Sabi nila mas madali daw magsulat kapag single o loveless ka. Well, single siya at loveless pero bakit wala pa ring pumapasok na kwento sa isip niya Paulit ulit na tinititigan ni Allison ang monitor ng laptop niya pero parang nang aasar pa ito na minamadali na siyang lagyan na ito ng mga letra.
"Razel, kape pa nga" sabi niya sa kaibigan niyang syang may ari nitong cafe na tinatambayan niya.
"Pang ilan mo na yan?!" Sita nito kay Allison.
"Wag kang OA. Pangalawa palang ito"
"Adik ka talaga sa kape Aly. Masobrahan ka nyan sakit ng tyan abutin mo" sita naman sakanya ni Johana. Kaibigan niya din.
"Immune na ang mga alaga ko sa tyan" sagot ni Allison sabay abot ng tasa ng kape na inilagay ni Razel sa tapat niya.
"Eh bakit ba nandito ka ngayon? Ang layo ng bahay mo dito eh"
"Masama na bang tumambay dito? Namiss ko kayo eh. Akala ko kumpleto tayo kaso mukhang wala yung iba. Mga busy sa buhay nila."
"Namiss? Mukha mo Aly! Mangungutang ka lang eh. Ang sabihin mo dito ka lang nakakalibre ng kape" sagot ni Razel.
"Ang talino mo talaga Raz. Paano mo nalaman yun? Kamag anak mo ba si Madam Auring?" Nakangising sagot niya.
"Ikaw ang taong walang kasweet sweet sa katawan Aly kaya wag mo akong pinagloloko dyan na namiss mo kami" nang-aasar na sabi ni Johana.
Nakakatuwang makipag asaran dito sa dalawang ito dahil mga hindi nagpapatalo. Razel and Johana are her friends way back in college. They are a part of a group kasama pa ang ilan nilang kaibigan na may kanya kanyang pinagkakaabalahan na nga after graduation. Si Razel na ngayon nga ay may sarili ng restaurant slash cafe ay isa ding magaling na chef. Si Johana naman ay isang government employee. Ayon dito ay may mas thrill daw ang trabaho nito ngayon kesa magtayo ng sariling negosyo. Si Aiesha naman ay sa isang malaking hotel nagtatrabaho at busy sa pakikibaka sa first love nito. Si Demi ay isang flight attendant. Si Phoebe Ann ay isang kilalang architect at lakwatsera. Si Bea naman ay nag-o "ojt" sa kumpanyang pag-aari ng bestfriend nito. Si Akira ay tulad niya na isa ding writer. After graduation ay sinubukan niyang magtrabaho sa isang 8 to 5 job subalit nabobored sya sa paulit ulit na gawain kaya nang makita niya na hiring sa publication nga na pinagsusulatan niya ngayon ay agad siyang nag-apply at swerteng natanggap naman.
"Eh bakit nga ba ikaw lang Johana ang nandito ngayon? Sabado naman kaya bakit wala yung iba?" Tanong niya sa kaibigan niyang busy sa pagtanggal ng gulay sa pansit na kinakain niya. "Hindi mo ba kakainin yan? Akin na. Sayang yan." Sabi pa niya at inilagay sa plato niya ang mga gulay na inalis nito sa pansit nito. Baliw na babae yan eh. Hindi kumalain ng gulay.
"Eh sabi ko naman wag na lagyan ng gulay eh. Nilagyan pa din. Busy yata kasi yung iba. Kaya wala kang choice kundi pagtyagaan ako ngayon" nakasimangot na sabi nito.
"Oh, bakit bad mood ka yata ngayon? Hindi ako sanay" ang kaibigan niyang ito ang pinakamaldita sa mga kaibigan niya pero ito din ang taong di makakalimutang ngumiti kaya seeing her friend with a knot in her forehead ay talaga namang nakakapanibago.
"Hay naku! Wag mo nalang pansinin yan si Johana. May problema sa lovelife yan eh" sagot ni Razel at naupo sa tapat niya. Wala namang masyadong customer kaya nagagawa nito na makipagkwentuhan sa kanila.
"Si Johana namomoblema sa lovelife? Bago yun ah" gulat na sabi niya. Her friend is also the most "boy magnet" among them. Kaya knowing na namumoblema ito ngayon ay sadyang nakakapagtaka. Kung ang kaibigan niyang ito ay namomroblema sa lovelife paano pa kaya sila? Katapusan na ng mundo?
"Tse! Tumigil ka nga dyan! Kapag ikaw nainlove at namroblema hindi kita tutulungan" asik nito sa kanya.
"Well, my dear friend, that wont happen" sarkastikong sabi niya as she sipped her almost cold coffee.
BINABASA MO ANG
Daydreamers Series: Love is like a Cup of Coffee
Ficción GeneralDala na siguro ng pagiging writer ni Allison kaya naman masyado siyang idealistic pagdating sa love at sa lalaking mamahalin. Gusto niya iyong mga tipo ng bidang lalaki sa mga nobela niya. Tall, dark, and handsome. Successful sa buhay, romantic at...