Chapter 1

96 1 0
                                    

Enrollment Day.

Papasok na si Cassey sa main gate ng kilalang Unibersidad sa Maynila. 

Napahinto siya saglit. Tiningnan niya ang kabuuan ng eskwelahan. Napakalaki at napakalawak. Hindi basta basta ang Unibersidad na ito, isa sa pinakasikat at mamahaling  eskwelahan sa Maynila. 

Mapalad lamang siya dahil nakapasa siya bilang scholar at iyon ay dahil na rin sa paglalaro niya ng Volleyball way back in high school. Nabigyan siya ng ganitong pagkakataon na makapag-aral sa colegio.

Dala ang mga mahalagang documents ay tinungo na niya ang Registrar Office. Napakadaming studyante na nagkalat sa labas ng Registrar Office. Mukhang alangan siya sa mga porma ng mga ito na mukhang mayayaman. Nakadama siya ng hiya sa sarili dahil hindi niya maiwasang isipin na galing siya sa probinsya at first time niya sa Maynila. Walang kakilala at mayayaman pa ang kanyang makakahalobilo. Pero biglang bawe sa iniisip, walang maidudulot na mabuti ang pag-iisip ng mga ganong bagay. Alam niya nasa umpisa lang ang hiya, kaba at takot na nadarama. Mapapawi din yon kapag naka adjust na siya.

Sa window ng Registrar Office kinuha niya ang isang papel na naglalaman ng steps for enrollment. Umupo siya katabi ng mga studyante sa waiting area. Pahirapan ang pag fill-up, wala naman kasing mesa na pwedeng pagpatungan at sikip sikip pa ang mga studyante roon.

Sa dinami-dami ng studyante ay una niyang nakilala si Joanne. Freshman din ito at nagpakilala sila sa isa't-isa.

"I'm Joanne, 16 years old, from Makati, Manila.." nakangiting pagpapakilala ni Joanne. All smile ito kaya madaling makakagaanan ng loob.

Nahihiya man ay tipid niyang tinugon ang naghihintay na palad nito para makipagshake-hands.

"I'm Cassey, 16 years old, from Cebu." tipid niyang wika. Natawa naman si Joanne sa kanya. A typical probinsyana.

Simple, mabait, mahinhin, matipid sa salita at simple din ang ganda pero may dating. Ang ganda pa ng maitim at straight na straight na buhok nito. --> description ni Joanne kay Cassey.

Simpleng maarte pero mabait, madaldal, masayahin, friendly at napabilang sa middle class family si Joanne --> description naman ni Cassey kay Joanne.

"Napakainit na, Cass!" reklamo ni Joanne sabay punas sa mumunting butil ng pawis sa mukha. Tahimik lamang na napatingin si Cassey sa kanya walang reklamo.

"Hayaan mo na, at matatapos din to. Konting tiis na lang." at maingat na ngumiti. Si Joanne naman ay napatitig sa ngiting yon. Sa simpleng ngiti ang cute cute na nitong tingnan kaya di mapigilang kurutin ni Joanne si Cassey sa pisngi.

"Aarray..." tanging nasambit ni Cassey. Napahagikhik si Joanne.

"Cassey naman. Kahit sa pag sabi ng Aray ang lambing mo pa din" panunukso ni Joanne. Ngumiti ulit si Cassey sabay hila na kay Joanne sa pagpila. Tapos na silang mag fill-up ng  form.

At dahil pala kwento si Joanne hindi naging boring ang pag pila nila hindi nila namalayang malapit na silang tawagin. Dalawang studyante na lang ang nauna sa kanila at sila naman ang susunod. Pero paglingon niya sa likod ay mahaba pa rin ang pila. Natutuwa siya kasi malapit na silang matapos. Nang meron isang matangkad, mestizahin at ala-modelong studyante ang biglang sumiksik sa harapan nila. Sa madaling salita nang-aagaw sa pila. Parang walang paki-alam ang babae, taas noo pa ito habang palinga-linga na may hinahanap.

Maya-maya may isang babae na kasunod lamang ni Joanne ang hindi nakatiis at sinabihan ang babae. Maganda din ito at mestizahin, maputi at makinis ang balat at mas matangkad sa mataray na babae. Para itong doll, nabagay dito ang curly at mahabang buhok.

Only You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon