Chapter 10: Swimming pa rin :)

134 3 1
                                    

9 a.m. Nagising kami ni Chloe dahil sa isang malakas na katok. napabalikwas kami ng bangon.

tumayo ako at binuksan ang pinto. Si Kevin at Aaron lang pala.

At dahil antok pa ko, humiga ulit ako sa kama, at inilagay ko ang unan ko sa mukha ko.

"Girls, gising na! madami tayong gagawin ngayon". sigaw ni Kevin

deadma pa rin kami ni Chloe. Tuloy pa rin ang pagtulog namin. Naramdaman kong parang may lumapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko.

Si Aaron siguro ito.

Tinapik-tapik niya ang braso ko. "babe, gising na". sabi nito.

tumalikod ako at hindi ko siya pinansin.

maya-maya, bigla niya akong kiniliti.

"HAHAHAHAHAHA! ayoko na. babangon na ko. babangon na". sabi ko.

tawa pa rin ako ng tawa. Nagising na rin si Chloe dahil siguro sa ingay ko. binato pa nga ako ng unan eh. ang sakit. >.< si Aaron naman kasi eh.

"sige na. Change your clothes. We'll wait for you outside. Breakfast is ready". sabi naman ni Kevin.

Nagpalit na kami ni Chloe. I wore my two piece swim suit but of course I hide it by wearing a fitted t-shirt and shorts. Ayoko ngang maexpose ang aking katawan. hahahaha. ganun na rin ang suot ni Chloe.

Masaya kaming naglalakad ni Chloe ng makita ko si Claudine at Aaron na nag-uusap. Halatang nilalandi ni Claudine si Aaron, at eto namang si Aaron parang gustong-gusto pa.

naningkit tuloy ang mata ko. parang gusto kong hilahin yung buhok ni Claudine palayo kay Aaron. nakakainis!!!! >.<

"naku sis. mukhang may lintang dikit ng dikit sa Aaron mo". natatawang sabi ni Chloe.

nilapitan ko sina Aaron. Npatingin ito sa akin.

"hey, babe. We we're talking ni Claudine about her job. Model pala siya". parang naaamuse pang sabi ni Aaron.

model ng ano? model ng perla? letche! pagbuhulin ko sila eh.

"Oh, I see. Tara na? gutom na ko eh". sagot ko.

naglakad kami papunta sa isang restaurant. Ang sarap ng pagkain, grabe. tataba ako dito kapag araw-araw akong nagpunta dito.

may binulong naman si Chloe sakin,

"te, tignan mo ang linta. kung makatingin kay Aaron, ang lagkit".

Napatingin naman ako sa linta, este kay Claudine pala. oo nga, at tinititigan pa ng bruha si Aaron. ang sarap tanggalan ng eye balls. asdfghjkl!!!

"ay, guys. Magbobon fire pala tayo mamaya ah. Mga 6 siguro ng gabi." sabi ni Mark.

Grow old with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon