chapter 04

14 1 0
                                    

Chloe's POV:

Hay! Mukhang wala nakong magagawa. Hindi ko na talaga maiiwasang makita araw araw yung lalaking yun!

"Teacher!"

"Kyla..."

"Halika na po sa labas!"

Gaya nalang nito. Kapatid siya ni Kyla... Siya na ang araw araw na naghahatid at sumusundo kay Kyla. Pilitin ko man na taguan yon e makikita't makikita ko pa rin yon. Hahayaan ko na nga lang. Magsasawa din yon.

"Ok... Tara na sa labas! Baka hinihintay ka na ng sundo mo."

"Ok po Teacher!"

As expected. Ayan na nga siya. Kaasar! 

"Hi Teacher Chloe!"

Irap lang ang isinagot ko sa kanya. Nakakainis talaga!

"Ok Kyla, ayan na pala ang sundo mo. Ingat pauwi ha. Ba-bye!"

"Ba-bye po!"

Makaalis na nga rin para hindi na madagdagan ang pagkabwisit ko.

"Ah... Sandali lang."

Ano ba yan! Aalis na lang ako e may pahabol pa to.

"Bakit ba?!"

"Ang sungit mo naman... Gusto lang kitang makausap..."

"Gusto mo akong makausap?! Ano naman ang pag-uusapan natin?"

Tinignan niya si Kyla. 

"Kyla... Mauna kana sa kotse ha? May pag-uusapan lang kami ni Teacher..."

"Ok..."

Aba. Ganon ba ka-confidential ang pag-uusapan namin at kailangan pang paalisin si Kyla?!

"Ano ba ang sasabihin mo? Pakibilisan, nagmamadali ako."

"Uhm... Teacher... Gaano katagal mo na bang boyfriend yung Marc na yon?"

Teka... Ano to? Talk show tungkol sa lovelife?!"

"At bakit?! Anong pakialam mo?!"

"Kilala ko kasi yung boyfriend mo e. Teacher Chloe... Hindi lang ikaw ang girlfriend niya. Tinu-two-time ka niya..."

Sobra na to ah. Kailangan talaga niyang manira?

"Mr. Salas, ang kapal naman ng mukha mo! Masama ang manira, alam mo ba yon?!"

"Pero hindi ako naninira... Nagsasabi ako ng totoo..."

"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa to sakin, pero pwede ba, tigilan mo nako. Nag-aaksaya ka lang ng oras. Wala kang mapapala!"

Ano ang kasunod? Ano pa nga ba? Edi nag walkout ako! Hindi ko na inantay na makapagsalita siya ulit, baka masampal ko lang e. Hay! Parang nagpapalpitate ako ah... Sobra naman siya, pati ba naman si Marc, gusto pa niyang siraan. 

"Chloe?"

Hay... Speaking of my hero...

"Are you ok?"

"Marc... Oo naman, ok lang ako."

"Are you sure? Parang badtrip ka eh..."

Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon