Chapter 4

17 0 0
                                    

salamat po sa mga nag abalang napadaan at nagbasa nito.... ^_^

IRIS

"arrrgghh" ungot ko sabay hawak sa ulo ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa malambot na kama.

"God! I swear hindi na talaga ako iinom ng mga wine." himutok ko pa.

Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at akmang tatayo na sana ng marealize kong hindi pala ito ang kwarto ko. Biglang lumaki ang mga mata ko ng mapagmasdan ko ang palibot kung nasaan ako ngayon.

" Aarrgghh!, What is happening? Where am I? Obviously hindi ko to kwarto!" panic mode ko. Mas lalo atang sumakit ang ulo ko kakaisip kung nasaan ako. And what frustrate me more, eh yung itsura ng kwarto.
It's a men's room. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tiningnan ang itsura ko. Wala namang nagyaring kakaiba sa akin. I still wear my dress, I wore last night pero medyo may mga mantsa at dumi na dito.

Wala akong matandaan kung paano akong napunta dito. All I remember was I was talking to my lolo on phone nung umalis ako mula sa loob ng party. I know I'm a little bit drunk already dahil hindi naman ako sanay uminom. Ang nasa isip ko lang kagabi ay ang lumayo sa pamilya at kapatid ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako sa katotohanang hindi nila ako kayang ituring bilang kapamilya nila.

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. And then I saw an antique wall clock na nakadisplay malapit sa isa pang pinto na sa tingin ko ay CR.

"It's already 11:45am??!! What the hell. Napahimbing yata masyado ang tulog ko." mahabang litanya ko pa sa sarili ko.

Mas lalo namang lumaki ang mga mata ko ng mapansin ko ang litrato na nakalagay sa side table malapit sa kama. Napasinghap ako at di makapaniwala. Litrato yun ni Zach na kasama ang mama at papa nito.

Kwarto to ni Zach?!! Oh my god anong ginagawa ko dito? Siya ba ang nagdala sa akin dito? Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil sa pagkagulat. Then suddenly it hit me. Biglang pumasok sa isip ko ang ala alang nangyari kagabi. After ng tawag ko kay lolo ay tinawagan ko naman ang bestfriend ko pero hindi ko siya ma contact. Kaya naisipan kong maghanap ng taxi pauwi. Hindi ko na din inabala pa si lolo.

Habang nag hahanap ako ng masasakyan may dalawang ungas na pilit akong hina harass. Dahil sa takot ko ay tumakbo na ako. At dahil na din sa katatakbo at taranta ko ay inalis ko na ang heel ko at tumakbong nakayapak.

Pero sa malas ko ay naabutan pa din ako ng dalawang kumag na yon. Pilit nila akong isinasama sa kanila. Masama na din ang pakiramdam ko nung time na yun dahil sa nainom ko.

Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nila sa akin. Alam ko ding may balak silang masama sa akin kaya natakot na ako. Nakiusap ako sa kanila nung una pero hindi nila ako pinapansin. Pilit nila ding hinuhubad ang suot kong dress kaya nagsisigaw na ako sa takot na nararamdaman ko. Hindi ko sila kayang labanan dahil dalawa sila.

Napaiyak na ako sa sobrang takot ko nung mga oras na yon. Dininig naman agad ni God ang panalangin ko dahil nung nagsisi-sigaw ako ay may nakarinig at tumulong sa akin. At nung makita ko na si Zach pala yun ay nabuhayan ako ng lakas ng loob. Thank god at siya ang nakakita sa akin kahit hindi ako makapaniwala.

Nakita kong sinugod ni Zach ng mga suntok niya ang dalawang lalaki. Pero hindi pa din nawawala ang takot at kaba ko kaya hindi ako tumitigil sa pag iyak at napasalampak na lang ako sa lupa dahil nanghihina na din ako.

Hangang sa tuluyan niya nang napaalis ang dalawang lalaki na nangha-harass sa akin. Agad niya naman akong nilapitan at kinausap. Pero hindi ko na matandaan ang mga sinabi niya. Ang naaalala ko na lang ay nagpasalamat ako sa kanya at pagkatapos nakaramdam ako ng pagkahilo at iyon nawalan na ako ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beneath Your BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon