Mission #24 : Your Lips Is Your Most Delicious Specialty

40 5 0
                                    

Hyuree's Point of View

Mga ilang araw na rin ang nakalipas simula nang makituloy ang mga heartthrob ng campus namin dito sa bahay at mukhang wala pa silang balak umuwi sa kani- kanilang bahay.

Masaya naman silang kasama at hindi na kami ilang sa isa't isa tuwing mag kasama kami.

Alam niyo naman kasi ang naging simula ng pag kakakilala namin sa kanila.

Hindi naman sila ganoon kasama. Ewan ko lang kung bakit trip nilang mang bully.

"Hyuree, pwede mo ba akong tulungan dito sa pinapagawa ni Mrs. Santiago? Medyo mahirap kasi." Pakiusap ni Light at itinuro ko sa kanya ang proseso kung papaano maso-solve yun.

"Gets mo na?"

"Hindi pa rin ehh, tara nga sa library at mag search tayo ng tungkol dito."

"Ha? Wait lang, ano kasi. . . mag lilinis pa ako ng kulungan nung mga alaga ni Void."

"Don't worry, ginagawa na ni Void at Xyme yun. Tara na, samahan mo na ako."

No choice kundi ang samahan siya dahil hinatak lang naman ang kamay ko.

Hays, makulit rin pala ang gunggong na toh.

"Ano ba yan, ba't wala naman dito yung hinahanap natin?"

"Ewan ko, tyaka di naman kailangan ng mga phantom ang libro tungkol diyan." Inilabas ko yung lense na pag sinuot mo ay makikita mo ang solution at ang sagot.

"Eto ohh, itago mo yan ha? Mahirap daw gawin yan sabi ni Hiroshi." Nakangiti ako sa kanya habang iniaabot yung lense na ibinigay sa amin ni Hiroshi.

"Uhh. . .by the way, sino nga pala si Hiroshi?"

"Siya yung kapatid ni Void, walang kambal yun at hmmm. . . siya ang mahilig gumawa ng mga device sa kanilang pito." Bigla na lang akong siniringan ng mata ni Light na parang animo'y nag tatampo na ewan.

Mga lalaki talaga, di ko sila ma-gets.

"Hehe, tara na nga. Wag mo na lang muna sabihin kila Void na ipinahiram ko yan sayo dahil baka. . . a-asarin lang nila tayo."

(-////-;)

Ba't parang ang defensive ko ngayon? At bakit ako nag ba-blush?

"Wala namang mali ahh? Tyaka, close naman na tayo ehh? Anong masama dun?" Pacool na sabi nito with hand gestures pa.

"H-haha, oo nga naman? Ano nga bang mali dun? Tara na nga! Dinadaldal mo lang ako eh."

Umalis na kami ng library at sumepre ako. . tumulong na sa gawaing bahay.

Kasalukuyan akong nag kakabit ng bagong kurtina at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natapilok ako sa tinutungtungan ko at. . .

Wait, ba't hindi matigas ang binagsakan ko? Ehhh? Or baka naman nag react lang ang power ko at bigla na lang akong lumutang?

"A-ayos ka lang ba?"

Teka? Sinalo ako ni Light?!

"Oo, pero ikaw ang nabagsakan ko kaya ayos ka lang rin ba?"

"Oo naman, isang magandang babae ba naman ang bumagsak sa akin ehh."

Anong binubulong bulong nito? Hays!

"Ahh, buti naman. Tara samahan mo ako sa kusina iti-treat kita ng specialty ko."

Para namamg aso itong sumunod sa akin at pinanood lang ako nito habang ginagawa ko ang ice cream cake.

"Anong flavor yan?"

"Red velvet, nung nasa mundo pa kami ng mga phantom dati ay ito ang madalas kong ipinanglalaban ko sa mga contest na sinasalihan ko pero swerte minsan kasi nananalo ako."

"Sino unang nakatikim niyan? Ikaw ba?"

"Maniwala ka man o hindi, si Hiroshi ang unang nakatikim. Paano daw pag may lason? Edi daw siya ang unang mamatay para lang sa akin. Hahaha, minsan di ko siya gets ehh."

"Anong ibang specialty mo na hindi pa natitikman ni Hiroshi?"

Putspa! Author nakaka GM naman ang sinasabi ni Light.

"Ahh eh ano. . . lahat natikman na niya ehh."

Bigla siyang lu.apit nang lumapit at ako anman umaatras na.

"H-hoy! W-wag kang lalapit! Sisigaw ako!"

"Pft! I guess meron pang hindi na titikman si Hiroshi." Lumapit pa siya sa akin at trinap niya ako sa mga bisig niya.

"A-an--"

"Ito." Sabi nito at bigla na lang akong hinalikan.

Jusko! Marimar! Ang aking labi! Hindi pag kain yan! Ilaw na ito!!!

"Your lips is your most delicious specialty at sinisiguro ko na ako pa lang ang nakakatikim niyan." Umalis na siya at ako naman ay nang lulumong napa upo sa sahig.

Ayoko pa rin talaga sa ungas na yun!!!!

LIGHT's Point of View

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis pag binabanggit niya ang pangalan ng lalaking yun.

Bakit nga ba ako naiinis? Bakit ang sobrang bilis at sobrang lakas ng tibok nitong puso ko kanina nang halikan ko siya?

Madami na akong nahalikang babae pero. . . hindi pa naman tumibok ng ganito ang puso ko.

"Hoy, Light ba't para kang tungaw diyan? Kanina ka pa tulala at nakahawak sa labi mo."

Buset namang Skyler toh, panira ng moment.

"Wala ka na dun, kung gusto mo halikan mo rin si Hyuree--"

"Hep hep hep! Men, easy lang! Anong halikan si Hyuree? Tungaw ka na talaga! Si My loves lang ang hahalikan ko ano."

"Sino namang 'My Loves' yan?"

"Hahaha, secret. Pero sure ako! Mahilig siya sa green."

Secret, secret pang nalalaman. Buset talaga! Nakita pa akong nakahawak sa labi ko ehh.

"Ewan ko sayo Skyler, diyan ka na nga." Iniwan ko na siya at pumunta na lang akong sala at. . . .

Naka upo si Hyuree sa sofa habang namumula at hawak hawak ang unan.

"Whaah! Hinalikan talaga niya ako?! I can't believe it! Jusko, pero in fairness first kiss ko yun at siya lang ang nakakuha! Hay naku talaga, pero aaminin ko na medyo masarap siyang humalik! Medyo lang naman."

Natawa ako habang pinapanood ko siya kaya napalingon siya sa gawi ko.

"Hoy, narinig mo ba lahat ng sinabi ko?!"

"Hmmm, ano bang sinabi mo? Na, masarap akong humalik?"

Naiinis naman itong lumapit sa akin at kinuwelyohan ako.

"Pwe! Hindi ka masarap humalik mister! And for your information! Ba't mo narinig yun eh ang hinahina na nga ang boses ko?!"

"Anong mahina? Halos sumigaw ka na nga ehh. By the way ang cute mo palang mamula. I like the way how you blush." Mas lalo namang namula ang mukha niya at umiwas na lang ito ng tingin.

Tss, parang bata.

° ° °

Hey mga bro! Tyaka ko na lang ihahabol ang three chapters na natitira pag. . . may time! Geh, bye bye! Sana matapos ko na agad ang tatlong mga chapter na iyon!

Phantom In DisguiseWhere stories live. Discover now