Simula- Olga

128 10 67
                                    

Dear World,

Hi! I'm Olga Olivarez. People call me ow-ow. Like a dog. You know, when they bark. Haha, silly. Ang waley ko yata doon.

Anyways, I've decided to give this letter not to my family, not to my friends, not to him.

But to everyone including them.

Because despite everything that all of us went through, there's nothing in this world that could hold us back to make a difference.

Even a slightest one, we can do something.

So I choose to do it here. To give only one thing.

And that is to inspire you, world and give awareness.

HINDI mawaglit-waglit sa labi ko ang ngiti sa bawat taong madaanan. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa mahabang puting hallway.

"Good morning, ate Sheila! Good morning din, kuya Paul!" Panggugulat ko sa dalawang nakasuot ng puti nang makarating ako sa kanilang istasyon.

Nanlalaki ang mga mata nang bumaling si ate Sheila sa akin,-"Diosmio! Akala ko kung sino na. Ginulat mo ako, Olga! Ikaw talaga!" Nangingiti siyang lumapit sa akin at saglit akong niyakap.

"Good morning, Olga." Kuya Paul waved his hand as greetings,-"Pagpasensiyahan mo na iyang ate mo at mukhang nasobrahan na naman sa kape. Iyan, pinili kasing mag-night shift."

Kunwari naman ay inis siyang binalingan ni ate Sheila,-"Tse! Wag kang makinig diyan, Olga. Okay lang ako at as far as I know, tama pa naman ang caffeine content sa katawan ko." Nangingiti lang si kuya Paul na nasa likod niya,-"By the way, bakit ang aga mo yatang nagising? Five a.m pa lang ah. Hindi ka ba masyadong nakatulog? May masakit na naman ba sa iyo?"

Napangiti lang ako sa mababanaag na pag-aalala sa boses ni ate Sheila. Dagdag pang nakakunot-noo siya.

"Ang seryoso mo po, Nurse Sheila. Okay lang po ako. Gusto ko lang po talagang maging maaga para mabati ko lahat ng tao dito. Nung isang araw kasi, hindi ko naabutan si Manong Fidel kaya nagpaaga ako para mabati siya at kayo na rin ng good morning." Si Manong Fidel ay nagtatrabaho dito bilang isang janitor.

Nagkatinginan ang magkasintahang nurse.

"Baka mabinat ka niyan, Olga. Kailangan mo pa ng maraming pahinga." Ani kuya Paul na naging seryoso na rin ang boses.

"Naku, ang ayos ayos ko nga lang kuya, e. Grabe ang taas ng tulog ko kahapon kaya siguro ang aga ko rin ngayon." Ngumiti ulit ako.

"Hay. Hindi ka na nasanay dito kay Olga, Paul. Alam mo namang hindi lumilipas ang araw na hindi ito lumalabas ng kwarto niya para bumati sa mga tao dito kahit hindi niya pa kilala." Sabad ni ate Sheila na bumaling na ngayon sa akin,-"Basta magpahinga ka kung pakiramdam mo, pagod ka na okay? Wag ka masyadong magtagal sa paglalakad at bumalik ka agad sa kwarto mo. Alam mo namang hindi ka pwedeng magpagod, diba? Baka mamaya, mahirapan ka na naman sa paghinga."

Nakangiti pa rin ako nang tumango at nag-thumbs up.

"The best ka talaga, ate Nurse Sheila!" Niyakap ko ulit silang dalawa bago sila nagsimulang mag-ikot sa mga ward. Ngiting-ngiti lang ako nang sundan sila ng tingin.

Hinahampas kasi ni ate Sheila si kuya Paul habang tumatawa lang naman na tinatanggap ng huli ang mga hampas ng girlfriend. Tila nag-aasaran silang dalawa, na madalas ko namang nakikita sa tuwing nakakakuwentuhan ko sila.

Sana ganun lang sila palagi. Masaya.
Ayoko kasi nang may malungkot. Nagdadala ng bad vibes iyon. Hindi maganda sa katawan. Nakakapangit.

Maligalig ulit akong nagpatuloy sa paglalakad.

A Woebegone's Message |✔️ #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon