Chapter 2:
Erica POV:
Nang maihinto na ni Mang Kanor ang sasakyan
''Ah Ma'am my problema po ba?" tanung nya sa akin
"Ah wala Mang Kanor sige ituloy nyo nalang po ulit ang pagmamaneho" pero bakas sa mukha ko ang pagkalungkot.
Sino ba naman kasing di malulungkot na makikita mo yung unang taong minahal mo sa hindi inaasahang pagkakataon,limang taon na din ang nakalipas ngayon ko lang ulit sya nakita si Earl ang kauna unahan at huling lalaking minahal ko. Isang Earl Lawrence Beltran ang nagiisang tao na sobra kong minahal. Sa kakaisip ko di ko inaasahan na 30 minuto na din ang lumipas at ngayon nandito na kami sa harapan ng Resto ni Mommy na pinangalanan nyang EB restaurant which is EB dahil sa pangalan ko na Erica Bianca, hindi narin siguro ako magtataka kasi nagiisang anak lang nila ako saka alam ko na din kong gaano ako kamahal ng mga magulang ko.
Pagkababa ko ng sasakyan" Mang Kanor pwede po bang pakiuwi nalang mga gamit ko? Tapos daanan nyo nalang po ako after 1 hour, para makapagpahinga din po ako" sabi ko sa kanya ngiti at tango nalang ang tanging naisagot nya sa akin.
Papasok na ako sa resto ng bumungad sa akin kung sino ang mga nandun, kulang nalang sila lolo at lola pwede na kami mag reunion dumating kasi mga pinsan, tito at tita ko. Bumungad sa akin si Tita Venus at Tito Kevin sila ang parents ng mga pinsan kong si Kuya renz at ang kambal na sila Railey at Raffy, si Tito Kevin ang kapatid ni Dad na mas bata sa kanya ng 3 taon. Nang tuluyan naman akong nakapasok nakita ko naman si Tita Bernadeth at si Tito Kenneth ang parents naman ni Kuya Alexis at Adrian, si Tita Bernadeth ang kapatid ni mom mas matanda sa kanya ng 2 taon. Parehas lang na may tigisang kapatid si Mom and Dad. Nang nasa kalagitnaan na ako ng resto dun ko na nakita si Mom
"Mom'' nangingiting sabi ko sabay yakap sa kanya ng super higpit at halik sa pisngi nya kasunod nun si dad naman "Dad" at kagaya kay Mom niyakap ko din siya ng mahigpit
"Sayang naman at hindi ko naabutan ang ribbon cutting" nanghihinyang na sambit ko
"ok lang yun Baby, ang mahalaga nakarating ka parin" nangingiting sabi ni Mom
"Moooom!! Naman" nahihiyang sabi ko kasi naman Baby daw eh ang dami kayang tao baka marinig pa sabihin binibeybi pa ako ng parents ko
"Yuhoooooo, nandito na pala ang napaka gandang mahal na Prinsesa" sigaw ng nasa may likuran ko na may hawak ng basong white wine at sa pagharap ko
" Kuya Renz" sabay halik at yakap ang ginawa ko
"Namiss ka namin Ekaiii, sobra" natutuwang sabi nya sakin, paano ba naman si kuya Renz ang pinakaclose ko sa lahat ng mga pinsan ko dahil siguro ako ang pinaka bata at sya naman ang pinaka matanda tapos ako lang ang nagiisang babae sa pamilya kaya hindi lang pinsan ang meron ako nagkaroon din ako ng kapatid.
