Jackie's POV
Kanina pa ako pabaling-baling sa higaan ko. Muli kong tinignan yung digital clock sa ibabaw ng side table ko.
3:30am
"Antoookkkkk!! Asan ka na ba!"
Inis na inis ako sa sarili ko dahil kung kelan kailangan kong matulog ng maaga dun naman ako hindi makatulog. Umupo ako sa kama at hinablot yung phone ko na nasa ibabaw din ng table. Tinignan ko kung may text na ba si Vice pero wala pa din.
"Talagang nagmamatigas yung gagong yun ah!"
Lalo akong nainis. Nag-away kami kagabi habang magkausap sa telepono dahil lumabas nanaman siya kasama ng mga kaibigan niya. Nakipag-inuman nanaman tapos kung hindi ko pa tatawagan eh hindi ko pa malalaman.
Nasabihan ko tuloy na wag akong kausapin kahit kelan.
At napaka-masunurin ata niya ngayon dahil hindi talaga ako tinawagan buong araw o kahit tinext manlang.
"Bahala ka sa buhay mong lalake ka."
Bulong ko bago pinatay yung phone ko at ibinalik sa ibabaw ng lamesa tsaka bumalik sa pagkakahiga. Pero gaya kanina ay nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko na may mga glow in the dark na stars.
Napangiti nalang ako.
Kahit gago yung lalakeng yun at mas madalas talaga siyang nakakainis, alam kong mahal na mahal ko siya.
Madalas nakikipag-inuman sa barkada at mainitin talaga ang ulo pero may naiitago ding sweetness sa katawan. Gaya nalang nung minsan.
Flashback....
"Sinasabi ko sayo, Viceral, pag ikaw nanaman napaaway jan!"
Hysterical na sabi ko sakaniya habang kausap ko siya sa telepono. Pabalik balik ako ng lakad sa labas ng opisina habang hinihintay siya dahil sabi niya ay susunduin niya ako pero anong oras na ay wala pa.
"Baby! Kasalanan naman niya eh. Tata--"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at inalis ko sa tenga ko yung phone bago huminga ng malalim at kinalma ang sarili ko bago binalikan ang kausap ko.
"Tama na yan. Pumunta ka na dito. Wala naman palang damage eh, bakit anjan ka pa."
Kalmado kong sabi sakaniya. Narinig kong bumuntong hininga siya kasunod ng tila pabagsak na pagsara ng pintuan ng sasakyan.
"Oo na po. Papunta na jan. I love you."
Napangiti ako sa narinig ko. Bibigay din naman pala pinahirapan pa ako. Nakakainis din talaga minsan eh.
"Ingat ka. I love you too."
Sabi ko bago pinatay ang call. Ilang minuto pa akong naghihintay sakaniya bago siya dumating. Agad naman akong sumakay sa sasakyan dahil kanina pa ako nangangawit sa pag tayo.