Chapter 2: You will be my Slave

2.4K 60 0
                                        

kring...kring...kring...

pag baba ko nakita ko si manang belen

"goodmorning nanay belen"

"goodmorning po mam kate"

"nay belen diba po sabi ko kate nalang po, wala na po mam, para ko narin po kayong nanay ^_^"

"sige,ikaw talagang bata ka, kumain ka na muna"

pagkatapos ko kumain nagpa-alam na ako kay nanay belen, wala kasi si mama may bibilin lang

naglalakad na ako papunta sa school nang makita ko si JD

nilapitan ko sya para makapag thank you, nasa likod nya ako

"ah...JD thank you dun sa kahapon"

tumigil sya kaya nasubsob ako sa likod nya -_-

nilingon nya ako

"hindi ako tumatanggap ng thank you"

at nag lakad na ulit sya kaya sinundan ko ulit sya at nagtanong

"anung pwede kong gawin bilang kapalit sa pagtulong mo sakin?"

tumigil na naman sya kaya nauntog ulit ako sa likod nya>_<

"kanina ka pa ha, sinasadya mo ba talaga?!

"tanong mo sa mukha, baka gusto ng tumira sa likod ko"pang asar nya

"ewan ko sayo" aalis na dapat ako pero hinatak nya ako

"you will be my slave"

"ha! anung slave!"

"yun ang kapalit ng pagtulong ko sayo" tapos tinignan nya ako mula ulo hanggang paa

"ayoko" sabay yakap ko sa katawan ko

"tsk. hindi ka naman maganda"

"alam ko,wag mo ng sabihin at ayoko pa rin"

"wag kang assuming, hindi iyon ang ibig kong sabihin"

pahiya konti •_•

"ayoko pa rin"

"sige, sasabihin ko nalang dun sa mga nambu-bully sayo na saktan ka ng saktan"

"sige...pero..."

"arte hindi naman maganda"bulong nya pero narinig ko yun

"promise mo na hindi na ako mabu-bully"

naglakad na sya at nakarating na kami sa tapat ng section ko

"oy JD, promise mo yun ha"

nilapit nya sa tenga ko yung bibig nya o_o

"oo"at umalis na sya

Slave of a GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon