Chapter 8

34 0 0
                                    

Kinabukasan ay hindi nagpakita sina Darren at Sophia walang may makapagsabi kung bakit absent ang mga ito. Kahit ang pinsan nitong si Andrey ay walang naisagot. Gusto man niyang malaman ay wala siyang magawa. Ginawa na lamang niya ang nakagawian bilang isang istudyante para maka-iwas sa pag iisip. Ganun nga ang ginawa niya. Focus on her studies.

Nang sumunod na araw habang nasa canteen sila ni Joanne ay nasalubong nila si Darren at Sophia na magkasama. Masaya si Sophia ng araw na iyon at nang mapadaan sa gawi nila ni Joanne ay parang hindi man lang nag atubiling pansinin sila ni “hi” ay wala din. Parang hindi sila kilala.

 At ngayon lang naramdaman ni Cassey ang munting kirot sa puso niya. Ang sakit pala na isipin na hindi ka pansinin ng taong special para sa iyo. Ang sakit pala na masanay ka sa isang bagay tapos bigla na lang mawawala. OO inaamin niya, namimiss niya ang presensya ni James Darren na umaaligid sa kanya. Ang mga text at tawag nito sa kanya na ngayon ay wala na.

Tila nahulaan naman ni Joanne ang saloobin ni Cassey kaya nagyaya ito na lumabas na ng canteen na sinang- ayunan naman  niya.

Habang abala sa pagpili si Sophia sa mga pagkain sa Counter ay nagmamadaling sinulyapan ni James Darren ang mesa kung saan nandoon sila Cassey at Joanne. Pero nadismaya siya ng wala na ang mga ito roon. Nasasaktan siya, pag aamin niya sa sarili. Labag man sa loob ay kailangan niya iyong gawin. Kakayanin na lamang niya iyon kaysa gawin ni Sophia ang banta nito na kapag ipinagpatuloy nito ang kahibangan niya kay Cassey ay itutuloy nito ang banta. All he want is to protect her. At umaasa na dumating ang araw na hihinto si Sophia sa kahibangan nito. 

Napabalik tanaw si Darren noong gabing nagwala si Sophia. Inihatid niya ito sa kanilang bahay. As usual wala naman ang mga magulang nito for business trip sa ibang bansa. Kaya naiiintindihan niya si Sophia kung siya parati ang takbuhan nito. Na di naglaon ay umiibig na  pala ito sa kanya pero para sa kanya pagmamahal kapatid lang ang maisusukli niya dito na hindi naman matanggap ng isa.

“Kung hindi mo siya iiwasan, I will ruin her! Ipapa kick out ko siya sa School at alam mong kayang kaya ni Daddy na gawin iyon. Masasayang ang scholarship niya!” banta ni Sophia ng mga sandaling iyon. Hindi lingid kay Sophia ang background ni Cassey. 

“Will you please stop this nonsense, Sophia! Bakit ba hindi mo tanggapin sa sarili mo na pagmamahal kapatid lang ang maibibigay ko sa’yo. Mahirap bang intindihin yon?”hindi na mapigilan ni Darren ang paglakas ng boses. For the first time nawalan siya ng control sa sarili para kay Sophia.

 He was cool way back then. But not now, not until she met Cassey. For him kahit sa ibang tao it was a young love pero for him nakikita na niya ang future niya with Cassey. He want to spend the rest of his life with her. Tinamaan siya ng husto. He wanted to protect her and do everything para sa babaeng minamahal niya.

 “See, she changed you! Sinisigawan mo na ako ngayon…”maiiyak na nitong wika.

 “I’m s-sorry..” hindi na alam ni Darren kung ano pang paliwanang ang kanyang gawin.

“Alam kung someday magbabago din ang nararamdaman mo. Mamahalin mo din ako. Maghihintay ako kahit kalian basta mahalin mo lang ako Darren…please” pagmamakaawa nito.