"so kamusta ka naman sa Canada, balita ko sikat na inhenyero ka dun ah? At balita ko rin daming umaaligid sayo dun ah, madami ka talagang nabibighani" sabay ngiti at kindat na sabi nya sa akin
"Kuyaaaaa, ikaw talaga" sabay tusok ko sa tagiliran nya
" Haha sa bagay sa Genes yan kuya alam mo naman ang bloodline natin matinik, saka kelan ka ba nagkaroon ng kapatid na pangit ha? Saka ikaw nga andami mo kayang manliligaw dati diba diba? Haha babae nanaliligaw" mapangasar na tudyo ko sa kanya paano habulin kaasi si ng mga kababaihan sa school namin bali highschool coonnected to college yung school namin, saka dati naalala ko pa nga na maraming sumusulat sa kanya minsan pinapaabot pa sa akin kasi akala nila magkapatid talaga kami eh
" Haha Mahal na Prinsesa, shhh baka marinig ka ng mahal na reyna" bumubulong nyang sabi sa akin at natatawang umakbay sya sa akin dahil maririnig sya ni Atasha ang asawa nya at 6 na buwan na din itong nagdadalang tao so meaning malapit na akong maging Tita.
"Renz, paupuin mo na nga si Erica ng makakain na din" sabi ni Mommy kay Kuya Renz
"Mommy B, dont worry ako ng bahala dito sa ating Prinsesita" sabi ni Kuya Renz
Bumati muna ako sa mga bisita hanggang sa tuluyan na akong umupo sa table kung saan nandoon ang mga pinsan kong si Alexis , si Adrian naman kasama ang Girlfriend nitong si Chloe sa kabilang side ng table andun din ang pinsang kong kambal na si Railey at Raffy kasama din nya ang girlfriend nyang si Tanya at sa pagkakaalam ko nagbabalak na silang magpakasal.Pagkatapos ko silang pagyayakapin at paghahalikan sa pisngi ay kumuha na ako ng makakain ko.Habang kumakain patuloy parin ang kwentuhan namin ng mga pinsan ko.
"Ekaii, anong plano mo ngayong nasa pinas ka na?" tanong nya sakin habang kumakain sya ng dessert
"Ah Kuya sa ngayon on leave ako ng two months sa work ko sa Calgary, pero nung bago kasi ako umalis sabi ni Dad pwede naman na daw ako nasa mga new Client natin" Sabi nya sa akin.
Renz Railey at Raffy are working in MEG kasi ang Dad nila ang President ng Company while my Dad is the CEO then si Kuya Renz ang candidate for Vice president ng Company habang sina Railey at Raffy naman is on Managerial position sa magkaibang department. Bali yung Meg ay isang real state company wherein we sell condominium, apartments, House and lot and also you can avail an engineer and architect if you want to discuss all your plans sa mga gusto mong desenyo na bahay na ipapagawa mostly mga buidlings, syempre di lang yan dahil marami namang ibatibang offer ang company. We have 6 branches 1 sa manila at yun din yung Main branch 1 sa Subic bay kung saan malapit sa bahay namin, may 1 sa cebu at 1 sa iloilo at 1 Gensan at 1Davao. Sa ngayon pinagiisipan ko padin ang offer ni Dad na magtrabaho sa company why not naman saka makakapagadjust din nman ako kaagad, saka para makasanayan ko narin ang pagpapatakbo ng kumpanya namin later wala naman ibang magmamanage nito kung hindi ako rin naman
Nakalipas din ang isang oras at tuluyan na akong nagpaalam sa kanila dala narin ng pagod sa byahe kaya kailangan ko na talagang magpahinga sa susunod na mga araw ko nalang sila papasyalan sa mga bahay at condo nila. Nang makauwi ako ng bahay agad akong naligo tapos nagblower ako ng buhok at tuluyan na din akong nagpahinga. Dahil bukas dadalawin ko ang bestfriend ko.
Authors note:
Second day!
Dahil akoy nabadtrip sa sobrang work dito ko nalang dinaanan ung inis ko napaaupdate ako bigla. Thanks sa pakikinig sa pagod ko ngayong araw.
Natutuyo ang utak ko kaya nahihirapan ako kung ano ang iuupdate ko, pasensya na kayo till next update ko :) try ko gumawa ng C3 tonight.
Godbless all :)
BINABASA MO ANG
We Belong
General FictionDo you believe in true love waits? What if dumating na sya Unexpectedly? Are you willing to take the risk of being inlove and broken? Dahil yung inaakala mong true love sya pala yung taong magiiwan ng malaking sugat sa puso mo Are you still willing...