Official

15 1 0
                                    

Chapter 8

Akala ko sa Tree top Adventure kami pupunta ayun pala may dinaanan lang sya sa cousin nya doon, sayang akala ko pa naman makakapag zipline na kami or rapelling.Pinagpatuloy nya ulit ang pagdrive ng makarating kami sa lugar, sa tabing dagat kami pumunta pero kaming dalawa lang ang nandoon sabi nya sa akin personal property daw yun ng tito nya kaya nakiusap sya na mahiram kahit 1 day lang.

Habang papasok kami sa loob kita ko na ang napakagandang view white sand plus blue sea talaga saka napakaclear talaga ng tubig dagat.

Malapit sa dalampasigan ay may lamesa na may mga nakahandang pagkain ang nandoon, binigyan nya din ako ng 1 bouquet of red roses kaya naman naninibago ako usually kasi mga white ang binibigay nya.

"Para sayo love" abot nya sa akin ng mga bulaklak

"Hindi naman na kailangan ng ganito eh" nahihiyang sabi ko sa kanya

"Love nman, basta para sayo kahit ano ibibigay ko" habang titig at nakangiti sa akin habang binabanggit nya yun

"Lika na kumain na tayo at baka lumamig pa ang pagkain" hahaha kakaiba din tong mister na to 9 am kumakain ng heavy meal, accepted na to pwede na ding brunch. At pagkatapos patuloy lang kami kumain. Nang matapos na kami kumain

" Love lakad lakad tayo sa Dalampasigan, ok lang ba sayo?" habang hawak ang kamay ko na hinihila nya ako para dalahin sa dagat

"Gusto mo bang buhatin kita love" pano ba naman kasi sa sobrang busog ko tinatamad na ako maglakad

"Ahhhhhhhhhhh----- baba mo na ako maglalakad na ako ng maayos" sigaw kong sabi sa kanya at ng maayos na ang paglakad ko ay agad nya akong inakbayan. May Dala din kaming sapin para incase na gusto namin maupo sa tabing dagat ay may mauupuaan kami, habang naglalakad kami may nakita akong banner na lumilipad hindi ko matanaw ang nakasulat kasi masyadong malayo pero nakalagay sya sa pinaggitnaan ng 2 bangkang de motor para mabasa ung nakalagay doon, ng papalapit na ang bangkang de motor saka ko palang nakita kung ano ang nakalagay dun.

"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND, MY WIFE AND MY FOREVER ERICA BIANCA HERRERA MAURICIO?"Ang pagkakabasa ko sa banner na yun at sa palibot nun ay puro balloon, sa sobrang saya ko naiyak nalang ako, naiiyak ako sa tuwa

"Love, oh--- sh*t bakit umiiyak ka?? Ow sorry ayaw mo ba ng ganito" habang pinapatahan nya ako

"Ikaw kasi eh, Oo na"patuloy parin akong umiiyak at bigla nya akong niyakap

"ah sorry na love di na to mauulit" habang hinihimas nya ang likod ko

"oo na nga eh" ulit kong sagot sa kanya

"oo na as in tayo na love?" inalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan ako sa mata tapos tumango nalang ako sa kanya

"Yuhooooooooooo, Kami na  as in kami na, I love you love so much" sabay halik sa pisngi ko at yakap nya ng mahigpit

"I love you too L---ovee" pabulong kong sabi pero narinig nya naman yun

"anu yun love" pagpapaulit nya sa akin tipong akala mo di naman narinig

"Hmp! Ang bingi mo naman" nagtatampong sabi ko

"anu nga yun love, please?" aba nagpout pa, pero ang cute nya pala pag nakapout

"I LOVE YOU TOO LOVE" sigaw ko sa kanya at bigla nya akong binuhat at panay sabi ng Ilove you

Maghapon din kami naligo sa dagat buti nalang at hindi masyadong mainit kaya nagbabad kami sa tubig. Kumain muna kami bago umuwi, hinatid nya narin ako sa village namin pero hindi sa bahay namin, hindi pa kasi alam ng parents ko kako pag handa na ako sabihin papakilala ko sya alam nya rin kasi ang sitwasyon na nagiiisa akong anak eh, pero sya nextweek or nextnextweek plano nya na akong pakilala sa family nya.

We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon