Songs for this chapter:
Thru These Tears- LANY
Swan Song- Dua Lipa(A/N: Love this two. Specially, the second one. Sobrang sakto para sa chapter na ito. 😊)
—
NAALIMPUNGATAN ako sa mga boses na naririnig. Hindi ko pa man naibubukas ang mga mata, alam ko nang sina Lola at Doc. Mendez ang nag-uusap. And I suppose, nasa loob na ako ng aking kwarto.
"I'm sorry for saying this, Lola but palala na ng palala ang CKD ni Olga. Katulad ng nangyari kanina na nawalan siya ng malay, I suppose gaya rin ito ng nangyari recently na nahihirapan siya sa paghinga. Isa pa, masyado nang severe ang pag-block ng daluyan ng kanyang urine na nagri-result into dysplasia. Present na ito since she was born, pero ngayon lang naging critical. So mas kailangan natin siyang tutukan ngayon para mabantayan ang kalagayan niya. Hindi na pwedeng magtuluy-tuloy ang nangyari kanina na nawalan siya ng malay because of sudden short of breath dahil maaaring ikapahamak na niya ito."
Narinig ko ang mga hikbi ni Lola na nakapagpasikip na naman sa dibdib ko.
"Ano na pong kailangan nating gawin ngayon, Doc?"
"Sa ngayon, nagra-run pa kami ng maraming test para masigurado natin ang kanyang kalagayan. Wala pa ring available na donor ng kidney sa ngayon kaya in the meantime, we need to monitor her condition more often. We should avoid more complications katulad kanina nakapagpa-trigger ng pagsikip ng kanyang paghinga at pagkawala ng malay niya. Buti at maagap daw siyang nasalo ng patient na nandoon sa kwarto kundi baka nabagok na ang ulo niya sa sahig."
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko kahit tila bumibigat ito. Naaninag ko ang malungkot na reaksiyon ni Lola at ang nakikisimpatyang mukha ni Doc.
"Salamat sa Diyos at ganoon ang nangyari." Tila nakahinga nang maluwag si Lola pero kakikitaan pa rin ng sobrang pag-aalala ang mukha niya,-"Nakikiusap ako, Doc. Tulungan niyo ang aking apo na gumaling sa sakit niya. Siya na lang ang meron ako. Hindi ko alam ang gagawin kapag pati siya mawala sa akin." Napahagulgol si Lola.
"We will do our very best, Lola Omeng. Basta't mababantayan pong mabuti ang inyong apo, wala kayong dapat na ipag-alala."
Nang makapagpaalam ang doktor ay saka ko lang nakapa ang endotracheal tube (ET), scientific term na narinig ko kina kuya Paul at ate Sheila na kinakabit sa bibig ko. Oxygen tube ang tawag ng iba. Nakakonekta ito sa ventilator na nasa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ko.
Nakita ko ang pagpahid ni Lola ng kanyang luha. Dumako ang tingin niya sa akin at agad na lumapit nang makitang gising na ako.
I studied her face. Her sad-looking face. Wala na akong makitang luha pero may nakikita pa rin akong bakas sa paligid ng mga mata niya. Tinatago niya ang mga pagluha dahil alam niyang ayaw kong makitang malungkot ang mga tao sa paligid ko.
Even her. Specially her.
This is my fault. Kasalanan ko itong lahat. Pinag-alala ko na naman siya. Dahil sa kapabayaan ko, napaiyak ko na naman siya.
"Kumusta na'ng pakiramdam mo, apo?" Malumanay niyang tanong.
Nanghihina man ay pinilit ko ang sarili na ngumiti nang malaki at nag-thumbs up sa kanya,-"Ayos na ayos na, Lola."
"Sigurado ka ba? Wala bang masakit sa iyo ngayon? Nahihirapan ka pa bang huminga?" Sunud-sunod niyang tanong. Tila hindi kumbinsido sa sagot ko.
"Lola naman." Nagkunwari akong tila nagtatampo,-"Kumukunot na naman iyang noo mo. Nakakapangit po iyang hindi pagngiti, sige kayo."
BINABASA MO ANG
A Woebegone's Message |✔️ #Wattys2019
Teen FictionPeople can be weak. But even weak people can stand for their selves and fight back. Be strong. It only takes even a small amount of courage to do it.