(Poem) ~PAGMAMAHAL AY 'DI MATATAKASAN~

1.4K 3 0
                                    

"Pagmamahal ay 'di Matatakasan"

 

Ano ba itong nadarama ko?

Bakit ikaw ang hanap-hanap ko?

Bakit ikaw ang laman na isipan ko?

Minsan lang naman tayong nagkatagpo.

 

Subalit ako ngayo'y naguguluhan.

Ililihim ko ba ito o ilalahad?

Baka kasi 'di mo magustuhan,

At ako'y iyo lamang pagtawanan.

 

Ngayon lamang ako nakadama ng ganito,

'Pag nasilayan ka, ako'y napapaamo,

'Pag kaharap ka, ako'y nalilito.

'Pag may kasamang iba, ako'y naninibugho.

 

Sadya nga ba talagang ganyan?

Pagmamahal ay 'di matatakasan,

Sumisibol ng lingid sa kaalaman,

Ipaglalaban kung may hahadlang.

 

            (anonymous)

TEXT QUOTESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon