Chapter 2: Lies

25 4 13
                                    

(Klent Rui De Guzman❤)

Trishia's POV

Napapikit ako nang mapansin ko si Lisa na tingin ng tingin sa akin. Binaba ko ang hawak kong ballpen.

"Speak."

Mabilis pa sa alas-kwatrong umusog siya sa palapit sa akin.
Chismosa talaga.

Alam kong kanina pa niya ako gustong tanungin tungkol sa nangyari kanina sa cafeteria eh.

"Magkakilala ba kayo ng Klent ko? Ano 'yong pinag-usapan niyo kanina? Bakit nasa iyo ang bag niya?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Wag mong sabihing-" nanlaki ang mata niya at napatakip sa bibig.

"Wag mong sabihing alipin ka niya?"

Napa-pokerface ako. Mahina ko siyang pinitik sa noo.

"Sa tingin mo ba papayag akong maging alipin ng duwag na 'yon? Tss. Makinig ka na lang. Baka mahuli pa tayo ni sir. Ayokong pumunta sa harapan at sagutin ang mga tanong niyang mukhang galing sa ibang planeta."

Binalik ko ang tingin sa harapan.
Math subject namin ngayon kaya focus na focus ako sa pakikinig kahit wala naman talaga akong naiintindihan.

Wala na kasi yatang pag-asa na magkakasundo kami ng math na 'yan.
Since birth, 'yan na 'yong mortal enemy ko eh.

"Okay pero kwentuhan mo ako mamaya huh. Hindi ka makakauwi hangga't hindi mo sinasabi sa akin lahat."

**

"What?"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya nang bigla siyang sumigaw. 'Yong ibang estudyante napatingin na sa amin.

Hinampas niya ako nang malakas sa balikat.

"Bakit mo ginawa 'yon? Paano kung nabaril ang baby Klent ko? Kaya mo bang ipa-Belo ang mukha niya kapag nagkaroon ng peklat? O ang mala-porcelana niyang balat? Paano kung--"

"Buhay naman siya eh. Hindi naman siya namatay, diba? Isa pa, sino bang kaibigan mo dito, huh? Hindi mo man lang ba ako ku-kumustuhin?"
Balik kong tanong.

Pinalibot niya ang kamay niya sa braso ko.

"Syempre ikaw. Kaya lang si Klent 'yong magiging asawa ko. Hindi pa nga kami kasal magiging widow na ako. Sakit no'n, diba? Gusto ko pang magkaroon ng anak sa kanya."

Napailing ako sa narinig.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at nagsimulang maglakad.

Paano ko ba naging kaibigan ang babaeng 'to?

"Trish! Teka, wag mo akong iwan dito!"

Pagdating ko sa bahay, isang sticker note ang nakita ko sa may mesa.

"I won't be home for dinner. Wag mo na akong hintayin."

Bumuntong-hininga ako. I guess, kailangan ko na namang kumain mag-isa.

Isang architect si Sean kaya madalas sa office siya natutulog.

Wala akong alam tungkol sa pamilya niya.
Mula ng magmulat ako sa hospital, at tumira sa bahay na 'to. Wala pa akong nakitang kamag-anak niya na pumupunta dito. Ayoko naman siyang tanungin. If he wanted to tell me, he will. No need to asked.

Pumunta ako sa kwarto at nagbihis. Short na hanggang tuhod at over-sized t-shirt.
I don't like skirt or short shorts kaya kahit isa wala ako niyan sa closet ko.

Gaya nga ng sinabi ni Lisa, I'm a boyish type pero purong-babae ako ah. Ayoko lang talaga ng mga girly clothes/fashion.

Tinali ko ang buhok ko saka bumaba.

L I E S Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon