Prologue:
Do you believe in true love waits?
What if dumating na sya Unexpectedly?
Are you willing to take the risk of being inlove and broken?
Dahil yung inaakala mong true love sya pala yung taong magiiwan ng malaking sugat sa puso mo
Are you still willing to love again?
Or many years that past sya at sya padin yung tinitibok ng puso mo..
Handa ka bang masaktan ulit ng dahil sa kanya?
Because you think you belong to each other
Chapter 1: Tunnel
Erica POV:
Naalala ko pa nung bata ako yung itinurong way ng pinsan ko na magkakatotoo daw ang mga wish
Flashback
"Ekaiii, alam mo ba sabi nila na kapag dadaan daw yung isang car sa isang tunnel ay pwede ka daw magwish" seryosong sabi sa akin ni Kuya Renz na pinsan ko
"Talaga! Kuya Renz? Saan mo ba yan natutunan? Saka ano naman ang gagawin?" Kunot noo at nagtatakang tanong ko sa kanya
"Narinig ko yun kila Tita Vera dati, ginawa ko na nga yun before eh. Sabi nila hihinga ka daw ng malalim at pipigilan mo yung paghinga mo tapos ipipikit mo din yung mata mo habang dumadaan yung sasakyan sa may tunnel kasunod nun yung gusto mong hilingin" habang seryoso akong nakikinig sa kanya nung pinapaliwanag nya
"Paano naman kapag kinapos ako ng hininga tapos hindi ko kayanin yun anong mangyayari?" nakatitig lang ako sa kanya
"Sabi pag di mo nagawa yun di mo daw matutupad ang wish mo" tumango tango nalang ako kay kuya renz nun
"uhmmn, Kuya Renz ayan na o may madadaan tayo na tunnel malapit na, gusto kong subukan yun" at talagang namang nagreready na ako na huminga ng malalim
"Ok, sige 1 2 3......game" at sabay sabay kaming huminga ng malalim pigil at pikit sabay wish
"Hoooooooo, grabe mauubusan ako ng hininga ah! Konting konti nalang buti nalang umabot Hahaha" ansaya saya ko kasi nagawa ko sya sana lang matupad yung hiniling ko
"Kuya, ano bang winish mo?''tanong ko sa kanya at hinihintay ko yung isasagot nya
"bawal sabihin baka mamaya hindi pa magkatotoo yun eh" Habang nakapikit sya at yung dalawang kamay nya nakalagay sa likod ng ulo nya
"Ah dapat wala nga palang makaalam, hihi Secret din yung akin" natatawa kong sabi sa pinsan ko
End of Flashback
Naiiling nalang akong balikan ang nakaraan na yun I think I was 14 or 15 when I hear that kind of so called wish thing tunnel. Who ever know na every tunnel na madadaanan ko noon yun at yun lang yung winiwish ko na mangyari, yung makilala ko yung lalaking totoong magmamahal sa akin, hanggang sa dumating nga sya ung taong sobra sobra kong minahal when I was 16 pero di ko naman akalain sya at sya rin lang pala yung susugat sa puso ko, na sa kanya ko lang mararanasan yung magmahal at ng masaktan yung inakala taong makakasama mo habang buhay
Its been 5 years the moment I left my country and yet ngayon lang ako babalik,I continue to study my Engineering Course in Canada, dun muna ako nagstay sa Tita Dominique ko na pinsan ni Mommy but after lumipat ako ng ibang tirahan I rent an apartment wherein malapit lang sya sa school kung saan ako pumapasok. I also become a working student, babysitter,mga fast food chain at mga other shops pa kaya even I came from a wealthy family I can stand in my own, i can live independently and I can say I've grown enough and my personality become stronger in that way nakagraduate ako with flying colors as Magna Cum laude of Chemical Engineer. By the way Im Erica Bianca Herrera Mauricio 24 years old and the only daughter of one of the biggest company sa pinas ang MEG better known as Mauricio Empire Group. But even I have a lot of these things Im really hoping just for one thing yung makilala yung perfect person na matagal ko ng hinhintay.
