Pangpitong Araw

30 9 28
                                    

Songs for this chapter:

All I Ask- Adele

Angel- Sarah McLachlan

Ang Huling Araw

SOBRANG bigat ng mga mata ko na hindi ko man lang magawang imulat ito. Ang sikip-sikip din ng paghinga ko. Ang mga kalamnan ko hindi ko maigalaw nang mabuti.

Anong nangyayari sa akin?

Basta't naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa isang stretcher. Maraming boses akong naririnig.

"Olga! Olga! Please wag mong isasara ang mga mata mo! Please!"

Pero ang tinig na iyon na iyon ang nangingibabaw sa pandinig ko.

"Mr. B." I tried to call his name. Ngunit kahit ang boses ko ay hindi ko marinig. May biglang humawak sa kamay kong hindi ko na maramdaman.

"Yes. Just keep on calling me that. But please, please wag kang matutulog."

Sinunod ko siya. Pero hindi rin nagtagal pati ang pagtawag ko sa kanya ay naging pahirap na sa akin. Hanggang sa unti-unti akong nakatulog.

Nagising lang ako na naghahabol ng paghinga. Nakakaramdam pa rin ako ng pagsikip ng paghinga pero mas maayos na ngayon na may nakakabit na oxygen mask sa akin.

Napatingin ako sa paligid at napansing nasa kwarto na pala ako. Ang taas na ng sikat ng araw na pumapasok sa silid.

"Olga. Gising ka na." Ang nakangiting mukha ni Lola ang lumapit sa akin. Nakangiti man siya pero nakikita ko sa mga mata niya ang bakas ng pagluha.

"Lo-la." Sambit ko sa pangalan niya sa gitna ng paghinga.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, apo? May masakit ba sa iyo?"

Pinilit kong ngumiti,-"Okay na po ako."

Napatitig lang si Lola sa akin. Makailang beses na hinaplos ang buhok at mukha ko. Parang maiiyak na naman siya pero pinipigilan niya lang ang sarili.

"Nga pala. Kumusta ang pamamasyal niyo ni Juan Tarlo? Nasiyahan ba ang aking apo? Ikuwento mo naman kay Lola." Tila naglalambing ang tono ni Lola.

Saka ko naalala ang nagawang pagtakas namin ni Mr. B.

"Sorry po, 'La. Hindi po ako nagpaalam sa inyo—"

"Shhh, shhh. Wag kang humingi ng patawad, apo. Hindi naman ako galit. Kasama mo si Juan Tarlo kaya hindi na rin ako masyadong nag-alala. Taimtim din akong nagdasal sa Diyos na gabayan kayo at makakabalik kayo ng ligtas. At nakabalik kayo. Iyon ang mahalaga." Ngumiti si Lola at hinalikan ako sa noo,-"Ano na nga, apo. Nasiyahan ka ba sa pamamasyal niyo?"

Dahan-dahan akong tumango.

"Opo, 'La. Masaya po ako sa napuntahan namin. Sobrang saya po."

Yumakap si Lola sa akin,-"Iyon lang ang importante sa akin, Olga apo. Ang maging masaya ka. Ang maging tunay na masaya ka." Napayakap din ako nang mahigpit kay Lola,-"Oo nga pala, apo. May maganda akong sasabihin sa iyo."

Napabitaw ako sa yakap. Napangiti sa anumang magandang sasabihin ni Lola.

"Ano po iyon?"

"Mayroon na daw donor ng kidney, apo. Isa pa lang sa ngayon pero mabuti nang meron, diba? Para isang kidney na lang ang kakailanganin. Pati susuriin pa ang compatibility ng kidney sa iyo. Pero sigurado naman ako na iyon na ang hinihintay natin, apo. Madudugtungan na ang buhay mo. Mabubuhay ka pa nang matagal." Malawak ang ngiti ni Lola.

A Woebegone's Message |✔️ #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon