Mission #23 : Q & A Portion

29 4 0
                                    

XYRA's Point of View

Kasama ko ngayon si Skyler dito sa balkonahe namin. Ewan ko kung bakit ko ba sinamahan toh.

Mag a-unwind daw siya pero hindi ko alam kung bakit.

"Xyra. . . may Stepmother ka ba?" Nagulat naman ako sa sinabi ng gunggong na toh.

Hindi ako nagulat sa tanong niya pero himala! Ngayon lang niya ako kinausap ng matino except dun sa nangyari sa resort noon.

"Wala, bakit mo naman natanong? May stepmother ka nuh?"

Bumaling ito ng tingin sa akin at di kalaunan ay tumingala ito sa maningning na langit at pinag masdan nito ang bilog na bilog na buwan.

"Sabi ng Mama ko noon. . . tumingala lang daw ako sa buwan pag namimiss ko siya dahil baka dun ko raw siya makita. . "

Naniniwala siya dun? Pero, pag sinabi ni Mama sa akin yun ay tiyak na maniniwala rin ako.

"Nasaan ba ang Mama mo?" Nang hindi siya sumagot ay napatikhim na lang ako ng labi dahil nababasa ko ang lung ano ang nasa iaipan niya ngayon.

Patay na ang Mama niya. . .

". . . Sorry, di ko alam." Pag hihingi ko nang paumanhin dito ngunit binulong ko lamang.

". . But i never saw her sa tuwing tinatanaw ko ang buwan, simula nang mag-kamuwang ako ay natauhan ako na never kong makikita si Mama sa buwan na yan."

"Hays, hindi naman sa buwan napupunta ang mga mahal natin sa buhay na pumanaw na. Namamatay lang ang pisikal na katawan nila pero hindi never silang nawala sa puso't isipan natin. Maging masaya ka para sa Mama mo dahil alam kong masaya siya kung nasaan man siya."

Ngumiti siya ng bahagya at tumingala muli sa buwan.

"Thanks for your advice, but i cannot stand this situation. Pft, ang drama natin."

"Yeah, you are right. Tara na sa loob at mahamog na dito." Pumasok na kami at puro mapanusong tingin ang sumalubong sa amin.

"Saan kayo galing? Ha?" Tanong ni Hyuree na may pahand gestures pa na 'IKAW HA'

Mga usisera't usisero pala ang mga kasama namin.

"Galing po kaming labas mga boss."

"Ahhh, boss pala ha? Uhm, Xyra can you please get the broom." Maarteng utos ni Hyuree.

"Anong klaseng broom? Kotse? Truck? Basta ba yung umaandar?"

"Hindi! Yung walis kasi!"

"Hindi mo pa nilinaw, pa english english pa kasi. Pwede namang ' Xyra, pakikuha nga nung walis' Naghihirap ka pa sa accent mong hilaw." Pag susungit ko dito at aba. . . ang mga tungaw nag sitawanan pero except kay Void syempre. Yan pa ba? Kailan ba tumawa sa joke ng iba yan?

Kinuha ko na yung walis at nag simula nang kontrolin yun ni Hyuree para gumalaw.

"Uyyy, di niyo man lang sinabi sa amin na mang kukulam yang si Hyuree."

"Hindi siya mang kukulam, marunong lang talaga kami gumamit ng spell." Pag papaliwanag ni Void.

"Nice, ang haba ng sinabi ahhh." Pakantang sabi ni Hyuree.

"So. . . alam naman na namin ang totoo niyong itsura, di niyo na kailangang itago." Gulat kaming napatingin kay Xavier dahil sa sinabi niya..

"A-anong--"

"Nakalimutan nga namin yung nangyari sa resort pero panandalian lang yun. Pero sorry nga pala sa bantaang nangyari dun ha? Wala lang talaga kaming magawa."

"So, ibig sabihin. . . naaalala niyo na lahat lahat?"

