Pangalawang Araw

40 7 107
                                    

Songs for this chapter:

Teaching Angels How To Fly- Jackie Evancho

Cancer- My Chemical Romance

(A/N: Both songs really made me cry. Ang sakit kasi ng lyrics😭

Anyways, the longest chapter so far. Umabot na ng 1,800+ words. Carried away na naman ako haha lels.

Happy reading!💕)

NAPANGITI ako nang matapos sa pagpupunas ng laptop ko. Huling gamit ko kasi nito, nung huling pasok ko sa school. HS, Grade 10. That was 6 months ago.

"Ayan, okay na." Nakangiti ko itong binuksan at buti na lang maayos pa talaga siya.

Nga pala, maggagabi na ngayon at umuwi muna si Lola para makapagpahinga. Buong araw kasi siyang nandito para magbantay sa akin kaya pinagpahinga ko na muna.

Binuksan ko ang facebook account ko na ilang buwan ko nang hindi nabubuksan buhat nang nandito ako sa ospital. Madaming notif. Bigla-bigla ring nagmi-message ang mga online kong classmates nang makitang active ako.

Iisang message lang ang ni-send ko sa kanilang lahat sa tanong nilang kumusta na ba daw ako.

I'm still blessed and happily alive.

Nakipagkamustuhan din muna ako sa kanila bago nagtungo sa search box.

Juan Tarlo.

Sandali akong napasimangot pero ibinalik din ang ngiti nang maalala ang bugnuting lalaking iyon.

"Nandito ako para pangitiin ka."

Noong una'y nakakunot-noo lang siyang nakatitig sa mukha ko. Tapos biglang tumaas ang kilay niya.

"Pinaglololoko mo ba ako? Wala akong panahon sa laro mo, miss." Madiin pa rin ang pagkakasabi niya,-"Alis na. Nang-iistorbo ka na naman ng tulog ko."

Mas nangalumbaba pa ako sa harap niya.

"Katutulog mo lang kanina a."

Hindi ko na maunawaan kung gaano na kasama ang mukha niya ngayon.

"Paki mo ba?" Malapit nang umangat ang boses niya pasigaw,-"Kung gusto kong matulog, matutulog ako. Alis na!"

Aray. Ang sakit sa tenga. Bugnutin talaga.

"May paki po ako, Mr. B." Hindi ko inaalis ang ngiti ko nang sumagot. Sandata ko ito ngayon. Kapag sumimangot ako, panalo siya. Saka goal ko nga na pangitiin siya kaya dapat nakangiti lang ako. Bibigay rin ito.

Napakunot-noo na naman siya,-"Mr. B?" Mas lumaki ang ngiti ko.

"Mr. B. Stands for Mr. Bugnutin." Buong kumpiyansa akong sumagot,-"Kakasungit mo diyan, napapaghalataan ka e."

Sandaling lumaki ang mga mata niya sa gulat. Tapos biglang kumunot-noo na naman, at nagtapos sa pagsama ng mukha. Kaunti na lang may lalabas nang usok sa ilong niya.

"ALIS!"

Napangiwi ako. Nag-peace sign at ibinalik ang pagkakangiti. Hindi dapat ako matakot sa kanya. Parte ito ng misyon ko. Mahihirapan muna sa simula, pero magbubunga din ito nang maganda sa bandang huli.

Umiling ako,-"Dito lang ako."

"Alis." Hindi na siya nakasigaw ngayon pero mahihimigan mo pa rin ang galit sa boses niya.

Umiling lang ulit ako.

"Ayoko. Hindi ako aalis."

Napabuga siya ng hangin. Nagsimula na namang tumitig sa mukha ko. Matagal. Nakakailang pero ayokong mag-iwas ng tingin. Hindi dapat ako maapektuhan ng mga mata niyang nanlilisik.

A Woebegone's Message |✔️ #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon