Vice's POV
Nagmamadali ako habang papasok ng isang mall kung saan ko imimeet yung client ng firm namin. Sinulyapan ko yung relo ko at napamura na lang ako. I will be late kung hindi ko mahanap kaagad yung coffee shop dito.
"Tss. Papatayin talaga kita Navarro."
Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa veranda ng mall kung saan nan dun yung coffee shop na sinabi ni Vhong saakin. Siya dapat ang andito at hindi ako pero sa kina swerte ko eh bigla siyang nagkasakit at ako ang pinagmadaling pumunta dito. I didn't even got the chance to check the files na nasa folder kaya wala akong idea sa profile ng client.
"Bahala na. Brasuhin nalang as usual, Vice. Kaya mo yan."
Pagkukumbinse ko sa sarili ko habang palinga-linga sa loob ng shop. Mejo packed sa loob kaya bigla akong nag-alala. Inilabas ko yung phone ko at muling binasa yung message ni Vhong. Andun naman yung number nung client kaya tinawagan ko nalang.
"Doctor Sy? This is Vice po, replacement ni Navarro. Andito na po ako sa coffee shop."
Umpisa ko. Mejo maingay pa ang background nung client at halatang nasa kung saan pa pero sigurado akong wala pa dito. Nakahinga ako ng maluwag bago nag lakad para pumila sa cashier.
"Sorry, I'm running late. Baka after 1 hour pa ako makarating jan. May emergency kasi kanina."
Sabi niya. Mas nakarelax ako ng kaunti dahil kahit papano ay magkakaroon ako ng oras para basahin yung profile niya at makakapag bigay ako ng suggestions na angkop sa taste niya.
"No problem, Doc. See you in an hour."
Sabi ko bago nagpaalam sa kausap at binaba ang tawag. Nag-order ako ng coffee at isang slice ng cheesecake bago naghanap ng mauupuan sa bandang dulo malapit sa glass window ng shop.
Pag-upo ko ay agad kong inilabas yung leather bound na client profile at binasa ang content nun. Half way through the first page ay tinawag na ng barrista yung name ko kaya pumunta muna ako sa claiming area para kunin ang mga yun. Pabalik na ako ng table nung may kumalabit saakin.
"Jose Mari?"
Pamilyar yung boses saakin, parang kakilala ko pero hindi ko maalala kaya nilingon ko siya. Natuon ang mga mata ko sa isang babaeng naka-suot ng three-piece suit na pambabae at maayos na nakapusod ang buhok. For a split second parang huminto ang mundo sa paligid namin.
"J-Jackie? Jackie Gonzaga!?"
Mejo malakas at halatang may excitement sa boses na sabi ko. Ngumiti lang siya bago tinignan yung tray na hawak ko bago sumagot.
"You are here alone? Tamang tama, we can share a table and catch up?"
Nakangiting sabi niya at wala nang ibang nagawa yung katawan ko kundi tumango at magpump ng mas madaming dugo pero second. Nagpaalam siya na oorder lang at dumeretso naman ako sa table na inuukopa ko kanina. Hind ko malaman kung paano ako pupusisyon ng upo na hindi ako magmumukhang tensed o excited.
"Act naturally, Vice. Si Jackie yan. Si Jackie."
Sabi ko sa sarili ko habang hindi ko alam kung paano kunwaring bubuklatin yung magazine na binabasa ko kanina at kung papano ako iinom ng kape sa tasa.
Mas lalo akong hindi mapakali nung mapansin kong papalapit na siya sa table at dala na din ang orders niya. Agad akong tumayo para sana tulungan siya pero umiling siya kaya bumalik nalang ako sa pagkakaupo at inantay na maipatong niya sa table yung mga hawak niya at tuluyan nang umupo sa bakanteng silya sa tapat ko.