Chapter 3:
Kinaumagahan nagising nalang ako sa sikat ng araw dahil sobrang taas na, ng tinignan ko ang wall clock ko alas diyes na pala ng umaga. Nagising kasi ako ng bandang alas onse ng gabi kasi nagutom ako tapos nahirapan akong bumalik para matulog mga alas 3 na ata ng madaling araw ng nakatulog ako. Ngayong araw balak kong bisitahin ang bestfriend kong si Cheri Hernandez actually invited sya sa Blessing ng resto ni Mom kaso on call duty kasi sya sa Hospital na pinagtratrabahuhan nya at isa rin syang Resident Doctor sa Ospital na yun 2 taon pa at tuluyan na syang magiging ganap na doctor.
Kinusot kusot ko ang mga mata ko saka nagstretch ng kamay ko bago bumangon ng biglang tumunog ang Cp ko
"Bezzzzzzzzzyyyyyy, yuhoo. Gising ka na ba? Anong oras ka pupunta dito? Gusto mo sa mall nalang tayo kita para di ka na dumaan sa bahay?"sabi nya sa telepono
"Bezzy goodmorning saktong kakagising ko lang eh siguro mga 11:30 nalang tayo magkita kung gusto mo,ok lang sakin sa mall tayo magkita pero gusto ko rin kasi sana magpakita kila nanay at tatay" sagot ko sa kanya, nakasanayan ko na kasi nanay at tatay ang tawag ko sa magulang nya sabi kaasi nila hindi na daw ako iba sa kanila, kaya si bezzy nakiki mommy at daddy sa parents ko tutal daw only daughter lang naman daw ako eh
" No problem nasabi ko na sa kanila na sa susunod nalang kayo magkita hehe kasi kako magdadate tayo kaya ako muna for today, saka dont forget yung pasalubong ko ah? I cant wait na makita kung anu man yan, Saka chocolates nadin bezzy at dagdagan mo" natatawang sabi nya
"Sureness Bez kaw pa lakas mo sakin" isang pair lang ng MK wallet at MK bag ang regalo ko sa kanya kasi alam kong collection nya yun at talagang pinili ko yung wala pa sya nun
"oh sya magaayos na ako text kita pag alis na ako ng bahay, ok ciao" tuluyan na akong bumangon at diretso sa banyo para maligo at magayos
Nandito na kami sa harap ng mall na pagtatagpuan namin 11:45 nadin ng halos magkita kaming dalawa
"Bez anung gusto mong gawin natin ngayon?" tanung nya sa akin
"Nagbreakfast ka na ba?Hindi pa kasi ako kumakain, gusto mo kain muna tayo bago tayo maglibot" habang nakakawit ang kamay ko sa braso nya
"Wala pa din laman ang tyan ko, sige saan mo ba gusto kumain?" tanung ko sa kanya
"Uhmmmnn dating nalang tayo" lagi kasi kami nag rock paper scissor, yun kasi deal namin na kapag ako panalo sa MCDO kami kakain pag sya ang panalo sa Jolibee naman kami kakain at kapag parehas naman kami no choice pero sa paborito naming KFC kami kakain, normally kumakain kami sa ibang Fastfood chain or mga restaurant pag me mga kasama pero kapag kaming dalawa lang talaga eh ganito lagi ang trip namin
"ok in the count of one two three..."sabay naming sabi
" Tsk! Parehas rock, hahah lets gonna rock KFC" natatawang sabi nya at sabay na apir namin
Habang umoorder ako sya naman ang naghanap ng mauupuan namin dalawa, inorder ko ung lagi namin kinakain na isang Bucket ng chicken na puro hot wings at two large cola at two large fries. Nang nakaorder na ako nagsimula na din kaming kumain pero naghugas na muna kami ng kamay kasi mas masarap pag hawak ang chicken habang kumakain
"Bez nakita ko sya" habang tuloy sa pagkain ang bez ko at bigla nalang sya natigilan
"Sino si E?" kasunod nun ang pagtango ko
BINABASA MO ANG
We Belong
General FictionDo you believe in true love waits? What if dumating na sya Unexpectedly? Are you willing to take the risk of being inlove and broken? Dahil yung inaakala mong true love sya pala yung taong magiiwan ng malaking sugat sa puso mo Are you still willing...