MFAL- Part 2

1 0 0
                                    

Makaraan ang ilang mga araw pagkatapos ng nangyari samin sa Library, namataan ko nalang na lumipat siya ng ibang Section.

Oo nalungkot ako noon sobra! Pero ok lang din naman sakin at unti-unti ko nang tinatangap na hindi ko na siya kaklase. Pero may isang Subject na pareho kami ng teacher, kaya minsan nagme-merge ang aming Section sa Section nila.

Lumipas ang dalawang buwan,unti-unti na akong nasasanay sa atmosphere ng aming klase.simula lang naman pala ang paninibago, Hanggang nasanay na din ako. Madami na din akong mga kaibigan, sina Ivory Sanchez, Harvey Ibañez at Christian Karl Santos. Sila lang naman ang mga mabuti kong  mga kaibigan simula noong lumipat ako dito sa University na ito.

Pero minsan pinipili ko pa 'ding mapag-isa dahil mas lalo kong nakikilala ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-iisa at pag-mumuni-muni , at ang lagi kong tambayan ay ang Library, simula noong araw na naganap dito sa Library, palagi ko itong binabalik-balikan. Kapag break time o hindi kaya  kapag wala ang subject teacher namin,dito na ang aking tambayan simula noong mga araw na iyun. Ang Library din ang nag-silbing hide-out ko kapag nalulungkot o' di kaya may pinagdadaan ako.

Pero kahit ni isang araw di sumagi saakin ang babaeng yun, walang oras na hindi ko sya naiisip. Kung alam lang nung babaeng yun na araw-araw ko siyang hinihintay dito sa Library, kahit ni' anino lang naman niya sana makita ko kaso wala eh.

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Nagbabasa din ba kaya ito ng libro tulad ng inaasahan ko?

Yan lang naman ang mga katanungan na naglalaro sa aking isip. Kahit hindi ko kilala ang babaeng yun, alam na alam ko ang lahat na makaka-pagpatunay na siya nga ang hinahapap ko at ang babaeng Bumihag ng puso ko.

Sya ngayun ang dahilan kong bakit ako nagka-kaganto.

From now on, ill  call her 'Ms. Mysterious girl'

Friday 5:30 pm

Uuwi na sana ako,kaso mayroon talagang nag-uutos saakin na pumunta sa Library. Katatapos lang ng klase ko, at na pagisip-isip ko din na manghihiram na lang ako ulit nang bagong libro para sa boung weekend magbabasa lang ako.

Papasok palang sana ako nang may naririnig akong humihikbi, at parang pang babae ang boses na yun. At bigla na naman akong nakaramdam ng kakaibang pag-kabog ng aking dibdib. Isa lang naman ang tanging rason kung bakit ganito kaagad ang reaction ko.

Hindi pwede to!

Baka mali lang ako ng hinala?

Sana nga!

Ipinag-patuloy ko ang paglalakad patungo sa silid ng Library, at tama nga ako may babaeng umiiyak?

Oo babaeng umiiyak nga. Nilapitan ko siya at nang may nakapa akong panyo mula sa bulsa ko, agad ko itong kinuha at inabot sa kanya.

"Umm, oh heto!" Sabay abot ng panyo ko sakanya. Teka lang? Parang pamilyar ang kulay ng buhok nya? Sana nga siya na ito.

Sana nga sya itong babaeng kausap ko

Napa-igtad siya sa gulat, at tinganggap ang panyo na inabot ko sa kanya.
" *sneeze* sa-salamat* naka-yuko niyang tugon saakin.

Pagkatapos niyang punasan ang mga luha at sipon nya, tumingin sya sa gawi ko upang makita kung sino ang may ari ng panyo.

"IKAW?!" Gulat na sabi nya at halos ako magulat din sa sinabi niya.

"Pati ba naman dito sa paborito kong pwesto sa Library, may balak kapang mang-agaw? Ano na naman trip mo ah?" Medyo naiinis na sabi nung babae sakin.

My First and Last Where stories live. Discover now