Chapter Five

6.9K 220 7
                                    


NALIGO muna si David bago magluto. May ilang minuto nang nakatutok ang hubad niyang katawan sa shower. Walang ibang laman ang isip niya kundi si Athena. Nilamon na ng presensiya nito ang buong sistema niya. Mabuti nakukontrol pa niya ang sarili niya kanina habang binibihisan niya ang dalaga.

Damn! She's fucking hot! Sigaw ng isip niya.

Nai-imagine niya ang magandang katawan ni Athena. Madalas niyang nakikitang nakasuot ng jacket ang dalaga at medyo maluwag na damit kaya hindi niya masyadong napansin ang ka-sexy-han nito. Ayaw niyang i-assume na pinagnanasaan niya ang dalaga pero doon na siya patungo. Alam niya hindi basta-bastang babae si Athena. Alam din niya na hindi ito madaling makuha. Hindi pa naman siya nagmahal nang totoo kaya wala siyang ideya kung paano malalaman kung hibang na siya sa pag-ibig. Ayaw din niyang i-assume na nagkakagusto siya sa dalaga. Hindi rin siya naniniwala sa love at first sight. Lust at first sight, maari pa.

Pagkatapos niyang naligo ay pinagmasdan muna niya ang damit na binigay ng dalaga. Parang baliw na inamoy-amoy muna niya ang panty. Hindi siya sigurado kung nagamit na iyon ng dalaga pero kinatuwaan niya iyong amuyin. Amoy bago pa.

"Shit! What the hell are you doing, David?" Kinagalitan niya ang sarili.

Nang makapagbihis ay dumeretso siya sa kusina. May stock na karne ng manok sa refrigerator at mga gulay. Adobong manok lang ang naisip niyang lutuin. Mabuti mayroong patatas. Natoto siyang magluto simula noong nagso-solo na lang siya. Habang pinapalambot ang karneng frozen ay sinilip niya si Athena. Nakatulog na ito.

Pasado alas-nuwebe na ng gabi nakaluto si David. Dinala niya sa kuwarto ni Athena ang pagkain. Malakas ang pandamdam nito at pandinig. Kahit mukhang tulog ito ay naramdaman nito ang pagpasok niya.

"Kumain muna tayo para deretso na ang tulog mo," sabi niya rito.

Umupo naman ito. Umupo siya sa tabi nito at inilapit dito ang plato ng pagkain. Akmang susubuan niya ito ngunit pinigil nito ang kamay niya.

"Hindi ako paralisado," seryosong sabi nito.

"Huwag ka masyadong gumalaw, baka dumugo ang sugat mo," aniya.

"Mababaw lang ang sugat. Hindi na nga masakit. Kumain ka na lang."

Ibinigay na lamang niya rito ang plato nito. Lumipat siya sa silya sa tapat ng bed side table saka kumain. Hindi niya masaway ang sarili na sulyapan ang dalaga. Minsan pa'y nagkasalubong ang mga titig nila.

"What?" masungit na tanong nito.

Ngumiti siya sabay iling. "Wala," sagot niya saka siya nagpatuloy sa pagsubo.

Mabilis natapos kumain si Athena. Nagulat siya. Dinaig pa siya nito.

"Tapos ka na ba?" manghang untag niya.

Inilapag na nito ang plato sa mesa. "Oo," tipid nitong sagot.

"Ang bilis mo namang kumain."

"Sa military, hindi puwedeng mabagal kumain," anito.

Nawindang siya. "You mean you're a soldier?"

"Yes, but I'm not active in service. I chose to work as private army of retired general and leader of Dark Shadow Organization. Ang organisasyon ay may layong puksain ang mga lobong naninirahan sa lugar na ito since 1970's. Katuwang ng organisasyon ang mga militar at pulisya sa misyong ito, so don't think that our operation is illegal. Pero bago ako nag-focus sa grupo, limang taon akong nasa serbisyong militar. Nakapagtapos ako sa Philippines Military Academy," kuwento nito.

"Wow!" tanging komento niya.

Ngayon ay alam na niya kung bakit maabilidad sa pakikipaglaban ang babaeng ito. Pakiramdam niya'y naapakan ng propesyon nito ang pagkalalaki niya.

Wild Desire (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon