(Lol this is gonna be long and it's in Filipino, so ye bear with me)
Parang alam ko na yung dahilan
Kung ba't ako nasasaktan,
Madali lang ang kapaliwanagan,
Isa lang namang batas ng agham na dati nating napag-aralan,Bumalik siya sa utak ko habang iniisip kita,
Yung mga ngiti mo na ang ibig sabihin ay nakapagtataka,
Yung pinaparamdam na ako sa'yo ay napakahalaga,
Na kahit hindi naman sa akin nakalaan talaga.Isang leksyon sa physics, isang subject na hinding-hindi ko maiintindihan,
Katulad mo, at mg aking nararamdaman,
Sa dalawa ay wala na akong maintindihan,
Pero parehong ang leksyon na yun at ikaw ay hindi maalis sa aking isipan.Pero eto na ipaliliwanag ko na,
Naaalala mo pa ba yung law of attraction, ha?
Yung unlike poles attract, timog at hilaga,
At like poles repel, ganoon yun, di ba?Anong kinalaman nun sa ating dalawa?
Madali lang, isa kang hilaga,
Yung itinuturo ng compass, yung laging ine-emphasize sa mapa,
Yung dulo ng magnet na lagi lang humahabol sa timog na siya.Pero kung itatanong mo sa akin kung ano ako,
Eto ang isasagot ko:
Isang hilaga din ako,
Ngunit hindi timog ang habol ko,Kundi ikaw, na ginawa kong magnet ng buhay ko,
Pinipilit ko sa sarili kong magkaiba tayo,
Na masyado tayong magkaiba sa isa't isa, ibig sabihin, hindi magtatagpo,
Ngunit bakit kapag dumadaan tp sa isip ko napapagtanto ko kung gaano tayo ka pareho?Pumupunta siya sa'yo kapag namomroblema siya,
Kapag ang lahat ay di niya na kaya,
At ikaw gagawin mo ang lahat para siya ay mapasaya,
Kahit kalusugan mo pa o kahit edukasyon mo pa ang nakataya.At ganoon din ako, kapag ikaw naman,
Nakikinig ako kapag ako ang iyong nilalapitan, Alam mong ayaw kitang nakikitang nahihirapan, Kaya okay lang sa akin na ako yung ginagawa mong panakip-butas, o hindi naman, katatawanan.
Doon tayo magkapareho, ayos lang sa atin ang masaktan,
Basta yung mahal natin ay ating matulungan,
Kasi yun yung nagpapasaya sa atin, ang makita silang masaya, at maayos ang kapakanan,
Sila ang uunahin, kahit pagod na, at nahihirapan.Hindi ko din minsan gets yung sarili ko,
Kung bakit nagseselos pa rin ako,
Sa tuwing nakikita mo siya, sa ere ay iniiwan mo ako,
Lalo na pag nararamdaman kong importante na ako sa'yo?Pero nasasaktan ako ma hindi ka niya pinahahalagahan,
Hindi niya nakikita yung sakit sa mga mata mong pagmamahal sa kanya ang nilalaman,
Hindi niya gusto ang pag-akbay mong hindi na pangkaibigan,
Hindi ka niya mahal, sinasayang niya lang ang iyong nararamdaman.Hindi ko hinihiling na sa akin ka mahulog,
O na pumayag kang maging aking timog,
Ngunit tandaan mo lang nandito akong sasalo sa'yo kung ika'y mahuhulog,
Na iniisip ka hanggang pagtulog.Na nag-aalala kapag sa akin, hindi ka sumasagot
Ang iyong nagiging tagapulot.
Yung tinatawag mong "putot",
Yung nangungulit sa'yo hanggang hatinggabi, at kawalan ng tulog ang dulot.Ngunit alam kong hindi mo ito binabasa,
Kaya titigil na lang ako sa paghahabol sa kapwa kong hilaga,
Hindi na kita kukulitin, hindi na ako magsasabi sa'yo ng kahit anong hindi mo kailangan mong malaman, sinusukuan na kita,
Dahil alam kong sa'yo, hindi ako magiging mahalaga.At kahit pa nababasa mo,
Wala na akong pakialam, kasi hindi ka rin naman magbibigay ng oras para lang basahin ang kabuuan nito,
Hindi ka nagbigay ng pakialam sa nararamdaman ko,
Kaya tinatapos ko na ang katangahan ko bilang isang marupok dito.Wag mo na akong kulitin,
Wag mo na akong bigyan ng false hopes na ako rin ay kaya mong mahalin,
Kasi ako lang naman ang nasasaktan sa atin,
Wag kang mag-alala, hindi pa tapos dito ang pagkakaibigan natin.
YOU ARE READING
Letters I Will Never Send You
PoesieLove, A lot of my thoughts you have crossed, The sane part of me got lost, Your eyes have been the subject of my poems, The lingering darkness inside you roams, Your sweet words take me, Slowly and silently, Moving through my life, like a dark...