Chapter One

10.4K 255 6
                                    



"NAKITA ko na siya," sagot ni Athena sa kausap niya sa pamamagitan ng earphone.

Lumabas kaagad siya ng kotse at sinundan ang lalaking target nila. Kalalabas lang ng ospital ang lalaki. May bitbit itong itim na maleta. Kailangan lang niyang makakuha ng blood sample nito. Lumapit ang lalaki sa nakaparadang itim na kotse sa tapat ng ospital. Nilakihan pa niya ang paghakbang. Kung kailan abot kamay na niya ito ay bigla namang may lalaking patakbong dumaan sa harapan niya. Nasagi nito ang balikat niya. Sa lakas ng pagkakabangga ay nabitawan niya ang hawak niyang syringe.

"Shit!" bulalas niya.

Sinundan niya ng tingin ang lalaking dumaan. Bigla din itong huminto at nag-abala pang lingunin siya. Sinuklay nito palikod ng kamay ang ilang hibla ng may isang dangkal na haba ng buhok na tumakip sa mukha nito. Natigilan siya nang sandaling magtama ang mga paningin nila. Guwapo ang lalaki, matangkad, maputi at matipuno ang pangangatawan. May isang dangkal ang haba ng abuhin nitong buhok na aalon-alon. Nakasuot ito ng bughaw na pantalong maong at itim na hapit na T-shirt. May puting coat na nakasabit sa kanang braso nito. May dalawang dipa lamang ang layo nito sa kanya.

"Oh, sorry," pilyo ang ngiting sabi nito sa buo pero malamig na tinig.

Nanatili siyang walang kibo hanggang sa tuluyang pumasok sa entrada ng ospital ang lalaki.

"Athena! Ano'ng status d'yan?"

Nahimasmasan si Athena nang marinig ang tinig ng partner niya sa kabilang linya.

"Damn!" bulalas niya nang napansing kakaalis lang ng sasakyan ng target nila.

"Athena!"

"Hindi ko siya naabutan!" sagot niya. Naka-record naman sa spy contact lenses niya ang plate number ng kotse ng target.

"Fuck! Lagot tayo kay Boss!" sabi ni Glenn.

"I'll fallow him. Relax ka lang diyan," sabi niya saka binalikan ang kanyang kotse.

Pinaharurot niya ang sasakyan. Traffic sa main road kaya naabutan niya ang target. Tatlong sasakyan ang nakapagitan sa kanila. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi mawaglit sa isip niya ang lalaking bumangga sa kanya.

"Nasaan ka na, Athena?" tanong ni Glenn.

"Sinusundan ko ang target," iritableng sagot niya.

"Ang sabi mo kanina abot kamay mo na siya. Anong nangyari?"

"May bumangga sa akin. Nabitawan ko ang syringe."

"So, na-distract ka ng bumangga sa 'yo kaya nawala sa sight mo ang target, tama?"

Damn, but yes, maktol ng isip niya. Malaking distraction ang ginawang pagbangga sa kanya ng lalaking iyon.

"Puwede ba, limitahan mo ang pagsasalita riyan. Isa ka pang nakaka-distract. Hindi ako makapag-focus," naiinis na sabi niya.

"Fine. Malalaman ko rin kung ano ang nangyari bakit hindi mo nahuli ang target," sabi nito.

Lalo siyang nainis. "Wala kang malalaman," aniya.

"Let's see."

Hindi na siya nagsalita nang umusad na ang mga sasakyan. Nang lumuwag ang traffic ay nakahabol siya sa target. Nakabuntot na siya rito. Nang huminto ito sa tapat ng dalawang palapag na gusali ay inihinto din niya ang sasakyan sa kabilang kalsada. Medyo madilim na sa bahaging iyon dahil sarado na ang ibang establishment. Tumawid kaagad siya at inilabas ang reserba niyang syringe. Isinuot niya ang kanyang face mask at gloves

Wild Desire (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon