Chapter 5:
Flash back
Pumayag na din akong kumain kasama nung araw na yun wala narin naman akong magagawa kasi kukulitin din nya ako pag hindi din ako pumayag, lumipas ang mga linggong lagi na kaming sabay kumakain sa cafeteria ng school namin kapag sa ganung araw dahil wala naman si Bez para sabayan ako. Habang tumatagal mas nakikilala ko narin si Earl, nalaman ko na isa pala syang Architecture student bali sa likuran ng building namin ang mismong department ng course nya. Isa ring varsity player si Earl ng basketball team ng campus namin at pangalawang beses na syang tinanghal bilang MVP ng team nila, ahead din sya sa akin ng dalawang taon so meaning I'm on my first year while him on his 3rd year na on his course. Balita din na sobrang lapitan din sya ng mga kababaihan sa school, sabagay sobrang gwapo naman kasi ni Earl at sa husya nya maglaro kaya naman napakarami nyang tagahanga.Kaya nga natutuwa ako nung nakilala ko sya kasi nakakilala ako ng gwapo, gentleman at mabait na katulad nya.
Nalaman ko rin na kilala si Earl hindi dahil sa pagiging campus player nya kung hindi kilala sya bilang pangalawang anak ng Beltran Group of Companies pero bukod dun wala na kasi masyadong pribado ang kanilang pamilya. Rumor na din sa school namin na masugid daw syang manliligaw ng isa sa mga campus princess ng school namin na si Corrine Dizon nung mga nakaraan taon pero sa ngayon wala naman akong alam kung patuloy nya padin itong nililigawan, kasi personal na niyang buhay yun at hindi ko naman pinanghihimasukan ang buhay ng isang tao especially kung kakakilala lang namin, kung willing sya magkwento dun nalang ako magiging willing na makinig. Pero masaya lang ako ngayon kasi naging magkaibigan kami.
Lumipas ang mga Linggong hindi ko nakikita si Earl hindi ko narin sya nakikita sa cafeteria at nakakasabay, wala naman ako mapagtanungan kasi wala naman akong kakilala sa building nila at wala din ako number nya, sabagay wala naman ako magagawa kaya hinayaan ko nalang. Isang umaga natanghalian ako ng gising kasi tinapos ko pa yung iprepresent ko sa klase namin, kaya madalian akong nagayos at pumasok na ng school. Nalate ata ako ng 5 minutes pero hindi naman nagalit ung Prof namin kasi hindi pa naman ako ang mag prepresent ng report ko. Makalipas ang 30 minuto naghanda na ako kasi ako na ang susunod magreport may magaassist na isang kaklase ko dahil powerpoint yung ginawa ko so sya nalang taga lipat ng slides ko habang ineexplain ko ung magiging topic ko.
"Armhel, eto nga pala yung Flash drive na gagamitin ko, bali ung ENGINEER na nakalagay yun ung presentation ko, salamat" pagpapaliwanag ko sa kaklase ko tumango nalang sya sa akin
Maguumpisa na ako ng report ko" Goodmorning everyone I'm going to discuss about
The American Institute of Chemical Engineers (AIChE)wherein it is a professional organization for chemical engineers. AIChE was established in 1908 with the purpose of establishing chemical engineers as a profession independent from chemist and mechanical engineers." Tuloy tuloy kong sabi pero natigil naman kasi hindi pa pala nagpplay ang powerpoint ko kasi kakalagay lang ng USB sa laptop." As I said awhile ago is about AICHE" pero nagulat nalang ang mga kaklase ko tapos nagbulong bulungan sila dahil iba ang lumabas sa powerpoint
"IF I WOULD BE BATMAN, SPIDER MAN OR SUPERMAN WOULD YOU BE ABLE TO BE MY WOMAN?IF I WILL ABLE TO COURT YOU RIGHT HERE AND RIGHT NOW WILL YOU ALLOW ME? WOULD YOU DARE TO FALL INLOVE WITH ME IN TIME? JUST GIVE ME A CHANCE TO PROVED IT AND I WILL DO ANYTHING FOR YOU MY ERICA BIANCA HERRERA MAURICIO. BY NOW LETS TAKE IT SLOW MY DEAR LOVE MR.UNKNOWN " gulat na gulat ako habang binabasa ko yan hindi ko na natanung si Armhel dahil sa pagkagulat ko, kaya pinaalis ko nalang agad kay armhel yun at tinuloy ko nalang pagrereport ko habang inayos ko sa laptop kung ano talaga ang irereport ko, at saka ko nalang itatanong kay armhel kung saan nya yun nakuha kanina.
Nang matapos ako magreport agad ako na lumapit kay Armhel, nagsisilabasan na din naman yung ibang mga kaklase ko pero kanina kung pagbulungan nila ako kanina akala mo wala ng bukas
"uy, Armhel bakit may lumabas na ganun sa report ko kanina" pagtatanung ko sa kanya
" Ah Erica hindi ko din alam sabi kasi ng bez mo daw e babae, pinaabot kasi saakin yun USB na yan bago ako pumasok nalate kasi ako at sabi sa akin na yan muna yung iopen ko before ng iprepresent mo kasi andyan daw yung fron ng iprepresent mo, eh sinunod ko nalang tapos at yun na ang lumabaas" pagpapaliwanag nya sa akin
"Ah ganun ba? O sige salamat pala ah, tatanungin ko nalang yung bez ko kung ano ang alam nya tungkol dito, nasayo pa ba ang mga flash drive? Pwede ko bang kunin yun?'' sabi ko sa kanya at sandali nyang hinanap at binigay nya sa akin
Lumabas na ako ng room namin para pumunta sa susunod kong klase pero may natitira pa akong oras kaya naisipan ko munang pumunta ng CR para makapagayos na din ako ng sarili, bago pa ako makarating ng CR ay malayo palang kita ko na ang kumpulan ng mga tao na nandoon sa paligid nun, ewan ko ba bat ako nacurious bigla normally kasi pag ganung pagkakataon hindi na ako nakikisiksik sa mga tao na nandoon, kaya agad ako pumunta at naririnig ko yung mga babaeng nagbubulungan
"grabe ang sweet naman nun" sabi ni girl1
"i wish ako din may ganun, inggit much te" sabi ni girl 2 na kinikilig pa
"pamysterious effect pa nga eh so kilig, gwapo kaya sya? Sana naman para di sayang yung ganyang effort diba? Swerte naman nung girl na pinagaalayan nun, EBHM ata eh" rinig kong sabi ni girl 3 kaya naman dali dali akong nakipagsiksikan para makita lang kung anu yung pinaguusapan nila kasi kinukutuban na talaga ako. At kitang kita ng dalawa kong mata kong ano ang nakasulat dun at kung gaano ka effort ang gumawa nun, hanggang ngayon di naman ako makapaniwala na may mga taong palang ganun mag effort,grabe di ako maka get over deep inside kinikilig na talaga ako, pinagtataka ko lang kung sino talaga sya.
Authors note:
It was really tiring day with my friends and happy one
Bukas work work na ulit, sabi ko hindi ako maguupdate ngayon pero di ko mapigilan baka kasi di ko na masulat ung mga naiisip ko kasi baka makalimutan ko na agad.
Have a goodnight everyone! Try ko magupdatebukas pag hindi ako pagod di ko pa kasi natatapos ung C6.
Godbless <3 :)
BINABASA MO ANG
We Belong
General FictionDo you believe in true love waits? What if dumating na sya Unexpectedly? Are you willing to take the risk of being inlove and broken? Dahil yung inaakala mong true love sya pala yung taong magiiwan ng malaking sugat sa puso mo Are you still willing...