Chapter 4: The Mysterious Guy at The Ball

139 7 2
                                    

Nakakatuwa ang venue kung saan ginaganap ang Masquerade ball. Sa may malawak na track and field area sinet-up ang bonfire. Lahat ay may suot na maskara talaga at ang mga babae ay nakasuot ng gown. Ang mga lalaki naman ay nakatuxedo at Amerikana. Pakiramdam ni Allison ay napadapad sya sa isang Royal Party.

Tinangkang hanapin ni Allison kung saan naroroon ang mga kaibigan niya pero dahil maraming tao ay hindi niya makita ang mga ito. Hindi rin naman niya matawagan o matext ang mga ito dahil nakalimutan niya ang cellphone niya sa bahay nila.

Maya maya pa ay pumailanlang na ang musika. May mga mangilan ngilan ng sumasayaw palibot sa malaking bonfire na sadyang pinagawa para sa gabing iyon. Kung tutuusin ay napakaromantic ng dating ng lugar. Bilog na bilog ang buwan habang nagsasayaw sa gitna ng bonfire sa saliw ng awitin.

Kinilibutan si Allison sa naisip. Hindi naman siya fan ng romantic venue. Mahilig siyang magbasa ng mga romantic stories but she never applied them to herself. Nagulat siya nang may biglang humawak sa kamay niya. Namalayan na lang ni Allison na nasa gitna na rin siya at sumasayaw kasabay ng iba. Enjoy naman kaya hindi na siya umalis. Ayaw din naman niyang masabihang KJ kahit pa alam niya na hindi naman siya nakikilala ng mga ito. Napagpasapasahan na din siya ng mga kasayaw niya. Ilang ikot na din ng pagpapalit ng kapareha ang nagawa niya. Medyo napapagod na siya sa pagsasayaw pero ayaw naman niyang umalis sa dancefloor. Hindi na niya namalayan ang oras. Hanggang sa isang matangkad na lalaki na ngayon ang kasayaw niya. Tulad niya ay nakamaskara din ito. Hindi niya masyadong maaninag ang hitsura nito pero hindi niya maintindihan kung bakit kakaibang kilabot ang hatid ng kamay nitong nakahawak sa bewang at kamay niya.

Naalala niya tuloy bigla si Rain. Kasing tangkad siguro ng binata ang kasayaw niya ngayon. Pero imposible naman na si Rain ang kasayaw niya dahil masyadong maraming tao at imposibleng makita siya ng binata at makilala dahil nakamaskara siya. Hindi rin naman siya sigurado kung pumunta ito sa Masquerade Party na iyon.

Dahil malalim ang iniisip ay nagulat siya nang biglang tumunog ng malakas ang isang bell. Iyon ang hudyat na alas dose na. Napansin ni Allison na tumigil na din sa pagsasayaw ang mga kasabayan niya at ngayon nga ay tinatanggal na ng mga ito ang maskara ng bawat isa. Napatingin si Allison sa lalaking ngayon nga ay nakatitig sa kanya. Aabutin sana niya ang maskarang suot nito para tanggalin pero pinigilan siya nito at walang sabi sabing iniwanan siya habang nagkakasayahan ang iba.

***

Natapos ang Foundation Week. Almost one month na ang nakalipas. Back to normal ang lahat kaya naman nangangarag na din si Allison sa dami ng mga projects niya. Subalit kapag nag-iisa siya sa hindi niya maiwasang isipin ang misteryosong lalaking nakasayaw niya at kapareha pagpatak ng alas dose ng gabi.

"Para naman siyang si Cinderella kung umasta. Ni hindi man lang tinanggal yung maskara niya. Ang arte. Siguro chaka ang hitsura niya kaya ayaw niyang magpakita" bulong ni Allison sa sarili habang nasa library at nagrereview para sa quiz nila.

Hindi niya naikwento sa mga kaibigan ang nangyare noong gabi ng Party. Alangan naman kasing sabihin niya na nakilala at nakasayaw niya ang male version ni Cinderella. Pagtatawanan lang siya ng mga ito.

"Bakit ko nga ba naman kasi pinagaaksayahan pa ng panahon na isipin yun? Mamaya mazero pa ako sa exam namin." Kibit balikat na sabi niya sabay tutok sa librong binabasa niya.

Napaangat siya ng tingin nang may biglang umupo sa tapat niya.

"Rain" gulat na sabi niya. Hindi niya ineexpect na makikita ang binata dito. Sa loob ng isang buwan ay wala siyang naging balita dito. Hindi rin ito nagpapakita sa kanya kaya iniisip niya na nagtampo nga talaga ito sa kanya.

"Magpapaalam na ako" anito.

"Ha? Saan ka pupunta?" Hindi maintindihan ni Allison ang gustong ipahiwatig ni Rain. Kauupo lang nito pero magpapaalam na din agad?

"Magtatransfer na ako ng school. My family decided to live abroad." Paliwanag nito.

"Ha? Bakit bigla bigla naman yata? Saka fourth year ka na diba?"

"Well, settled na daw ang lahat. I already talk to the Dean. Naayos ko na mga transfer papers ko."

Hindi naman alam ni Allison kung ano ang sasabihin. Nakatingin lang siya kay Rain.

"Well, i thought you just want to know. Kahit papaano naging magkaibigan din naman tayo. Sige. Take care always. Wag nang tatanga tanga. Sa susunod wag ka na magpapahuli ulit" nakangiting sabi nito at tuluyan nang nawala sa paningin niya.

Kung gaano ito kabilis dumating ay ganun din ito kabilis nawala. Gusto pa sanang habulin ni Allison si Rain pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin dito.

Nalulungkot siya sa nalamang aalis na ang binata pero sino ba naman siya para magkomento. And besides, sa kanya na din nanggaling na hindi naman sila close kaya hindi obligadong magpaalam sa kanya ang binata.

What the heck pero nalulungkot talaga siya! Isinara nalang niya ang librong binabasa at isinubsob ang mukha sa lamesa. Hindi rin siya makapagconcentrate sa pagrereview.

Malungkot siya. Tapos!

***

Author's note:

Rain!!! Wag mo akong iiwan! hehe paepal lang.

NP: "Tulak ng bibig, kabig ng dibdib" -ayan ang music sa radio >_<

Daydreamers Series: Love is like a Cup of CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon