chapter 03

23 1 0
                                    

Chloe's POV:

Nakakaasar!!! Sa dinami-dami naman ng pwede kong makita sa araw na to, yun pa ang nakita ko. Ang ganda-ganda ng araw ko, biglang nasira nang dahil lang sa lalaki na yon. Sino ba naman ang mag-aakala na ang cute na cute kong pupil e kapatid pala ng pinakasusumpa kong lalaki. Michaela Salas... Michael Raphael Salas... Bakit ba hindi ko naisip agad yun. Ang nakakatawa pa, hindi niya ko nakilala? Sa bagay... Hindi naman ako importanteng tao para maalala niya. Pero ako, hinding hindi ko siya makakalimutan, hindi dahil importante siya, pero dahil may atraso siya sakin. Sana, hindi na maulit yung kanina. Sana, hindi ko na siya makita ulit... Ever!

Shocks! 14 missed calls... Tumatawag pala si Marc. Badtrip naman kasi yung lalaking yun e, hindi ko tuloy namalayan ang pagvibrate ng phone ko. Matawagan na nga lang.

"Hello Marc?"

"Hello..."

"Sorry ha? Hindi ko napapansin kanina yung tawag mo. Nasa school pa kasi ako non kanina."

"Ok lang."

"Bakit ka nga pala tumawag kanina?"

"Wala lang. Namiss lang kita..."

Ano ba yan. Kinikilig ako ha.

"Talaga? Ikaw rin, miss ko na. Gusto mo, magdinner tayo mamaya?"

"Gusto ko sana... Kaso, ang dami ko pang tatapusin e..."

"Ganun ba? Sige, next time nalang."

"Ok..."

"Sige na, ituloy mo na yung ginagawa mo para matapos kana..."

"Sige... I love you!"

"I love you too!"

Awww... Ang sweet no? Boyfriend ko yon, si Marc. My first boyfriend, and sana siya na rin yung last. Yes, siya talaga ang first boyfriend ko. Si Raffy ba? Hindi ko naman cino-consider yon e. Kalokohan lang naman para sa kanya yon, edi kalokohan lang din yon para sakin!

I'm done with my lesson plan for tomorrow. Hmmm... Masyado pang maaga para matulog. Ano kaya ang magawa? Ah... Si Marc... Matawagan nga.

"Hello Marc?"

"Chloe..."

"Kamusta?"

"Ok lang. Ito, marami pa ring dapat tapusin... Ikaw? Kamusta?"

Kawawa naman si Marc. Nakakainis naman yung boss niya. Lagi nalang siyang tinatambakan ng trabaho.

"Ok lang din. Kakatapos ko lang gumawa ng lesson plan para bukas... Miss na kita..."

"Ikaw din... Sorry kung lately di tayo masyadong nakakapagkita ha? Ang dami kasing pinapagawa ng boss ko e..."

"Ok lang yun. Basta pag maluwag na ang time mo, labas naman tayo... Ok?"

"Oo naman... Promise, babawi ako sayo."

"Sige na. Ituloy mo na yang ginagawa mo... Bye... I love you!"

"I love you too!"

Hay... Kung may alam lang sana ko sa trabaho ni Marc, tutulungan ko siya para hindi na niya kailangang magpuyat at mahirapan ng ganito. Naiinis talaga ako sa boss niya. Hmp! Ang aga pa... Sino pa ba ang pwede kong maka-telebabad? Ah! Si Bianca.

Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon