin kaya nakapagbitaw ako ng mga salita na sana ay 'di ko sinabi.
"O, sige na! Bibilhan na kita ng burger, basta't bitawan mo lang 'tong unan." Pagkasabi ko nun ay agad nya namang binitawan yung unan.
"Unan pala 'to? Kaya pala lasang downy." Pagkatapos ay para syang may nakalimutang gawin. Dali-dali syang pumunta dun sa may telepono. "Dali na Melo. Mag-order ka na ng burger. Yung malaki ah? Yung espesyal, para lang sa 'kin." Tumatalon-talon pa sya dun na parang bata. Ang laking sakit sa ulo talaga nitong si Lammie!
Napabuntong-hininga nalang ako. "Matulog ka muna. Mamaya pa yun maluluto." She leaves me no choice but to lie. Ayaw kong malagay sya sa panganib. Whether totoo man yung nabasa ko sa internet (na nakakapagdulot ng cancer ang mga burgers) o hindi, wala namang masama kung mag-iingat kami. Para rin 'to sa kanya.
"Ha? Eh hindi ka pa nga nag-oorder. Melo, masamang magsinungaling." Sabi nya at magkasalubong ang mga kilay.
Iniangat ko ang cellphone ko at sinabing, "Natawagan ko na. Kanina pa. Kaya kung ako sa 'yo, matulog ka nalang muna bago ko kanselahin yung inorder ko." Sabi ko sa kanya at mukhang na-gets nya naman yung nais kong ipahiwatig.
BINABASA MO ANG
When You're In Love
Dla nastolatkówPaano kung isang araw, may makilala kang isang anghel? Este, isang lalakeng ubod ng gwapo. Tas malalaman mong mas matanda pala sya sa 'yo ng 9 na taon. Sayang diba? PAANO? >v< Ayun! 'Di naglaon, naging magkaibigan kayo. Yung as in SUPER CLOSE (capsl...