Sa kakaisip ko ng biglang tumunog ang Cp ko ng wala akong kamalay malay
"Kringgggggggggggggggggggggggg" tumunog ang fone ko pero hindi ko naman napansin
"Uhm, Ma'am may tumatawag po sa inyo" bigla ako bumalik sa sarili ko sa sobrang lalim ng iniisip ko
"Salamat Mang kanor" at tinap ko yung Cp ko
"Hello Mommy, I'm on my way na po pero baka dumaan lang ako jan kahit mga 30 minutes, Im really tired kasi Mom eh!" Habang hawak ko ang sintido ko at minamassage ko pa, Blessing kasi today ng bagong restaurant ni Mommy kaso hindi na ako umabot dahil busy sa trabaho dahil kailangan ko maipasa ang requirements na kailangan ng company namin at minove ung schedule so kaya tumapat yung flight ko sa mismong date ng pagpapablessing ng resto ni Mom.
"sige Baby girl ko, I'll see you here ha?pasensya at di ka nanamin nasundo ni Dad ha? Super miss na miss na kita. What time would you able to be here ba?" tanong ni mommy sakin na may paglalambing
"Mom naman eh,Im not baby anymore, ginagawa mo naman akong bata eh wag mo na akong tawagin ng ganyan anlaki ko na kaya" maktol na sagot ko kay mommy akala ata ni mommy elementary days pa ako eh
" tampo ka naman agad sa naglalambing lang naman ako eh saka miss na miss ka na talaga namin ni Dad eh" himig tampong sagot ni mommy sakin naiimagine ko na ang itsura nya ngayon, Paano ba naman tuwing christmas at new year lang kami magkakasama at binibisita lang nila ako canada.
"so anong oras ka nandito? Tanung ni mom habang hawak ko parin ang sintido ko kasi masakit
"mga 1 hour pa po, medyo traffic kasi kanina sa expressway" sagot ko kay mom habang nakapikit ako
" ok , see you in a bit. Take care, Love you" si Mommy talaga kahit kelan sweet
"Opo,Love you too Mom"at inend ko na ang call
Nakamasid lang ako sa paligid at hawak ko parin yung sintido ko habang patuloy ang pagmasahe ko ng makita kong papadaan kami sa tunnel at biglang sumagi sa isip ko na gawin ulit yun. Dahil sa limang taon ako na nawala ay hindi ko na ulit ginawa yun dahil sa mga nakalipas na mga nangyari.
"wala namang masama kung gawin ko ulit yun" pabulong kong sabi sa sarili ko at nangingiti pa ako baka makita pa ako ni Mang Kanor na driver namin sabihin nababaliw pa ako
Dahan dahan akong huminga ng malalim kasabay nun ang pagpigil ko ng hininga ko at pagpikit ng aking mga mata kasabay nun ang paghiling ko na makita ko syang muli kahit yun lang muna.
Muli kong minulat ang mata ko at umaasang magkakatotoo ang mga kahilingan ko pero I never expect na ganun din kadali sagutin ni God ang hiniling ko.Sa pag daan ng sasakyang sinasakyan ko ay pasalubong na pagdating ng isang sasakyan ang nakikita ko pero sunod tingin nalang ang nagawa ko sa gulat ng makita ko sya muli
"Earl" ang huli kong nasambit at madaliang bumaling kay Mang Kanor
"Mang Kanor hinto nyo po sasakyan" alam ko sya yun si Earl yun at hinding hindi ako magkakamali .
Authors note:
Hi Happy first day!
Nagpapaka author kahit trying hard magpaka author.
I dedicate this to my friend Cheri mae D. Sya kasi nagpush sakin na subukan ko, at she said na sya ang unang makabasa well hopefully my dear sisteret ikaw nga unang makabasa nito.
-already miss my cousin tuloy ginagawa kasi namin yan before yang tunnel thing hingang malalim, pigil, pikit sabay wish while nasa Van.
Godbless all :)
BINABASA MO ANG
We Belong
General FictionDo you believe in true love waits? What if dumating na sya Unexpectedly? Are you willing to take the risk of being inlove and broken? Dahil yung inaakala mong true love sya pala yung taong magiiwan ng malaking sugat sa puso mo Are you still willing...