"Hyuree, pwede pakihabol muna ng diwa mo! Nakikipag habulan kay Spongebob eh." Inis na sabi ko.

T@ngina lang kasi! Lumilipad na naman ang diwa ng babaeng toh.

"Tama na nga yang pamimilosopo mo Xyra, ang importante dito ay alam na namin lahat." Kumindat pa sa akin si Skyler.

"Bakit kayo nag di-disguise as a nerd?"

Nagulat naman kaming lahat sa tanong na iyon ni Xyme. Hmm. . . papaano kaya namin mae-explain sa kanila ang sitwasyon namin?

"That's a part of our mission. Kaya kami nag di-disguise para mabawasan ang mga atensyon na makukuha namin but we're wrong, mas pinag kaguluhan kami because we are ugly. I thought ang mga tao ay malaki ang pinagkaiba sa mga phantoms na katulad namin. . . pero nag kamali ako. Kahit na wala silang kakayahang gumamit ng mga elemental powers na katulad ng sa amin may kakayahan pa rin silang manakit ng damdamin ng kapwa nila." Nakangiting sabi ni Rhianne pero mahahalata mo ang pag ka asiwa sa mga mata niya.

Nasa Phercia Chastria palang kami noon ay ayaw na agad niya sa mga tao. Ewan namin kung ano ang dahilan.

"Now we know, pero bakit nga ba kayo nasa PCIS?"

Nagulat kami nang biglang hampasin ni Void ang lamesa.

"It's non of your fvck!ng business." Cold na sabi nito at bigla na lang nag walk out.

"Anyare dun?"

"Di namin alam, halos lahat tayo clueless dito." Sabi na lang ni Rhianne at nag walk out din.

"Kayo rin ba balak niyo mag walk out?"

"Pft, g@go ka rin talaga Skyler ano?"

"Hoy Hyuree, bunganga mo masyadong malutong mag mura. May bata oh." Sabi ko sabay turo sa kapatid ni Skyler na si Air.

RHIANNE's Point of View

Sinundan ko si Void dahil medyo naging uncomfortable ako kanina sa usapan namin. Di naman siguro tama na malaman nila lahat lahat.

"Ba't ka naman biglang nag walk out?"

"Nothing, i just felt like it." As usual pag may ginawa siyang hindi niya alam kung bakit niya ginawa ay yan ang sagot niya.

Gets niyo??

"Wag mo nang itanggi, naguguluhan ka nuh? Ba't ayaw mong sabihin sa kanila kung bakit tayo nandoon sa PCIS?"

"Ayoko lang. . . natatakot ako na baka pag sinabi natin sa kanila yun ay mapahamak sila. Walang nakakaalam kung bakit tayo nananatili sa eskwelahan na yun."

Ehhhh?

"Bakit nga ba? Ikaw ba alam mo? Diba dahil kay Wayne kaya tayo nananatili dun?"

"Nope, hindi lang yun. Nandoon mismo sa paaralang yun ang sagot sa lahat ng mga nangyayari sa Phercia. Si Zin, ang misyon niyang talaga ay tulungan tayo sa pag hahanap ng other half natin pero wala namang sinabi ang propesiya sa panaginip natin kung anong klaseng bagay yun, or kung sino ba?" Ang haba ng sinabi niya.

Achievement siguro yan ngayon sa chapter na toh.

"Then, mag paturo tayo sa Papa mo."

"Papa? May papa ba ako?"

Hays, yan na naman siya sa pagiging nega niya.

"Of course, papaano ka naman nabuo, aber? Kung wala ang Papa mo?"

"Shut up, hindi mag papakita sa atin yun. Puro pasarap lang ang inaatupag nun sa tahanan niya. If he truly care about his land then maybe he should help us noon pa lang. Pero ano? Hinayaan niyang umabot dito ang sitwasyon."

Kung alam mo lang talaga ang tunay na ginagawa ng Papa mo. . . Hindi mo masasabi yan.

Phantom In DisguiseWhere stories live. Discover now