Trishia's POV
Have you ever lied? Have you ever asked yourself why you were born in this world?
What's your purpose?I don't know how many times have I asked that question to myself. Until now, I still got no answer.
My existence is a mistake.
My parents died because of me. I tried to end my life too, but here I am, still alive and kicking.
Maybe god's still wanted me to suffer. Wanted me to pay for my sin."Kailangan mo ba talagang gawin 'to? You know I can pay--"
"Ayoko. Ang laki na ng utang ko sayo. Ayoko ng dagdagan pa 'yon." Putol ko kay Sean.
He's my saviour, or maybe not. Siya 'yong nagligtas sa akin noon n'ong sinubukan kong magpakamatay.
I'm thankful for him, at the same disappointed, because of him I have to live the hell life of mine again."Bumaba na 'yong grades mo, paano kung babagsak ka dahil sa part-time job na 'yan?"
Inubos ko ang pagkain ko at uminom ng tubig.
"Wag kang mag-alala, kaya ko 'to."
***
"T--teka, ito lang 'yong sweldo ko? For two weeks?"
Hindi makapaniwala kong tanong.
"500?"
Napatawa ako ng mahina.
"Nagbibiro po ba kayo?"
"Bakit? Pasalamat ka, binigyan pa kita ng sahod. Sobra pa nga 'yan, kung hindi mo pinamigay ang mga tinapay sa mga bata minsan kinakain mo. Lagi ka pang late kung pumapasok."
Aish.
Napahawak ako sa batok ko.May nilagay bang cctv ang matanda na 'to dito?
"K--kahit na. Kulang pa rin 'to ng 1500. Dapat--"
"1500? Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo kung hindi dahil kay Sean tatanggapin kita rito? Pasalamat ka at naaawa pa ako sayo."
Padabog niyang nilapag ang pera sa mesa.
"Magtrabaho ka na!"
Kinuyom ko ang kamao ko. Dinampot ko ang isang tray ng tinapay at lumabas ng bakeshop.
"Saan ka pupunta? Ibalik mo 'yan dito!"sigaw niya
Hindi ko siya pinansin.
"Mga bata, gusto niyo bang kumain?"
Tawag ko sa mga bata na nakaupo sa gilid.Nag-unahan na tumakbo sila papunta sa akin.
"Teka, anong ginagawa mo?"
Isa-isa kong binigyan ang mga bata. Sinubukan niyang agawin sa akin ang tray pero nilayo ko ito sa kanya hanggang sa maubos ito.
"I--ikaw-"
Ngumiti ako nang mapang-asar at tinaasan siya ng kilay.
Pumasok siya sa loob at galit na hinagis sa kalsada ang bag ko."Umalis ka na dito! Wag ka ng babalik! Wala kang utang na loob."
"Utang na loob?"
Napangisi ako at pinulot ang bag."Wag kang mag-alala, balak ko naman talagang umalis sa nakakadiring bakeshop na 'to eh."ani ko.
Lumapit ako sa kanya.
"I wish you well Mr. Go. Live a long life until you paint your own feces on the wall." Sarcastic kong saad.
Lalong namula ang mukha niya sa galit.
Oldhag.
BINABASA MO ANG
L I E S
Teen Fiction"Don't cry. Seeing your tears makes me wanted to protect you even more." -Klent WARNING! Plagiarism is a crime. This is originally written by your own GDlady. Alright reserved @2020