 Ikinulong ni Darren ng dalawang palad ang mukha ni Sophia. Pinalapit ito sa kanya. Maganda si Sophia hindi niya maipagkaila iyon. Mas maganda pa nga kay Cassey kasi mas hamak na mestizahin si Sophia. Pero ang puso niya alam niyang nakalaan lang para kay Cassey. He was sure about it.

 “Just listen to me Sophia, someday matatagpuan mo rin ang right guy para sa’yo. And when that time comes you will realize that what I said is right.”

 “No!” giit nito. “Wala na akong ibang mamahalin na iba. You’re the right guy for me! Kaya gawin mong gusto ko kung ayaw mong magka problema. I’ll do everything wag ka lang mapunta sa iba!” giit ni Sophia. Nakikinita ni Darren na seryoso ito. Sophia will always be a spoiled-brat na lahat ng naisin ay masusunod.

At ngayon nga sinusunod na niya ito. Without knowing na nasasaktan na pala ang babaeng mahal niya.

Habang sa kanila naman ni Cassey at Joanne ay hindi mapigilan ni Cassey na mapaluha.

“Isang araw sinasabi niya ang mga katagang kahit sinong babae ay gustong marinig. Pero ngayon sa mga nangyayari parang hindi niya ako kilala. I guess, hindi talaga love ‘yon, di’ ba Joanne?”tanong niya sa kaibigan na tila sumasang-ayon sa kanya.

“Siguro ito ang makakabuti Cassey. May mga bagay na hindi dapat ipilit kung makakagulo lang o makakasakit sa atin. Siguro tama lang ang ginawa ni Darren. Or maybe in some point, pinoprotektahan ka lang ng lalaking mahal mo.” sabi ni Joanne kahit paano ay nakapagpagaan ang ito ng loob niya lalo na sa huling binanggit nitong salita na “mahal”

Oo, mahal na ata niya si Darren. Her special feelings for him grew deeper at ngayon nasasaktan na siya. Nasasaktan na ang batang puso niya.

“Napaka wrong timing ko naman Joanne?” sabi ni Cassey. “Nagsisimula pa nga lang akong ma inlove, may ending na kaagad.” malungkot na wika ni Cassey.

“Ganyan talaga friend. Be strong ka lang. Nandito naman kami hindi ka nag-iisa.” sabi ni Joanne.

Ganun nga ginawa niya. Hindi siya nag papa apekto sa mga nangyayari. Hinahayaan na lang niya na hindi siya pansinin nila James Darren at Sophia. Andyan pa din naman sina Joanne, Stella, Andrey at loiue…Masaya din sila kahit paano.

Si James Darren at Sophia naman umuuwi na kaagad after ng klase. Wala ng time ang mga ito na sumama pa sa kanilang grupo.

 Nakikita niya na kahit si James Darren lang ang kasama ni Sophia ay kontento na ito. Ganun talaga siguro kung mahal mo ang isang tao. Wala ka nang hihilingin pa kundi ito lang.

Tuwing makakasalubong niya si Darren ay hindi na niya hinintay na ito ang iiwas sa kanya. Siya na mismo ang umiiwas. Pero hindi niya mapipigilan ang tila tambol na tunog sa loob ng puso niya. Na sa tuwing makikita ito ay lalong nagpapalakas ang tunog na iyon. Minsan natatawa na lang siya sa sarili dahil kahit hindi man sila nagpapansinan o nag uusap makita lang niya ito ay masaya na siya at kinikilig pa. Masakit na masarap ika nga. Masakit, dahil naisin man niyang kausapin ito o pag laanan ng oras ay hindi niya magawa. Tila ba may pader na namamagitan sa kanila na gustuhin man niyang dumungaw sa pader na iyon ay hindi niya magawa. Dahil pag aari na ito ng iba. Masaya, dahil ito ang taong minamahal niya. Ang taong unang nagpatibok sa napakabata niyang puso.

“I’ll pretend I didn’t see you...i’ll pretend it doesn’t hurt inside…” sa isip ni Cassey habang tanaw sa malayo si Darren. And her eyes filled with tears.

Only You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon