chapter 02

24 1 0
                                    

Raffy's POV:

Huh? Nasan ba ko? Kwarto ko ba to? Tama... Kwarto ko nga to. Anong oras na ba? Oh sh*t! 6:30 na! 7:00 ang pasok ko! Ay teka... Sabado nga pala, wala akong pasok. Aray! Ang sakit ng ulo ko... Ano ba ang nangyari? Oo nga pala... Nasa bar ako kagabi. Naparami yata ang inom ko ah. Grabe. Paano kaya ako nakauwi dito? Teka... Nagva-vibrate ang phone ko.

"H-h-hello?"

"Hoy Raffy!"

"Derek..."

"Ano? Buhay kapa?"

"Ano ba namang tanong yan?! Malamang, kausap mo nga ako e diba?"

"Naninigurado lang. Parang mamamatay kana kagabi eh."

"Tsss... Adik!"

"Pare, wag mo nang uulitin yung kagabi ha? Lahat ng katabi ko sa fx kagabi, nakatakip ang ilong!"

Ano naman kaya ang pinagsasabi nito?

"Ano? Bakit naman?"

"Hindi mo alam?"

Malamang, kaya nga nagtatanong ako e.

"Sinukahap mo ko Pare!"

Pucha! Sinukahan ko pala si Derek kagabi. Tae, di ko ma-imagine! Natatawa ako!

"Hoy! Wag kang tumawa dyan! Pinahirapan mo ko ah!"

"Sorry Pare! Wala ako sa sarili ko kagabi e."

"Oh e ngayon? Ayos kana ba?"

"Hmmm... Ayos lang! Tara, gimik tayo mamaya?"

"Nako, wag na! Dyan ka nalang sa inyo. Baka mamaya, malasing ka na naman, sukahan mo pa ko."

"Hay! Pambihira ka naman oh! Sige na nga, wag na! Sa bagay, masakit pa ang ulo ko. Hihilata nalang ako dito maghapon!"

"Mabuti pa nga. O siya. Chineck ko lang naman kung nakauwi ka ng maayos e."

"Naks Pare. How sweet!"

"Ulol! O sige na. Bye."

"Bye."

Hay... Dapat yata, ibahin ko na tong wallpaper ng phone ko. Lalo ko lang siyang maaalala pag nandito pa tong picture na to...

"Menu..."

"My files..."

"Images..."

"Hazel.jpg..."

"Del..."

Teka... Hindi ko kayang i-delete... Wag na nga lang! Baka sakaling magkabalikan pa kami... Asa! Pero di bale na nga... Hahayaan ko nalang siya dito sa phone ko. Tsaka ko nalang papalitan ang wallpaper ko pag nakakita nako ng kapalit niya. Goodluck.

"Raffy!"

Si Mama! Yari! Mukhang sesermonan ako.

"Mama... Pasok..."

Ihahanda ko na ang tenga ko. Mukhang mahaba-haba ang pag-uusapan namin.

"Raffy..."

Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon