The Only Exception

253 12 0
                                    

Vice's POV

Pagpasok ko palang sa bahay ni dad eh bumungad na agad saakin yung mga bote ng whiskey na nagkalat sa sahig. Tumigil ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya at binagsak sa sahig yung backpack ko bago pinihit yung doorknob.









Inabutan ko siya na nakaupo sa may paanan ng kama niya. Naka-suot ng puting t-shirt at boxer shorts. Mahaba nanaman ang bigote at balbas habang nakasubsob ang mukha sa mga palad niya.









Umiiyak.










I was 14.








Pinanood ko siya habang patuloy siya sa pag-iyak. Isang taon na mula nung maghiwalay sila ni Mama pero tuwing pinupuntahan ko siya dito ay sa ganitong estado ko siya inaabutan. Lasing at umiiyak. Dahan dahan akong naglakad papalapit sakaniya pero hindi niya ako kaagad napansin.










"JM, anak. Bakit nandito ka? Di ba sa weekend pa tayo dapat magkita?"







Sabi niya nung nakatayo na ako sa tabi niya at sawakas ay mapansin niyang andun ako. Nagpunas siya ng luha at sinubukang ngumiti. Namumula ang mga mata niya pero nakangiti siya saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh ganito pa din siya. Pilit iniintindi ng murang isip ko ang dahilan pero hindi ako makahanap ng sagot.









"Namimiss na kasi kita dad. Okay ka lang ba? Kumain ka na? May dala akong pagkain eh."





Sabi ko bago umupo sa tabi niya at umakbay sakaniya. Sa aming magkakapatid ay ako talaga ang pinaka-close sakaniya at ang pinaka nasasaktan sa nakikita ko. Gusto ko sana na dito na lang tumira para may kasama siya pero ayaw pumayag ni mom at pinakiusapan din ako ni dad na mas kailangan daw ni mommy ng makakasama.








Niyakap ako saglit ni dad at nagpupunas nanaman siya ng mga luha nung humiwalay siya bago ako nginitian.








"Sige. Pero mag-shashower muna ako at nakakahiya naman sayo. Ang pogi pogi mo tapos ganito itsura ng kasabay mong kakain."




Natatawang sabi niya. Tumango naman ako bago tumayo at hinila din siya patayo. Hinintay kong makapasok muna siya sa bathroom bago ako lumabas ng kwarto para dumeretso sa kusina at ihanda yung pagkain na dala ko.









Hindi ko alam kung paano nagsimula yung gulo nila mama noon. Nagulat nalang din kami isang araw eh naghiwalay na sila. Sabi ni dad, kasalanan daw niya kaya siya nalang ang umalis. Naiwan kaming magkakapatid kay mom, na parang naging distant sa mundo. Madalas ay tulala lang siya at alam ko na nalulungkot din siya kahit pinapakita niya saamin na okay siya.




Minsan naririnig ko siyang umiiyak mag-isa sa kwarto nila ni dad noon.







"Tama si mama at papa. Bakit ko kasi pinairal tong puso ko kesa sa utak ko."



Paulit-ulit niyang sinasabi yun. Nagtataka man ay hindi na kami nagtanong pa sakaniya. Hinayaan nalang namin siya.











Ilang taon din na pinapanood ko silang ganun. Andun ako habang nagistruggle si dad na bumalik sa buhay niya. Kung gaano siyang nahirapan na gawin yun pero kahit papaano ay nagawa niya din.




Si mom naman ayun, araw-araw sinusumpa ang pagmamahal. Tuwing makikita niya si dad anywhere eh hindi niya ito pinapansin bukod nalang kung tungkol saaming mga anak nila. Hindi naman sila nagkulang bilang mga magulang. Sadyang sa isa't isa lang ata sila allergic.














PlaylistWhere stories live. Discover now