"Finally!"
Masayang sabi ko pagbaba ng boat na nagdala saamin sa Nami Island. Pumikit ako bago huminga ng malalim.
Inilibot ko muna ang aking paningin sa paligid bago nilingon si Ion na busy na sa pag kuha ng pictures gamit ang camera na nakasabit sa leeg niya.
Maya maya pa ay binaba na niya iyon at inabot ang isa kong kamay bago ngumiti ng pagkaganda ganda saakin.
"Yes, finally."
Puno ng excitement ang boses na sabi niya bago ako hinila.
Almost 6 months din naming plinano ang trip na to dahil hindi magkasundo ang mga schedules namin.
Siya na busy sa photo shoots niya at ako naman na busy rin sa pagiging freelance interior designer. Masyado niyang dinidibdib ang pagtatrabaho para raw makapagpakasal kami sa ibang bansa.
"Dali na! Dito ka sa gitna oh habang wala pang maraming tao!"
Tawag sakin ni Ion nung makarating na kami sa sikat na spot sa Nami.
Sa gitna ng matataas na puno na hindi ko alam kung ano.
Napamaang muna ako sa ganda ng paligid.
Fall season.
Nagkalat ang kulay pula at dilaw na dahon sa paligid.
Napakaganda. Sinunod ko ang mga gustong ipagawa sakin ng photographer kong jowa kahit hindi naman ako mahilig magpakuha ng litrato.
Titig na titig lang ako sakaniya habang busy siya sa likod ng camera at kung ano anong posisyon ang ginagawa para raw makakuha ng magandang anggulo.
"Maganda naman ako sa lahat ng anggulo, di ba?"
Biro ko sakaniya habang papalapit ako at siya naman ay busy sa pag checheck ng mga kuha niya. Tumingin lang siya saakin bago napangiti at naglahad ng kamay.
Kinuha ko naman iyon agad.
"Bat di ka nakasagot?"
Sabi ko sabay pout. Natawa lang siya at napailing ng kaunti bago naglakad.
Aba talagang ayaw niya??
Hinila ko yung kamay ko na hawak niya bago humalukipkip at kunwari ay nagtatampo.
Nilingon niya ako at tinawanan lang bago nilapitan.
"Ano ka ba, syempre naman maganda ka sa lahat ng view. Lalo na...."
Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Alam ko naman ang kakornihang kasunod nun pero kinilig pa rin ako.
"Aylab-view."
Pangiti ngiti niyang bulong saakin bago muling kinuha sa ang iss kong kamay at tahimik na naglakad.
Sobrang ganda ng paligid. Kahit pangalawang beses ko nang nakapunta rito ay tila hindi pa rin nagsasawa ang mga mata ko.
Naglalakad na kami pabalik sa port nung mapalingon ako sa isang babaeng nakaupo sa isang wooden bench na natatabingan ng mga anino ng matataas na puno.