Chloe's POV:
Grabe. Excited na talaga ko para sa js prom. Hmm... Ano kaya dito ang maganda? Ito kayang kulay pink? Eh itong kulay purple? Itong baby blue kaya? Ah... Itong kulay white...
"Friend, js prom ang pupuntahan mo, hindi ka magni-ninang sa kasal!"
Hay nako. Ito talagang si Bianca, ang hilig manira ng moment.
"Oh, ito ang isukat mo."
Hmmm... Kulay baby blue. In fairness, ayos din ang taste nitong si Bianca pagdating sa mga ganitong bagay.
"Ayan Friend! Bagay na bagay sayo!"
"Talaga, Friend?"
"Oo naman! Basta fashion ang pinag-uusapan, alam mo naman ako... Never pakong pumalya!"
See? Basta fashion ang pinag-uusapan, si Bianca ang bahala dyan.
"Friend, mas maganda siguro kung itotodo na natin ang pagpapaganda mo para sa prom na yan."
"Ha? What do you mean?"
Kung makatingin naman sakin tong si Bianca, parang ipa-plastic surgery ako!
"What if, imbis na mag eyeglasses ka eh mag contact lense ka nalang?"
"Ano?!"
"Yes! And yang braces mo, wala ka na bang balak ipatanggal yan?"
"Ha? Sabi ng dentist ko, hindi pa pwede e..."
"Ah i see... May invisble braces naman e. Yang hair mo Friend... Parang alambre lang oh! Ipa-rebond natin yan! Tsaka Friend! Yang mga kuko mo! Nakatikim na ba ng manicure and pedicure yan?"
Grabe talaga tong si Bianca! Ang dami talagang alam pagdating sa ka-kikayan!
"Alam mo Friend, thanks nalang ha? Pero wala akong balak na baguhin ang itsura ko. Pag nawala tong eyeglasses ko, itong braces ko, itong super unique kong buhok at itong mga simpleng kuko ko? Friend... Hindi na ako yun!"
"Ano ka ba Friend! Itsura mo lang naman ang babaguhin natin e, hindi yung personality mo! Ayaw mo non? For sure, matutuwa si Raffy pag nakita niyang ibang iba kana!"
"Bianca... Naging boyfriend ko si Raffy na ganito ang itsura ko... Ang ibig sabihin non, minahal niya ko dahil sa itsura ko..."
"Sa bagay, may point ka naman don..."
May point talaga ako don! Iba si Raffy kaysa sa ibang mga lalaki. Sure na sure ako don! Gwapo siya, pero mabait. Kasali siya sa soccer team ng school namin. Sikat na sikat siya, at ang daming pretty girls na nagkakagusto sa kanya. Well, sorry nalang sila kasi, hindi naman after si Raffy sa looks. Mas gusto niya yung simple, mabait and smart.
"Teka nga pala Friend, ano ba ang usapan niyo ni Raffy? Susunduin ka ba niya?"
Oh my God! Hindi pa nga pala kami nag-uusap ni Raffy tungkol sa js prom!
"Hindi pa kami nakakapag-usap e. Pero malamang, susunduin niya ko."
"Ha? Naku Friend ha! Bakit ganon? Dapat ngayon palang, may plano na kayo! Kausapin mo na agad. Baka mamaya, magkaron ng ibang plano yan, sige ka. Baka mapanis ka ng kakahintay ng pagsundo sayo ni Raffy sa bahay niyo!"
Ang OA naman nitong si Bianca oh!
"Ok fine! Teka... Sa tingin mo, ok na tong kulay baby blue na gown para sakin?"
BINABASA MO ANG
Next To You
Teen FictionIn love na in love si Chloe kay Raffy noong highschool palang sila. Napalitan ng galit ang pagka in love niya kay Raffy nang may hindi magandang nangyari noong JS prom nila. Naka-graduate na sila ng college nang muli silang magkita. Simula nang magk...