Chapter 6: Transformation

1.8K 53 3
                                    

nakarating kami sa mall at pinark muna nya yung kotse

naku mall lang pala pupuntahan may pa hell-hell pang nalalaman ~_~

"o, nasa hell na ba ako? kamatayan ikaw ba yan?" panga-asar ko kay JD

"tsk. tara na sa impyerno" nag lakad na kami at tumigil kami sa isang boutique shop na ang gaganda ng mga damit

"wow ang ganda pala sa hell" panga-asar ko ulit kay JD

hinatak na nya ako sa loob at may kinuha syang mga dress na above the knee at binigay nya sakin at tinulak ako sa isang fiting room

una kong sinuot ay color green na dress na may design na silver ribon sa waist

lumabas na ako at pinakita ko sakanya

"next" yun lang an sinabi nya

nagpalit naman ako ng plain red dress

at paglabas ko 'next' na naman ang narinig ko, anu to passion show

grabe naman to sampung beses na ata  ako palit ng palit pero kapag hindi parin nya to nagustuhan naku…

nagpalit na ako ng light blue dress na ang cute nya simple pero may silver beads sya sa palibot ng waist

paglabas ko tumayo si JD at tinignan nya ako at umikot pa sya para makita nya ng maayos

"stay here" iniwan nya ako doon kaya umupo nalang muna ako

"hi mam, alam mo mam bagay na bagay sayo yang dress mo, ang galing pumili ng boyfriend mo at ang pogi pa"- sales lady

"thank you" baka nga bakla yun e

mayamaya dumating na si JD at may dala syang paper bag

"anu yan?" nilabas nya yung laman nung paper bag at ang laman nun ay color cream na heels at sinuot nya sakin

"bakla ka ba?" oops. diko napigilan

"ako bakla?" nilapit nya sakin yung mukha nya at halos 3 inches nalang ang layo namin

"l-lumayo ka nga" umayos na sya at pumunta na sya sa counter at binayaran na yung dress na suot ko

lumabas na kami at tumigil naman kami sa isang salon

sinalubong kami ng isang bakla at kinausap ni JD at medyo lumayo pa sila sakin

lumapit sakin yung bakla at sinimulan na akong ayusan

tinanggal nya yung glasses ko at nilagyan nya muna ako ng make up pero manipis lang naman tapos sinunod nya yung buhok ko at pa-big curl yung ayos

"finished" sabi nung bakla kaya sinuot ko na ulit yung salamin ko para makita ko ng maayos

"wow" yun lang ang nasabi ko dahil sa parang nagtransform ako bigla dahil sa ang ganda ng pagkakaayos bagay na bagay sa suot ko

"i think mas ok kung tanggalin mo na lang yang glasses mo girl"

"ah…hindi pwede e" malabo kasi yung paningin ko kaya hindi ko pwedeng tanggalin

lumabas si JD kaya naiwan ako, san kaya sya pupunta

nagusap lang kami nung bakla at binigyan nya ako ng tips para daw stay pretty at mayamaya dumating na si JD na akala ko iniwan nako

"san ka galing?" tanong ko

"suotin mo to" inabot nya sakin yung paper bag at pagbukas ko contact lens

tinulungan naman ako nung bakla magsuot at pagkatapos…

"perfect! ready kana sa date mo girl" sabi nung bakla

nag bayad na si JD at umalis na kami,pumunta na kami ng parking at sumakay ng kotse

"saan na tayo pupunta?" bakit pa ako nagtanong baka hell na naman sagot nito -_-

"may party sa bahay, birthday ni jaime,little sister ko at nabangit ka ni christoff nung pumunta sila doon kahapon at ang gusto ni jaime makilala ka"

"isang utos lang pala ng bata sunod agad" bulong ko

"narinig kita panget"

nanahimik nalang ako kesa masabihang panget ulit, ang ganda ko kaya ngayon ^_^

Slave of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon