3RD PERSON POV..
MARCH 19, 2018
Araw ng sabado bumalik lahat ng Grade 10 students, para sa practice para sa kanilang nalalapit na 'completion rites'. Maagang sinundo ni Klint si Avieńir sa kanilang bahay upang sabay ng pumunta sa University nila. Maaga palang hindi na maipinta ang mukha ni Avieńir, at halatang may ini-inda itong karamdaman. Tinanong naman ni Klint si Avieńir kung ayos lang ba ito? , pero ang sabi nito sa kanya ayos lang sya. Kaya nag patuloy sila sa University nila.
Maaga pang nagsimula ang kanilang practice. At umaasa din si Avieńir na maaga din itong matatapos. Maya-maya nakakaramdam si Avieńir ng pagka-hilo, pero pinag papasa walang bahala niya lang ito.
Avieńir Pov
(Before Klint got to her house)"Ugh! Ansakit ng ulo ko! " daing ko habang pinipilit ko na bumangon sa pag-kakahiga. Maya-maya andito ma si Klint at susunduin niya na ako at sabay kaming pupunta sa University para sa 'completion Day' namin sa makalawa.
Kahit na masakit ang aking ulo at medyo masama ang aking pakiramdam kailangan kong bumagon at maligo. Para tamang-tama pag-dating ni Klint, im ready to go!
Pag-katapos kong maligo at mag-ayos ng aking sarili, bumaba na ako. Talagang mas lumala pa ang masama kong pakiramdam. Mag-aagahan na sana, ako nang maabutan kong si Ate Autumn naghahain sa kusina.
"Oh. Avie. Andyan kana pala? Halika dito at sabay na tayong mag-agahan" aya niya saakin.
A/n: 'Avie' Avieńir's nickname
"Umm Ate? Susunduin pala ulit ako ni Klint"sabay kong umupo sa hapag.
" Ahh. Ganun ba? Sige kumain kana at tamang-tama pagdating niya natapos kanang kumain" sabi niya saakin.
"May gamot kaba dyan para sa sakit ng ulo, ate?" Nanghihina kong sabi kay Ate.
"Umm. Titignan ko lang sa cabinet, bakit masama ba pakiramdam mo?" Tinapi niya ang kanyang kamay sa noo ko at sa may baba ko.
"masakit lang ulo ko ate" tugon ko
Umalis sandali si Ate para kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo ko. Tamang-tama naman na may nag door-bell, kaya pinag-buksan ko na lang.
At ang iniluwa nito ay si Klint, Then my heart pumps faster as ever, why everytime i saw this goddamn face, parang nahihipnotismo ako? Aysh!
"Good morning, Avie" nakangisi niyang bati. Shit! Heart, could you stop pumping like there's no tomorrow?
"Good morning din Klint, pasok ka" matamlay kong bati, sana naman hindi niya mahalata na may sakit ako.
"You look pail? Whats wrong Avie?" Nag-aalala nyang tanong.
"U-umm. Im fine Klint, dont worry about me" sige Avie mag deny kapa!
"A-are you sure?" Tanong niya ulit.
"Yeah, im sure" sagot ko.
At tamang-tama naman na lumabas si Ate mula sa Cr. May bitbit na gamot.
"Ito Avie ang-" di na natapos ang sasabihin niya nang nakita si Klint na nasa sala na. "Oh, good morning Klint andito kana pala?" Bati ni Ate.
"Opo Ate Autumn, andito na po ako para sunduin si Avieńir" sabi niya kay Ate.
"Ahh, Ganon ba? Nag agahan kana ba Klint? Kung 'di pa halika dito at sabayan mo na kami" aya ni Ate kay Klint.
"T-tapos na po akong mag-agahan kanina sa bahay po, salamat na lang sa pa-anyaya" parang batang nahihiya kumuha ng candy ang mukha ni Klint. Kahit kailan mahiyain talaga itong mokong nato kay Ate, parang hindi araw-araw pumupunta dito eh? Hahaha
'Sige kung ganon, Avie tapos kana bang kumain? Inum--- " di kuna pinatapos si Ate at nag paalam na sa kanya.
"Umm.. Ate, mauuna na kami. Ba-bye kita nalang tayo mamaya ulit." Nagmamadali kong paalam sa kanya.
"Halika na Klint" hinila ko si Klint patungo sa main door ng bahay namin.
Narinig kong may tinatawag si Ate mula sa loob ng bahay, hindi ko naman masyadong marining.
Chi'neck ko ang lahat bago maka layo sa bahay, ok naman.... ohmyyyyyy! Ang gamot ko! Pesti! Sa lahat ba naman ng makakalimutan gamot ko pa?! Crap!
"Shit!" Napamura ako ng mahina, kahit mahina yun alam kong narinig yun ni Klint.
"Anong problema Avie? At nagmumura ka dyan?" Confused is about to cover Klint's face.
"W-wala yun, just dont mind" seryoso kong tugon.
"O-okay" huling tugon niya.
Pagkatapos 'non ni isa saamin'di na nagawang mag-salita. Ako na may dinaramdam hindi ko na magawang mag-isip at kundi mag-focus sa pag-lalakad.
After 15 minutes of walking, nakarating din kami pareho sa University, marami na ang mga estudyante at Maya-maya mag i-istart na ang practice para sa completion.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa, dahil sa iba ang Section nya at iba din ang Section ko. Mamaya nalang kami ulit magkita after ng practice.
Habang nag pa-practice lalong suma-sama ang pakiramdam ko. Lalo lang akong mahihilo, Pero tini-tiis ko pa din. Kaya ko to! Malapit na din matapos ang practice at Maya-maya ako na ang aakyat sa stage.
Kunting tiis Avieńir! Kunting tiis!Noong tinawag na ang aking pangalan at noong akoy aakyat na sana sa stage, biglang lumabot ang tuhod ko, at mas lumal-lala na ang sakit ng ulo ko. Kumuha muna ako ng lakas mula sa haligi ng upuan na malapit sa akin. Kahit hinang-hina na ako pini-pilit ko pa ring maka-akyat sa stage.
Maya-maya tinanong ako ni Miss Arizza Roblez, kung ayos lang ako, Tango lang ang naging tugon ko, para sumasang ayon na ayos lang talaga ako, pero yung totoo hindi na. Gusto ko man lang maka-akyat sa stage kahit ngayon lang na practice palang.
Noon time na tinawag na ang pangalan ko.
"Our 1st honorable mention 'Avieńir Virgo La Motte' from Grade 10-A" sabi ng isang teacher na kunwari emcee. Halos hindi ko na mamukaan ang mga tao. Wait! What!? Bat biglang nag black-out?
Wala nakong paki, pinag-patuloy kong lumakad sa stage at halos wala na akong makita, lalong nanghina ang mga tuhod ko at mas nagdilim ang aking mga paningin.
"H-help m-me" huling katagang lumabas sa bibig ko. At naramdam kong bumagsak na ako sa sahig. Pero dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga school mates ko.
At ang huli kong naaninag, may papalapit saakin na lalaki, kilalang-kilala ko ito sa amoy at sa boses nya na hinihiyaw ang pangalan ko.
"K-Kli-int" huling katagang lumabas sa bibig ko. At tuluyan na akong nawalan ng malay.
YOU ARE READING
My First and Last
Short StoryA love story behind the library WHERE the two people argue with just one book.