Chapter 17 - ZharQuen Cupid

12.8K 224 62
                                    

Chapter 17



Daniel's POV

It's been 5 days. 5 days na akong hindi kinakausap ni Kath. Nakakainis! Everytime na lalapit ako sa kanya, lalayo siya. Kapag naman kakausapin ko na siya makikipag-usap siya sa iba. Urgh! Nakakainis talaga!


"Ah!" Sinigaw ko na lang. Di ko na kaya na di ako pinapansin ni Kath. Hindi ko pa alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Di ko alam kung anong tawag dito. Pagibig na ba toh?



"Okay lang yan nak, magkaka-ayos din kayo ni Kath." Sabi ni Mama. Oo alam niya syempre magkaroon ka ba naman ng bestfriend na madaldal. Binigyan ko ng malungkot na ngiti si mama.


May biglang kumatok sa pinto. "Ako na pong magbubukas manang." Narinig kong sabi ni mama kay Manang Ces.



"Hello tita!" Sus! Anong ginagawa ng babaeng yan dito. Andito siguro para maghatid ng chismis kay mama.  "Hello Zharm." Bati rin ni mama sakanya.



"Hi bes!" Napakaingay talaga nitong babaeng toh. "Kamusta na?" Tanong ni Mama kay Z. "Okay naman po tita. Ikaw D kamusta ka na?" Sabi niya sabay tabi sa akin. "Ewan ko sayo." Masungit kong sagot. Badtrip talaga ako eh.


"Ang sungit nito, ano ka ba. Okay lang yan magkakabati rin kayo. Kainis naman kasi yang Elizabeth na yan eh."  Tss! Pinaalala niya pa! Nakakaleche talaga. Dapat pa ex na, di na umeeksena.



"D may tatanong ako sayo." Kumunot ang noo ko. "Ano yun?" Masungit kong tanong. "Ngayon lang kasi kita nakitang nagkakaganyan dahil sa isang babae dati naman kasi di ka ganyan. Ano ba talagang nararamdaman mo para sa kanya?" Tama siya, ano nga bang nararamdaman ko para kay Kath. Nung una ko palang siyang nakita nagandahan na ko sa kanya. Nung naging part ako ng barkada gusto ko lagi ko siyang inaasar. Nung sinabi niya kay Enrique na pwede siyang manligaw nainis ako. Nung binara niya si Enrique natuwa ako.  Nung hinalikan niya ako sa pisngi nakaramdam ako ng kuryente. Masaya ako kapag kasama ko siya, ito na ba yung tinatawag nilang pag-ibig?



"Love ang tawag dyan D." Sabi ni Zharm. Huh? Hindi lang pala chismosa si Zharm, mind reader na rin pala siya. "Huh?" Napakunot ang noo ko. "Nako ganyan ba pag-inlove, slow? Sabi ko love na yang nararamdaman mo para kay Kath." Paano siya nakakasigurado? Ganun ba ko kahalata?



"Paano mo naman nasabi Z?" Tanong ko sakanya. Gusto ko na rin kasing malaman kung ano talagang nararamdaman ko para kay Kath. "Sus! Halata naman eh. Una, hindi mo naman binibigay ang number mo kung kanino ako ngang besfriend mo hindi ko alam kung anong number mo eh pero nung hiningi ni Kath yung number mo binigay mo agad. Pangalawa, yung reaksyon mo nung nagtanong si Quen kay Kath kung pwede ba siyang manligaw. Pangatlo, yung mga galaw mo lalong-lalo na nung performance day natin. At pang-apat, tignan mo nga yung sarili mo ngayon sobra kang apektado dahil alam mong galit sayo si Kath. Partida pa yan huh ganyan ka ka-apektado na galit siya eh hindi pa naman kayo, naku paano kaya kung kayo na at nagalit siya sayo? Edi magpapakamatay ka na? Hay naku D wag mo na kasing i-deny. Kung ako sayo puntahan mo na si Kath dun sa bahay nila at mag-explain ka. Pakikinggan ka naman siguro nun." Unti-unting nag-sink in sa utak ko yung mga sinabi ni Zharm. Tama siya, sobrang tama siya mahal ko na si Kath. Mahal ko na ang reyna ko. Mahal na mahal. Pupuntahan ko si Kath.



"Tulungan mo ko Z." Sabi ko kay Zharm. "Sus! Oo naman noh, kaya nga ako pumunta dito eh. Tsaka kaya ko nga rin pinapunta si Quen dun sa bahay nina Kath eh."Si Enrique pumunta kila Kath? Napakunot ang noo ko. "Relax okay? Wag kang mag-alala wala nang gusto si Quen kay Kath. Pumunta siya dun para kausapin si Kath. Kaya wag ka ngang OA dyn. Mabuti pa magbihis ka na nga dun para mapuntahan na natin si Kath." Sabi ni Zharm sa akin sabay tulak. Nako siguraduhin niya lang na wala ng gusto si Enrique kay Kath ha, dahil kung hindi, uupakan ko si Enrique.



Forever And A Day (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon