Chapter 11

45 0 0
                                    

Dumating ang araw ng pagbalik pinas ni Cassey kasama ang kanyang tita at ang asawa nito.

Hindi makapaniwala si Cassey na nakatuntong na ang mga paa niya sa Mactan Airport ng Cebu. 

Dinama niya ang pikiramdam na sa wakas its nice to be back home. Napangiti siya.

Sa di kalayuan ay natatanaw na niya ang mga magulang at ang isang magandang dalagita na  si Cindy. MAs maganda talaga ito sa personal. Hindi nga siya nagkamali lumaking maganda ito at tila isang modelo ito kahit sa edad na seventeen. Lumapit siya sa mga magulang at napayakap ng mahigpit. Hindi mapigilan ng mama niya na maging emosyonal.

“A-akala ko na anak hindi ka na babalik..”garalgal na boses ng ina na hindi pa rin siya mabitaw bitawan.

“Ma, naman, pwede ba iyon?”wika niya at hinalikan sa pisngi ang ina. 

Agad naman na yumakap at naglambing si Cindy sa kanya. Parang hindi sila nagwalay ng sampung taon.

Sumakay na sila ng sasakyan. Ang papa niya ang nag drive. Natutuwa siya dahil ang sasakyang ito ang unang naging sasakyan ng mga magulang mula sa kanya. Nasa backseat sila ng kapatid na si Cindy. Parang na mesmerized ito sa kanya. Na para bang nakakita ng isang sikat na celebrity na ubod ng ganda.

“Napakaganda mo talaga ate. I was only seven years old the last time we saw each other. But now hindi ako makapaniwalang nandito ka na muli sa amin. Hindi nga ako makapaniwala na ikaw na yan. Look at you.. para kang artista. Napakakinis ng balat mo at kapag pina blonde mo na yang buhok mo mukha ka ng foreigner.”walang kakatigil nitong wika. Napatawa siya sa isiping sa edad niya noon gaya ni Cindy ay opposite ito sa kanya. Ma daldal ito at may naalala siyang tulad ni Cindy. si Joanne, at ngayon sobra na ang miss niya sa mga ito.

“Maganda ka din akala mo ba. Nagmana ka kasi sa ate.”sabay tawa.”Ni minsan hindi ko pina kulayan ang buhok ko. Kung ano ito dati ay ganun pa rin ito ngayon.”wika niya at pinisil ang ilong ng kapatid. Na cu-cute-tan kasi siya dito. 

Sa unang pagkakataon ay dumating na siya sa bahay na ipinatayo ng kanyang mga magulang gamit ang perang pinapadala niya.

Isa iyong two storey at napakaganda ng pagkagawa. Nakatitirik iyon sa isang exclusive subdivision sa Cebu.

Basta namangha siya sa design ng bahay. Hindi niya akalain na ganoon ito kaganda sa personal.

Iginiya din siya sa kanyang silid. At wala siyang masabi. Parang sinadya iyon na e – desinyo ayon sa taste niya. At kahit hindi pa niya nakikita kung sino mang architect ang nag design ay parang nag ka-crush siya sa gawa nito. At naalala niya, iyon din pala ang field ni James Darren at sa ngayon siguro isa na itong ganap na architect.

“Alam mo ba ate, na naaaapaka-gwapo at naaapakabait ng Architect na gumawa ng bahay?” pagdiin ni Cindy na medyo kinikilig pa. Parang siya rin dati pag naalala ang kanyang nag iisang crush.

“Crush mo ba yong Architect na yon?”sita niya kay cindy.

“Konti”pakli nito na tila nag blush.”Pero hindi naman ako magugustuhan non. He is taken.” sabi ng kapatid niya in dismay na ikinangiwi niya.

Only You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon