I'm Klint Aerode Lakewood, a simple 22 year old guy. Who Studied at St. Luciana Monterial University.
And this day ikwe-kwento ko sainyo ang love story kong magpapakilig sa bawat kabataan ngayon at sa buong balat ng lupa, syempre joke lang yun mga pards .
Siya lang naman ang babaeng parang Amazona, na daldal ng daldal. Pero kahit na hindi maganda ang aming simula at hindi man maganda ang pakikitunguhan namin sa isa't isa noong una, hindi ko sya sinukuan kahit ganun siya. Ganun pa man 'di ko maipag kakaila na dahil sa ganoon niyang pag-uugali binihag niya itong pihikan kong puso, na kahit minsan hindi pa natutunan ang salitang PAGMAMAHAL, PAG-IBIG na sinasabi nila. Siya lang naman kauna-unahang babae na iniyakan ko at mga sanhi din ng aking mga kaligayahan. Siya lang naman ay si Avieńir Virgo LaMotte.--THROWBACK--
4th year high school ako noon sa St. Luciana Monterial University. Transferee ako noon sa University nayun, at dahil sa transferee natural lang na wala kapang gaano na ka-close o mga kaibigan lang man.
First day of school noon may isang naka-agaw ng atensyon ko, nawala ako sa aking ulirat noong nakita ko ang babae na pumasok sa classroom
namin. Tila ba tumigil ang mundo ko noong nagtama ang aming mga mata, at naka-ramdam din ako ng di maintindihan na kabog ng aking dibdib. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin nito.Maria Marimar! Ano itong nararamdaman ko! Bulong ko sa isipan ko.
Nagsimula na ang aming klase, at dahil First day of school, puro pakilala dito, pakilala doon, boung araw. Mukhang mahihirapan pa akong mag adjust sa new environment ko dito sa University, pero ang maganda dun unang araw ng klase may inspiration na kaagad ako.
Ikalawang araw ng pasok, at dahil maaga akong pumasok naisipan ko munang dumaan sa Library ng University na nasa ground floor lang. Balita ko pa nga noon kompleto daw ng mga libro ang aming Library, kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, hinanap ko na ang libro na aking hinahanap.
Pagpasok ko palang sa Library amoy babae na kaagad ang naamoy ko, nakaka-inlove ang amoy niya, sobra!Nakarating ako sa isang sulok ng Library, at alam kong hindi lang ako ang iisang tao na nasa loob ng Library na iyon.
Noong makarating na ako sa isang bookshelf na punong-puno ng mga sikat na 'novels' mula sa mga batikang manunulat noong sinaunang panahon, may nahalata ako na parang may tao sa kabilang bahagi ng bookshelf.
Noong kukunin ko na sana ang libro, may bigla namang humila sa kabila. Noong tignan ko kung sino ang nasa kabilang sulok, halos mapaigtad ako sa nakita ko.....
Hindi ako pwede magka-mali.....
Siya lang naman ang babae na nakita ko kahapon sa classroom? Anong ginagawa nya dito? May mga balak din ba sya sa mga libro dito? Sa mukha palang nya hindi makikita na mahilig pala ito sa libro, hmm. Siguro dahil sa mapag-laro si tadhana, tinadhana yata kami nito na parehong libro ang hinahanap.
AY TADHANA KALANG!
At yun nga nag-agawan kami sa iisang libro, at dahil sa makulit at pasaway ako. Kapag hinihila nya hihilain ko din hahaha at kung nakikita nyu lang yung sitwasyon namin ngayon sigurado akong magpipigil kayo ng tawa hahaha. Mukhang naiinis ko na sya at dahilan noon nag salita na sya.
"Ako ang naka-una, so back-off" banta nya.
"Ako kaya! kaya kung may plano ka na bitawan yang hawak-hawak mong libro?Bitawan mo na Miss" may bahid ng pang-aasar at sarcasmo.
"Nek-nek mo! Ako sabi naka-una eh!" Singhal nya. Mala-amazona pala toh haha
"Nah! Ako talaga naka-una Miss, kanina pa ako nandito ikaw yung mag back-off dyan" pang-iinis ko sa kanya
"Litsi ka! Kala mo kung sino ka ah!tsaka madami pa dyang mga ibang libro,dun kana lang mag hanap psh! Kala mo naman gwapo kung maka-asta na parang sino. Tsk." Pagtataray nya.
Binitawan ko nalang yung libro : ( paalam libro. Hanggang sa muli nating pagkikita.
Ay naku! Kung hindi ko lang Crush tong babae na to kanina ko pa--- anu?! Crush!? Itong bibig natu talaga napaka-makasasala. Kung ano-ano ang pinagsasabi.
Hayst!
"Bibitaw naman pala eh! Ang dami pang arte! Tss" natauhan ulit ako noong muli syang nag salita. Ang daldal din pala nito,mala-machine gun din yung bibig. Grabe!
"Kaya ko nalang binigay sayo Miss kasi baka maglupasay ka dyan ang magdadabog ng dahil sa libro lang, ay naku ayoko maakusahan ng child abuse Miss" halos mawalan naako ng hangin kaka-pigil ng tawa ko na kinana ko pa pinipigilan.
" Hmp! Letsi ka, bahala ka nga dyan naka-kabadtrip ka. Ang aga-aga panira ka ng araw ko" tatalikod na sana sya papunta sa pinto ng Library
" Ang sabihin mo Miss GWAPO! GWAPO AKO!" pahabol ko bago pa sya makalabas, nakita ko syang huminto at nag side-view ng kunti, kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi shit! Ang cute nya.
"Asa kapa!" At nag mamadaling tumakbo papaalis sa Library.
Napailing-iling nalang ako habang tini-titigan ko ang kanyang mga yabag papalayo at hanggang hindi ko na siya makita.At namalayan ko nalang na naka-ngiti ako na para 'bang wala ng bukas.
Taena toh! Ganito ba ang nagiging bunga kapag 'inlove' sa taong hindi mo naman ka kilala o ka anu-anu?
Para akong gago na pangiti-ngiti pagkatapos ng masaya at naka-pangiinis na eksina kanina namin nung babaeng yun. Bakit ba ako nakaka-ramdam nito?
At tuloyan ko nang nilisan ang silid na yun. At nagpatuloy sa pag-lalakad patungo sa aking silid.
Ay nako!
Pag-ibig na nga ba ito?
---------------
A/N:
Hello po! Ito na po pala yung 2nd work ko..... kaso 'one shot story' palang po, yan lang po kasi yung makayanan ng aking oras.hehe:)
Hanggang part 3 lang po at may special chapter po itong one shot story ko. Para maiba naman. HshshsSana po magustuhan nyu!
For more questions or updates please add nyo lang po pala yung FB. Acc ko.
(@SimonGezz. Com)
YOU ARE READING
My First and Last
Truyện NgắnA love story behind the library WHERE the two people argue with just one book.