Mission #26 : Live Battle

24 2 0
                                    

XYRA's Point of View

Gusto ko nang matulog pero may nararamdaman talaga ako na may masamang mang yayari.

Di ko alam pero, siguro makakawala yung alaga ni Void tas kakainin nila si Sky.

Para sa akin, di naman masamang pangyayari yun. Mas mabuti pa nga yun ehhh para mabawasan ang mga hambog sa mundo. Charing charing lang, di naman ako ganun kasama para hilingin na mangyari yun.

"Xyra, ba't gising ka pa?" Ani Rhianne habang sila Void naman ay nakasunod sa likuran niya.

"Kasi di pa ako tulog malamang. Tyaka kayo, ba't nandito kayo sa baba?"

"Kase wala kami sa taas. Obvious naman diba?" Epal talaga tong si Hyuree.

"Kanina pa kasi namin feel na may nag mamasid sa atin kaninang umaga. Naninigurado lang kami na safe tayo." Pag papaliwanag ni Rhianne.

"I think the princesses are too late. Nakapasok na kami sa bahay niyo by using our teleportation."

"Alam ko, bobo. Wag kang tanga, halata ngang ginamit niyo ang teleportation niyo diba? Di niyo nga ginamit yung pinto ehh." Nakuha ko pa ring mamilosopo kahit na may kalaban sa loob ng bahay.

"Are you the princess of philosophy?" Natatawang tanong nito.

"Hindi ako ang prinsesang tinutukoy mo Mister na bobo, dahil ako ang prinsesa ng Enchanted Forest na mas kilala bilang Prasinos Kingdom."

"Tch, puro dada. Ba't di na lang nating simulan ang laban?"

"What if we don't want to?" Sa wakas at nag salita na rin si Void. Akala ko tinahi na bunganga niya ehh.

"Let me cast some spell para makagawa ako ng barrier na nakapalibot sa buong mansyon." Suggest ni Hyuree kaya nag chant na siya.

"Εγώ η πριγκίπισσα της øçęænå έριξε ένα ξόρκι για να προστατεύσει αυτό το αρχοντικό" Nagkaroon ng magic circle sa inaapakan niya na patunay na ito ang sentro ng buong barrier na ginawa niya.

*wooshiing~*

Rinig ko ang pag sabay sabay na wasiwas ng mga espada ng kalaban.

Isa isa silang umatake at may isang tanga tanga na nakasagi ng lamesa kaya ayun, napaluhod sa sobrang sakit.

*clang-clang*

Nang mag tama ang hawak na kawali ni Hyuree at yung epsada ng isa sa mga kalabang ay gumawa ito ng napakalakas na ingay. Nag echo pa talaga sa loob ng bahay.

"Sa iba ka naka focus Prinsesa Frixialle." Pag papapansin ng kalaban kong kamukha ni Cell ng Dragon Balls.

"Kaya kitang talunin kahit nakapikit." Sabi ko rito at tinapos ko na siya agad gamit ang Nature's Fist na itinuro pa sa akin ng Kuya ko.

"I summon the Shadow of the Missing Souls!" Biglang sigaw ni Void at bigla na lamang nagsiputukan ang mga ilaw.

Pero, ano daw? Shadow of the Missing Souls? Isang curse technique ang isang yan. Ang huli at unang gumamit niyan ay si King Cyrus na Lolo ni Rhianne at kalaunan ay namatay din daw ito dahil hindi na niya nakayanan ang impact nig curse spell.

"Void! Kung ano man yang plano mo! Please wag mo nang ituloy! May oras pa para mapigilan mo ang technique na yan!" Sigaw ni Rhianne habang nakatingin na lamang siya kay Void.

"Pasensya na pero buo na ako desisyon ko na gamitin toh. Ito na lang ang natitirang paraan para maubos sila."

Ramdam kong determinado si Void sa gagawin niya kaya suporta ang ibibigay ko.

Phantom In DisguiseWhere stories live. Discover now