pagkatapos namin kumain nagpaalam na si christoff na uuwi na sya
hinanap ko si JD dahil kanina pa sya hindi bumabalik
pumasok ako sa loob ng bahay nila at naka salubong ko si tita alex
"tita alex nakita mo po ba si JD?"
"oo, nasa garden sya"
"sige po, thanks" pinuntahan ko na si JD sa garden nakita ko sya na naka upo sa may bench doon, nilapitan ko sya
JD's POV
"ang sama mo talaga, kanina pa kita inaantay dun" umupo sa tabi ko si kate
"sorry…sorry kung hindi ako bumalik"
"ok ka lang ba"
"anong pakiramdam ng may tatay pa?" bigla kong tanong sakanya
"hindi ko alam"
hindi nya alam?bakit?
"baby palang ako nung namatay sya, naaksidente sya dahil sa pagmamadali makarating samin ni mama sa hospital"
"I'm sorry" parehas pala kami
"ok lang matagal na naman yun, e ikaw nasan dad mo"
"wala narin sya…dahil sakin, 7yr. old palang ako nung…"
FLASHBACK
saturday ngayon kaya pupunta kami ni mommy at daddy sa mall
kumain kami at nanuod ng movie, pero nung pag dating namin ng parking
beep…beep……
tinulak ako ni daddy dahilan para hindi ako ang mabangga ng kotse
pagtayo ko nakita ko si daddy na nakahiga sa kalsada at si mommy naman humihingi ng tulong,
nilapitan ko si daddy
"daddy!"
"anak…mag…p-paka…bait ka…a-alagaan mo ang…magi-ging kapatid mo…ipangako… mo yan sakin" pagkatapos nun, nawalan na ng malay si daddy
"promise dad"
END OF FLASHBACK
"wag mo sisihin ang sarili mo, hindi mo gustong mangyari yun, ang mas mabuti mong gawin ay maging matatag para sa mama mo at kapatid mo"
"siguro kaya ka iniwan ng dady mo kasi ang panget mo"
"sira ka talaga, buti pa sila nasabing maganda ako kahit ngayon lang to"
hinatid ko na sya sa kanila at habang nasa tapat kami ng bahay nila
"thank you sa pag hatid, 'kahit hindi mo nasabi na maganda ako ngayon"
tss.
BINABASA MO ANG
Slave of a Gangster
Teen FictionCharacters: John Drew Roberts Olivia Kate Gonzales Ren Christoff Villa Jake Flores Miko Gomez Krista Jane Suares Michelle Reyes Michael Reyes