Chapter 3

65 0 0
                                    

Hindi makatulog si Cassey.

Laging laman ng isip niya ay si James Darren. Hindi nga sila nag-uusap. Kapag magkasalubong sila sa hallway, sa ilang parte ng campus, o kahit saan. Hindi sila nagpapansinan. Bakit hindi mawala sa isip niya si JAmes Darren? At Bakit ganun na lang  kung makatitig ito sa kanya? Klase ng titig na nakakapagbalisa sa kanya.

Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa kamang hinihigaan ni Joanne. 

Nararamdaman ni Joanne si Cassey kaya napaharap ito sa kanya at nagtama ang kanilang paningin.

Hind ka rin makatulog?

Wala siyang mahagilap na sagot. O, alam niya ang sagot pero nahihiya siyang sabihin na ang dahilan ay ang kakaisip niya kay James Darren.

Pero agad namang nahulaan ni Joanne ang iniisip niya. Thinking about him?

H-Hindi a, bigla niyang sagot.

Defensive much, sabay ng nakakalukang ngiti. Don't deny. I know that feeling. Your blushing haha.

Kaya wala na siyang magawa but to tell Joanne what her thoughts about.

Ayieeeeeee, kinikilig na sambit nito. Nakita ko rin friend the way siyang tumitig sayo. Kung ako yun nako nakakamelt. Mukhang may gusto sayo si James Darren. Kinikilig na pahayag nito. Parang ang sarap paniwalaan ang mga sinasabi nito. Si James Darren may gusto sa akin? Unbelievable.

Tell me friend nagkaboyfriend ka na ba? biglang tanong ni Joanne na ikinagulat ko. 

Napailing si Cassey. Wala pa. honest na sagot ni Cassey. Ni wala pa nga sa isip niya ang pagboboyfriend. Kahit crush noong high school wala. Pero ngayon baka magkaroon na.

Then James Darren will be your first boyfriend. sabay kindat ni Joanne kay Cassey.

Hala, boyfriend agad? hindi pa pwede ang bata pa kaya namin. sabi ni Cassey na hindi maitago ang pagbablush.

Okay lang naman yan. Part of our teenage life. Ako nga naka dalawa na. Hindi nga alam nila mom and dad. So far okay naman. Wala nga formal break up. At hindi ko naman seneryoso.

Nagulat si Cassey sa revealation nito. Pero dumating ba sa point na umaasa ka na magkabalikan kayo? inosenteng tanong ni Cassey. Dahil pag siya ang tanungin mas gusto niya na ang magiging first boyfriend niya ay yun din ang makakasama niya habang buhay. 

Hindi naman. Wala lang yun at mga bata pa rin naman kami. But through my experiences naranasan ko din yung parang loka loka dahil nagseselos ako, nasasaktan sa mga stupid fights pero higit sa lahat naranasan ko maging masaya na parang wala ng bukas, simpleng pahayag ni Joanne. Nakatitig lamang si Cassey at napa-isip kasi habang tinitingnan niya ang paraan ng pagkwento ni Joanne nakikita niya paano magbago ang expresyon nito, may lungkot, may dissapointment, may kilig, may saya. Parang nag wonder siya kung siya kaya ano kaya ang magagawa niya when it comes loving a guy.

Alam mo friend ang love masarap pakinggan, madaling paniwalaan, pero kung hindi mo kayang panindigan, huwag mo na lang umpisahan kasi masasaktan ka lang sa huli. It take courage you know.. sabi nito sabay hikab. Napangiti si Cassey kasi at Joanne's age parang ang expert na nito sa mga ganung bagay. She could be a love guru.

Hehehe, mukha kang sira Cassey. Feeling mo naman mukha akong expert, sabi nito na natatawa at pinakita ang screen ng cellphone nito na nakalagay ang quotes ng sinabi nito kanina lang.

Only You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon