Chapter Two

7.5K 218 5
                                    


KINABUKASAN ng umaga ay bumalik si Athena sa siyudad para simulan ang kanyang lihim na plano. Lulan ng kanyang kotse ay tumambay siya sa tapat ng Green Valley Condominium. Inaabangan niyang lumabas ang bago niyang target. Makalipas ang ilang sandali ay nakita na niyang lumabas ang target suot ang hapit na pantalong maong at puting t-shirt. May suot na itong puting coat. Nagmamadali itong lumapit sa nakaparadang itim na toyota vios. Dagli itong sumakay at pinausad ang sasakyan.

Nang makaalis na ito ay kaagad niya itong sinundan. Hindi pa masyadong traffic sa mga oras na iyon. In-off niya ang air-condition ng kotse saka binuksan ang bintana sa tagiliran niya. Nanginginig na kasi siya sa sobrang ginaw. Nakalimutan niyang magdala ng jacket.

Huminto ang lalaki sa tapat ng malaking ospital. Marahil ay doon ito nagtatrabaho bilang surgeon. Nakalagay kasi sa profile nito na wala itong permanenteng ospital na pinagsisilbihan. Ngayon alam na niya kung saan ito madalas matatagpuan.

Bumalik na siya sa istasyon. Naroon na si Glenn. May ipinakita itong litrato ng lalaki sa kanya.

"He's our new target. Taga-La Presa siya," sabi nito.

Kinuha naman niya ang litrato. Mabuti na lang hindi iyon ang bagong target niya ngayon.

"Kailan natin ito pupuntahan?" tanong niya.

"Kung kaya mo ngayon," anito.

"Bukas na siguro. Gusto kong magpahinga ngayon." Ibinalik niya ang litrato rito.

"Gusto mo bang mag-unwind muna?" pagkuwan ay sabi nito.

"Ayaw ko. Gusto ko lang mapag-isa muna."

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa lugar na komportable."

Iniwan na niya si Glenn. Lumabas siya at kumain sa pinakamalapit na restaurant. Nakaupo siya sa mesa malapit sa pinto. Open lang ang restaurant kaya lahat ng dumadaang tao sa labas ay tinitingnan niya. Nakalahati na niya ang kanyang pagkain nang napansin niya ang kakapasok na matangkad na lalaki. Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa counter.

Nawindang siya nang saglit itong timingin sa direksiyon niya. Pamilyar sa kanya ang mukha nito. Pinag-isipan niyang mabuti kung saan niya ito nakita. Mamaya ay isang senaryo ang dumapo sa isip niya.

BABARILIN sana ni Athena ang lobong kumagat sa kasama niya ngunit may lalaking nakipagbuno sa kanya ng baril. Hubad-baro ito. Nang magkaharap sila nang malapitan ay remihestro sa isip niya ang mukha nito. Ito ang lalaking nakakulong sa bartolina nila. Napakalakas nito. Napihit nito ang hawak niyang baril paharap sa kanya.

Mamaya ay may narinig siyang putok. Tinamaan ng bala ang lalaki sa kanang braso. Nabitawan nito ang mga kamay niya. Nagulat siya nang bigla itong nagpalit ng anyo bilang lobo. Nagtalsikan ang balang bumaon sa katawan nito. Sinugod nito ang guwardiyang bumaril dito at nilapa. Binaril niya ang lobo at tinamaan ito sa likod. Binalingan siya nito ngunit hindi ito natuloy sa pagsugod sa kanya nang tila may tumatawag dito. Tumakbo ito palabas ng tarangkahan.

KINABAHAN si Athena nang maalala kung sino itong lalaki. Ito ang lobo na matagal nang nakakulong sa puder nila. Isa raw ito sa pinakamalakas na lobo. Nagtataka siya bakit nakarating ito roon sa siyudad? Posible kayang isa rin ito sa naghahanap sa hybrid wolf?

Iniladlad niya ang ga-balikat niyang buhok at nagsuot siya ng sunglasses. Binilisan niya ang pagsubo. Pagkatapos ay iniwan niya ang perang pambayad niya sa mesa na inipit niya sa menu book. Lumabas na siya.

Pagsapit ng gabi ay nagpanggap si Athena na naghahanap ng condo unit para makapasok siya sa Green Valley condominium. Mahigpit kasi ang security kaya hindi siya makapuslit ng kahit anong armas. Hindi naman delikado ang target niya kaya kampante siya. Tanging syringe lang ang dala niya na nasa kanyang shoulder bag. Idinahilan niya na nurse siya nang tanungin siya ng guwardiya kung aanhin niya ang syringe. Palagi siyang handa. Meron din siyang pekeng ID bilang nurse. Nakalusot ang diskarte niya. Isang kindat lang sa guwardiya ay pinapasok na siya pero in-hold nito ang pekeng ID niya.

Wild Desire (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon